Chapter 4

2588 Words
Aviana Kye Mabilis lumipas ang bawat araw para sa akin. Ang bawat araw na dumadaan ay kasabay nun. Ang pag-iwas ko kay Deacon, na parati nasa bahay. Kinausap kasi nito si mommy. Na siya daw ang maghahatid sa akin papunta sa opisina ko. Dahil hindi ibang tao ang binata, pumayag naman ang akin ina sa kagustuhan ng binata. At ako naman wala magawa kundi, pagtaguan siya. Mapa bahay man o office ko. Kaya lagi kong pinagbibilinan ang mga tao sa bahay namin. Kapag may bumisita sa akin ang sabihin ng mga ito. Wala ako o kaya tulog ako. At ganun din sa office ko. Hanggang kailan ba ako magtatago para lang makaiwas sa kanya? Parang akong isang criminal na meroon kaso at pinagtataguan mga awtoridad ng batas ng pilipinas. Nakaka-pagod na sabi ko sarili ko. Sa ngayon ay nandito parin ako sa loob ng opisina ko. Palakad-lakad habang nagiisip kung saan ako dadaan palabas ng office. Sinabi pa naman ni manong guard nasa baba parin si Deacon. Pangalan palang ng binata kapag binabangit. Parang na akong isang ipoipo na hindi mapakali. Napag-pasyahan kong sumilip sa pinto ng office ko. Bahagyang kong dinungaw ang akin ulo. Inikot ko ang mga mata ko upang makita kung may tao paba sa loob ng company namin. Ng masigurado ko wala na. Naisipan ko doon nalang ako dadaan sa likod ng company namin. Tatawagan ko nalang si kuya Oskar. Na doon nalang niya ako sunduin at huwag na sa parking lot baka kasi makasalubong ko si Deacon mahirap na. Now I am here in the car. Si kuya Oskar ang driver. Ni minsan nakakalimutang kong tawagin si kuya Oskar, na kuya, dahil sa nalilito sa edad niya. Minsan kasi, bata siyang tignan sa paningin ko at minsan din manong din tignan ito. Alin man daw sa dalawa ang itawag ko sa kanya ay ayos lang daw iyon sa kanya. Basta igalang lang daw siya at narinig kupa nga nandoon parin si Deacon sa parking lot. Nahahabag man ang damdamin ko dahil sa ginagawa ko sa binata. Paano naman ako? Paano kung bumalik ang feelings ko sa kanya? Saka sanay na akong wala siya sa tabi ko. "Aviana hija, ang lalim naman yata ng ini-isip mo?" Po?Napahinito ako sa pagiisip at bumaling ako ng tingin kay kuya Oskar. Mula sa reaview mirror at ako naman ay nasa back seat. "Iniisip ko lang po, 'yung pinag-usapan kanina sa loob ng office ko kuya, Oskar." Saad ko baka mag-usisa sa akin si kuya Oskar, dahil likas na madaldal ako kapag nasa biyahe. "Ganun ba, hija? Ilan araw ko nang napapansin. Laging dumadalaw dito sir Deacon, sa office mo. Pero bakit hindi mo siya hinaharap hija? Nag-away ba kayo, dalawa?" Sinalungat ko agad ang sinabi ni kuya Oskar baka iba ang isipin niya. "Naku po! hindi kuya Oskar... Busy lang ako lagi. Kaya wala akong time para harapin siya...." Alam ko sa sarili ko na napapadalas na ang pagsisinungaling ko. Na hindi ko naman gawain noon. Pero dahil sa sitwasyon ko. Kailangan kong mag-sinungaling sa mga taong malalapit sa akin. Katulad ni mommy. Napapansin din ang ginagawa ko pero hindi nalang ako kumikibo. Para walang mahabang usapan. "Ganun ba. Believe din naman ako kay Sir, Deacon. Matiyagang naghihintay sayo, hija..." "Ano pong ibig niyong sabihin. Matiyagang naghihintay, kuya Oskar?" Gulat kung tanong. "Ganito kasi 'yon, hija? Minsan kasi napapansin ko. Na parang may naka kasunod sa atin kapag umuuwi tayo sa bahay niyo.. Madalas 02 am kana, tatapos sa sakaka-trabaho mo. Akala ko noon, ay masamang tao na ang sumusunod sa atin. Ang pinagtataka kulang. Hanggang sa loob ng Village, ay nakakapasok siya ng malaya na walang pumipigil sa kanya. Kaya naman nawala ang pangamba ko para sayo Aviana. Pero one time. Dahil sa sobrang mong pagka-pagod sa trabaho, nakatulog kana sa loob ng sasakyan at sakto naman nakarating na tayo sa bahay niyo. Nang akmang gigisingin na sana kita. Biglang may kumatok sa salamin ng sinasakyan natin. Na gulat pa nga ako noon ng makita si sir Deacon pala ang nag-mamaya ari ng sasakya na sumusunod sa atin." Napanganga ako sa mahabang kinuwento ni kuya Oskar sa akin. Bakit kailangan gawin iyon ng binata sa akin? Ang