PEACHY PAIKA-IKA AKONG pumasok ng classroom kinabukasan dahil sa aksidente na nangyari sa akin kahapon malapit sa gate ng school. Hindi ko nga alam kung aksidente nga ba iyon o sinadyang hawakan ang bag ko at bitawan agad na naging dahilan kung bakit ako nagpagulong-gulong sa daan. Nataranta pa sina Sasah at Gadon na sunduin ako sa convenience store dahil sobrang sakit ng aking tuhod. Salamat sa Diyos at puro gasgas lang ang nakuha ko. “Peachy? Are you okay?” tanong ni Haru sa akin nang makaupo ako sa aking seat. “Bakit paika-ika ka? Anong nangyari sa 'yo?” “Okay lang ako, Haru,” sagot ko at napasulyap sa upuan ni Gillian na bakante. “Wala pa si Gillian?” “Absent siya ngayon, sabi ni Miss Angel,” sagot ni Haru na hindi pa rin nawawala ang pagtataka sa mukha. Tumango na lamang ako bil

