PEACHY NANLALAKI ANG MGA mata ko na agad tumayo at humakbang palayo kay Raegan na salubong ang mga kilay na nakatitig sa akin. Hindi ko magawang salubungin ang mataman na tingin niya sa akin at nang tumayo na siya ay hindi ko mapigilan ang mapalunok ng laway dahil sa kaba. Tahimik ang paligid at tanging malakas na kabog ng puso ko lamang ang aking narinig. Shit! Bakit siya nandito? “A-Anong ginagawa mo dito nang ganitong oras, S-Sir Raegan,” nauutal at lakas loob kong tanong sa kaniya. “Alam niyo po bang trespassing kayo?” Sa halip na sagutin ang aking tanong ay humakbang lang siya palapit sa akin na hindi inaalis ang tingin. Pinagkiskis ko ang aking bagang at sinulayapan ang baseball bat na nasa lapag. Mariin ko ring kinuyom ang aking kamao dahil hindi ko pa rin p’wedeng alisin ang

