Si Penelope at Ang Kanyang Pamilya
"Wala ka talagang kwenta, kailan ka ba magkakaroon ng silbi dito sa ating pamamahay?"- sigaw ng ama ni Penelope. Nakabasag kasi siya ng pinggan habang naghuhugas dahil binangga siya ng kanyang ate. At dahil nakasira na naman siya ng gamit ay pinapagalitan na naman siya ng kanyang ama at hinaplit siya ng sinturon.
Wala naman siyang magawa at hindi siya makapag sumbong o makapag reklamo dahil hindi siya nakakapag salita. Ipinanganak na pipi si Penelope at dahil sa kanyang kapansanan ay lagi siyang pinag iinitan ng kanyang pamilya. Sabi nila ay pabigat si Penelope, inutil, walang silbi at walang naiitulong sa kanilang tahanan, samantalang siya lagi ang ginagawang alila at utusan sa kanilang bahay. Maski ang trabaho ng kanyang mga kapatid ay siya din ang pina pagawa at wala namang kaalam alam ang kanilang ina na ganun pala ang nangyayare dahil maghapon siyang nasa trabaho at tuwing uuwi siya sa hapon ay nakikita niya na nakaupo sa may bintana si Penelope at naka tanaw sa malayo dahil tapos na niya lahat ang gawain sa bahay. Kaya't buong akala din ng ina niya ay tamad siya at walang ginagawa sa maghapon, inaako din ng mga kapatid niya na sila daw ang naglinis sa bahay at walang ginawa si Penelope kundi manood.
Hinaplit na naman siya ng sinturon ng kanyang ama at walang umaawat dito, pinapabayaan lamang sila ng kanyang mga kapatid at tila nanonood ng pelikula habang kumakain ng chichirya. "Kailan ka ba magta tanda? Sana ay ipina laglag na lang kita noong nasa tiyan ka pa ng mama mo! Kung alam ko lang na lalaki kang tanga ay ipina ampon kita"- dire diretsong wika ng kanyang ama, at doon sa kanyang sinabi ay tumulo ang luha ni Penelope.
Sanay na siya sa pananakit ng kanyang ama at mga kapatid, ngunit iniisip niya na kailanman ay hindi siya masasanay sa masasakit na salita na sinasabi nila sa kanya. Bawat araw na dumadaan ay tila palalim ng palalim ang sugat sa puso ni Penelope na dulot ng kanilang mga sinasabi, ang bawat bigkas ng salita na namumutawi sa kanilang mga labi ay tuma tarak at bumabaon sa kaibuturan ng kanyang damdamin. At ayon ang sugat na hindi niya alam kung papaano hihilumin, dahil nakikita ni Penelope na ang sugat sa kanyang balat ay gumagaling ngunit ang sugat sa kanyang puso ay patuloy na lumalalim.
Narinig nila na may nagbubukas ang kanilang tarangkahan, senyales na umuwi na ang ina ng tahanan. Nakaroon ng pag asa si Penelope dahil iniisip niya na dumating na ang kanyang kakampi, ngunit sinenyasahan siya ng kanyang ama na wag magsu sumbong kasabay ng pagtaas ng kamay niya na may hawak na sinturon, na ang ibig sabihin ay may hindi niya magugustuhan ang mangyayare kapag nagsumbong siya sa kanyang ina.
Iniisip siguro ng kanyang ama na pag nag sumbong siya ay maiintindihan ng kanyang ina ang kanyang sasabihin. Gayunman ay sumunod siya sa kanyang ama, dahil iniisip nya na kapag naging masunurin siya ay mababawasan man lang ang pananakit sa kanya.
Para maiwasan ang na mapag alala ang kanyang ina ay mabilis siyang nag hilamos ng kanyang mukha at inayos ang kanyang sarili. Nang makapasok sa pinto ang kanyang ina ay agad siyang lumapit at yumakap dito.