maghintay ng ganun katagal para lang ba matiyak niya na safe ako makaka-uwi sa bahay namin o baka naman nakakahalata na ang binata sa pag-iwas ko sa kanya. Alin man sa dalawa ang iniisip ko alam ko isa doon ay totoo. Iyon ang ramdam ko. "Bakit daw po niya tayo, sinusundan kuya, Oskar? Meroon ba kayong pinag usapan, habang tulog po ako?" Na curious kong tanong sa kanya. Kung may pinag-usapan ba ang dalawa habang tutulog ako. Gusto ko malaman kung tama ang kutob ko sa nararamdaman ko. Bakit ngayon lang ito, nagkwento sa'kin ni kuya Oskar, na may ganun na palang nanyari na wala akong kamalay-malay. Siguro dahil madalas, laging lumilipad ang isipan ko. Para magisip at maghanap ng paraan na hindi magkrus ang landas namin ni Deacon. Nakita ko nalang napakamot sa ulo si kuya Oskar. Parang nagda-dalawang isip siya kung sasagutin niya ang tanong ko sa kanya. "Nagtanong lang siya, kung bakit late na tayo nakakauwi sa bahay niyo, hija? Sinabi ko, 'yung dahilan na busy ka sa pagma-manage ng company, niyo. Pagkasabi ko nun, hindi na siya umimik pa." Napasadal ako sa likuran ng inu-upuan ko. Baka iyon lang ang pakay ng binata. Ang magtanong kong bakit late na ako nakakauwi sa bahay namin. Pero bakit hindi lang magtanong si Deacon, kay mommy. Kung iyon lang naman ang gusto niyang malaman tungkol sa'kin. Bakit kay kuya Oskar pa? Tanong ko sarili ko. "Umalis na po ba siya. Pagtapos n'yang magtanong kuya Oskar?" Umiling-ling lang si kuya Oskar, parang may gusto pang sabihin. "Nung, tinanong ni Sir, Deacon. 'Yung bagay na iyon sa'kin. Hindi pa siya umalis hija. Lumapit siya sa may pinto ng back seat tsaka niya binuksan ito. Pinasok niya ang kahalating katawan niya sa loob ng sasakyan at pinagmasdan ka niya hija. Habang mahimbing kang natutulog. Nakita ko pa nga, hinaplos niya ang pisngi mo na nakangiti siya, sayo. Habang nakangiti siya hija. Ramdam ko ang sobrang pagkamiss niya sayo Aviana. Lalaki ako, kaya alam ko ang ganun pakiramdam ng isang lalaki kapag na miss ang isang babae. Pagkatapos nun, hinalikan ka niya, sa iyong noo. Hindi nagtagal umalis na din siya hija." Mahabang salay-salay ni kuya Oskar sa'kin ulit sa nasaksihan n'yang ginawa sa'kin ni Deacon. Namalayan ko nalang ang isang kong kamay, napahawak sa akin pisngi at noo ko. Naramdam ko nandoon parin ang init ng kamay ng binata sa'kin pisngi. Ang malambot na mga labi ng binata ng dumampi sa noo ko, nandun parin ang init ng hininga niya ng galing sa kanya. Kaya pala may kakaibang akong naramdaman sa akin mukha. Akala ko kasi isang panaginip lang iyon. Totoo pala. "Alam mo hija. Kung wala kalang boyfriend, bagay kayo ni Sir, Deacon." Nag isang linya ang kilay ko sa sinabi ni kuya Oskar. "Si kuya Oskar, talaga! Puro kalokohan ang sinasabi..." Natatawang kong biro sa kanya. "Mukha ba ako nagbibiro, hija? Sa tanda kong 'to? Lolokohin pa ba kita... Kung ayaw mo maniwala sa akin. Okay lang, para sa akin? bagay kayo ni Sir, Deacon..." Opinyon ni kuya Oskar para sa amin dalawa ni Deacon. Malalim akong bumuntong hininga. Sabi ng karamihan ngayon na nasasaktan. May pinag-tagpo pero hindi naman tinadhana ng panahon. Katulad sa amin ni Deacon. Kahit gaano pa kami kabagay ni Deacon sa paningin ng iba. Kung best friend lang naman ang turing niya sa akin at nakaka-batang kapatid. Walang parin kwenta sa akin ang salita bagay kami. Dahil parehas kaming only child ng binata, ng mga magulang namin at alam kong kapatid lang ang tingin niya sa akin. Kahit ilan libong tao pa ang magsabi na bagay kami ng binata. Ang sarili ko na mismo, ang nagdidiktan sa akin na iwasan ko ang binata at layuan ito. Because in the end I still lose again. When we get home. Nagtungo ako kaagad sa kusina para uminom ng tubig na malamig. Habang umiinom ako. Na alala ko 'yung kinuwento ni kuya Oskar sa loob ng kotse. Hindi parin ako makapaniwala until now. Ang daming pumapasok na katanungan sa akin isipan. Kong bakit iyon ginawa ni Deacon sa akin. Sa lalim ng iniisip ko nalamayan ko nalang ang sarili ko nasa tapat na ako ng kwarto ko habang