"Ang sweet naman ng anak ko"- sabi ng ina at niyakap din ang kanyang bunsong anak. Si Olivia ay isang ulirang ina, siya ang nagta trabaho at kumakayod para sa kanyang buong pamilya. Mapagmahal siya at maalaga sa kanilang magkakapatid, sa katunayan ay payapa si Penelope tuwing nandyan ang kanyang ina dahil walang nakakapanakit sa kanya.
"Tingnan mo yang anak mo, inutusan ko lang na kumuha ng plato eh naka basag agad"- pagre reklamo ni Mang Rene, "mabuti pa itong si Jessa, kahit anong iutos ko ay nagagawang sumunod ng walang kapalpakan."- dagdag pa niya, tinutukoy ang paborito niyang anak na panggitna sa tatlong magka kapatid.
"Pag pasensyahan mo na, minsan lang naman nagkaka mali itong anak mo."- paga amo ng ni Olivia sa kanyang asawang si Rene.
"Talagang minsan lang dahil tamad naman yang batang yan at walang ginawa kundi humilata maghapon."- singhal pa niya at padabog na lumabas ng pinto para pumunta sa bahay ng kumpare at makipag inuman.
"Jessa, linisin mo nga iyang basag na pinggan at magluluto na ako ng hapunan natin."- utos ni Olivia sa anak. Tumayo naman ito agad at kumuha ng walis at dustpan para linisin ang basag na pinggan.
"Okay na 'Nay, nakapagluto na ako ng ating hapunan"- mabait na wika naman ni Jessa habang ipinagma malaki ang adobo na si Penelope naman ang nagluto.
"Aba, very good naman si ate, parang gusto kong dagdagan ang allowance mo kapag ganyan ka ng ganyan"- proud na sabi ng ina at medyo humalakhak pa pagkasabi na dadagdagan ang allowance ng anak.
"Sige, maghain ka na anak ha. Magpapalit lang ako ng damit at lalabhan ko ang isusuot natin bukas."- utos ng ina kay Jessa.
"Ay hindi 'Nay, nalabhan ko na lahat ng damit natin, pinalantsa ko na din"- biglang sabi naman ni Oliver na dinungaw ang kanyang ina habang naka upo sa harap ng kompyuter. Na ang naglaba at nag plantsa din naman ng mga damit ay si Penelope.
"Wow, sisipag naman ng mga anak ko."- pag puri ni Olivia sa kanyang mga anak. "Ikaw Penelope? kamusta naman ang maghapon mo?"
"Ay nako 'Nay, wag mo ng tanungin. Lagi lang naman yan nakaupo sa harap ng t.v o kaya ay nakahiga sa kama, o kaya naman naka tanaw sa labas ng bintana."- sabat naman ni Jessa. Tumingin naman si Olivia kay Penelope at hinihintay ang sagot nito.
Matamlay naman siyang ngumiti at itinaas ang kanyang kamay para mag senyas sa kanyang ina na okay lang ang kanyang mag hapon. Napansin naman ni Olivia ang pasa sa kanyang braso, dulot ng pamamalo ng sinturon ng kanyang ama, nilapitan ni Olivia ang anak para tingnan ito.
"Anong nangyare? Saan galing ang pasa mo?"- may pag aalalang tanong ni Olivia sa anak.
"Ano 'Nay, nabangga yan kanina, dito sa may kantuhan ng ating lababo kaya nagka pasa. Gagaling na din yan, nilagyan ko ng yelo"- sabat na naman ni Jessa.
Napangiti naman si Olivia dahil napaka babait, maalalahanin at nagmamahalan ang kanyang mga anak. Samantalang si Penelope ay hindi man lamang makapag protesta sa mga kasinungalingan ng kanyang mga kapatid.
"Naku! Napaka swerte ko talaga sa inyo mga anak ko."- sabi pa ni Olivia bago tumalikod at umakyat sa hagdan. Pumasok na siya sa kanilang kwarto na nasa ikalawang palapag ng kanilang bahay, para magbihis.
Dali dali namang lumapit si Jessa kay Penelope, bigla nya itong kinurot sa tagiliran at sinabing "Maghanda ka ng hapunan, sasabihin ko kay tatay na nagsumbong ka tungkol sa pasa mo" - sabi pa niya at may halong pananakot ang kanyang tono.
Lumakad naman agad si Penelope hawak ang kanyang tagiliran na kinurot ng kanyang ate. Itinapon niya sa basurahan sa labas ang basag na pinggan na nakalagay na sa dustpan, sumunod naman ang kanyang ate at kinurot ulit siya sa tagiliran ng mas madiin. "Ako pa pinag linis nyang kalat mo, nakaka irit ka talaga"- gigil at pabulong na sabi niya dahil inisiip nyang baka marinig sila ng kanyang ina.
Nakapag handa na ng hapunan si Penelope, ng bumukas ang pinto ng kwarto ng kanilang ina ay dali daling tumayo si Jessa sa sofa at kunyare ay inaayos ang mga pinggan sa lamesa. Nadatnan naman ni Olivia na nakaupo na si Penelope sa kanyang pwesto at nag aantay na lamang ng mga kasabay sa pagkain.
"Penelope, tinulungan mo ba na mag handa dito si ate mo?"- naka ngiting tanong niya habang naglalakad patungo sa kanyang pwesto.
"Hindi 'Nay, bahagya na nga akong matapos mag handa nitong hapunan dahil lagi yan naka haramg sa daraanan ko"- pagsu sumbong pa ni Jessa sa ina. Napa buntong hininga naman si Olivia dahil dito, iniisip niya na masyado niyang bini-baby si Penelope kaya't hindi na ito tumutulong sa mga gawaing bahay.
Si Penelope naman ay tahimik na nakatungo at pina pabayaan nya na lang ang mga kapatid nya sa mga gusto nilang gawin. Tutal ay mas gusto nya na lang manahimik kaysa madagdagan pa ang parusa na kanyang sasapitin kapag siya ay sumalungat sa gusto ng kanyang mga kapatid.
"O sya, tara nang kumain. Baka bukas na ulit uuwi ang Tatay nyo, may handaan yata kina pareng Berting dahil birthday ng anak nya"- pinal na sabi ni Olivia at nag simula na silang kumain.
"Hmm, sarap naman ng luto mo ate, makiki abot naman ako ng tubig"- sabi ni Olivia dahil nasa pagitan lang ni Penelope at Jessa ang pitsel. Agad namang kumilos si Penelope at nagsalin ng tubig sa baso. Habang siya'y nagsa salin ay sinipa ni Jessa ang kanyang paa, dahilan para magulat si Penelope at matapon ang tubig kay Jessa na nasa tabi lamang niya. Hindi yun ang nais mangyare ni Jessa dahil ang inaasahan niya ay kay Penelope matatapon ang tubig.
"Ugghh ano ba? yan na nga lang ang gagawin mo di mo pa magawa ng tama"- singhal ni Jessa kay Penelope, nais mag paliwanag ni Penelope ngunit hindi siya iniintindi ng kanyang ina. Gusto lamang sabihin ni Penelope na sinipa siya ni Jessa kaya natapon ang tubig. Si Olivia ay tumayo na lamang at kumuha ng basahan para tuyuin ang tubig na nagkalat sa lamesa.
"Tingnan mo 'Nay oh, pati yung ulam na niluto ko ay tinubigan din ni Penelope, naiinggit siguro sya dahil hindi sya marunong magluto."- pagsu sumbong pa ni Jessa sa ina.
Walang kibo naman na itinuloy ni Penelope ang pagkain, alam niya na hindi naman sya maiintindihan ng kanyang ina.
"Penelope, hindi ka man lang ba magso sorry sa ate mo"- may halong pagka inis na sabi ni Olivia, si Penelope naman ay bahagyang inilagay ang kanyang kamao sa kanyang dibdib at hinagod ito ng paikot, senyales ng paghingi ng tawad.
Pumunta sa lababo si Olivia upang ilagay ang basahan, "Lagot ka sakin mamaya"- nanggigigil na bulong ni Jessa sa kapatid at kinurot siya sa tagiliran, bago padabog na lumakad paakyat sa kanyang kwarto.