bitbit ko ang basong pinag-inuman ko na may laman pang kalahating tubig. Napa-iling nalang ulo ko sa lumulutang kong diwa. Inikot ko ang paningin ko sa kabuaan ng bahay namin. Tahimik na ang buong paligid at lahat ng taong nakatira sa bahay ay tulog na. Ako nalang ang hindi pa. Binuksan ko ang kwarto ko. Na hindi nag-aasksayang bumuksan ang ilaw ng kwarto ko. Dahil sapat na ang ilaw na binibigay na liwanag sa may biranda ng kawarto ko. Nilapag ko ang basong hawak ko sa maliit na table, sa tabi ng kama ko kasama ang bag ko. Kumuha ako ng pantulog na damit sa cabinet ko at pumunta sa banyo. Naghalf body wash lang ginawa ko sa katawan ko matanggal lang malagkit na pawis na kanina ko pa nararamdaman ng bisitahin ko kanina ang isa sa mga factory, pag-mamay-ari ng familya ko. Kung saan doon ginagawa ang mga materyales sa paggawa sa bahay. Inispeksyon ko ang bawat materyales, kung wala bang magiging aberya rito o sira man lang kapag idenilivery ito sa ibat-ibang store, na sinusuplayan namin deliveran. Lumabas ako ng banyo at dumapa kaagad sa kama ko. Sabik na sabik na ang akin katawan humiga ulit sa malambot kung kama. Very time kasi na hihiga na ako sa kama ko. Doon ko nalang nararamdaman na pagod na pagod na pala ang katawan ko sa pagtra-trabaho ko sa buong araw. Hinihila na ako ng antok ko. Pinipilit ko lang itong labanan. Kailangan ko pa kasing tawagan si Paul ang akin boyfriend. Nakailan tawag na ito sa akin kanina. Hindi kulang masagot, gawa ng sobrang busy ako sa trabaho ko. I took my cell phone from inside my bag. And I dialed Paul's number. Sinagot naman agad ni Paul ang tawag ko mula sa kabilang linya. Pag-sagot palang ng nobyo ko sa tawag ko. Bumungad na ang malalakas na tugtugan at hiyawan ng mga tao, Animo'y nasa isang maingay na lugar ang boyfriend ko. "Hello, honey... Sorry, hindi ko nasagot tawag mo kanina, ah.. Busy ako nung time na, tumatawag ka sa akin, e!" Sigaw ko sa kabilang linya. Na medyo, inilayo ko ang hawak kong cellphone sa akin tainga. "Okay lang, honey.... I understand! Tinawagan lang kita... Kanina, para kamustahin ka?!" Balik na sigaw ni Paul sa akin. "I'm okay.... Nasaan kaba?! Bakit ba ang ingay d'yan.... Sa kinaroroonan mo?!" Sigaw ko muli sa kabilang linya. Makarinigan lang kami ni Paul. "Nandito ako sa bar, ng makati, honey! Niyaya ako ng mga barkada kung uminom ng kaunti... Hindi tayo makakapag-usap ng mabuti.... Maingay rito! Tatawagan nalang kita bukas... Okay! I love you!" He turned off the call. Napabuntong hininga ako sa ginawa ni Paul. May gusto pa man sana akong sabihin sa kanya. Ang kaso pinatayan ako ng tawag. Di bali na nga lang, may bukas pa naman para sabihin iyon kay Paul. Nagpapasalamat ako. Dahil saka-bilang ng pagiging busy kong tao, ay hindi parin nagbabago ng pakikitungo ang boyfriend ko sa akin. Hindi rin ito naglalamig sa relasyon namin. Kahit ang daming kung pagkukulang na oras at atensyon kay Paul, bilang girlfriend niya. Gwapo rin si Paul. Maganda din ang pangangatawan ng nobyo ko alaga sa gym, saka isa itong modelo. Kahit sinong babae, papangarapin din magkaroon ng boyfriend ng katulad ng sa akin. Bumalik na ako ulit sa paghiga at nilapag ang cellphone sa tabi ng lampshade. Hinubad ko ang suot kong pajama. Mula sa ilalim ng kumot ko, na hindi ina-abalang ayusin, basta ko nalang hinubad ang pajama ko at bahala na diyan. Panty, saka string sandong manipis lang ang tanging suot ko sa tuwing matutulog ako sa gabi, ay ayos na iyon sa akin. Nakaka-relax sa katawan kapag ganito ang suot ko at para din madaling makatulog. Pinikit ko ang mga mata ko at dumapang humiga mula sa pagtihaya kanina. Pakaraan ng ilan oras yata ang dumaan at medyo namumugay pa mga mata ko sa antok. Pero. I can feel somthing inside my room. Parang may nakatingin sa akin. Mula sa malayong part ng kwarto ko. Gusto ko ito lingunin. Kaso baka ano ang makita ko. Takot pa naman ako sa multo. Nagdasal ako na sana huwag ako lapitan nito. Kung sino man siya. Dahil hindi ako magda-dalawang isip na sumigaw ng malakas. Kahit makabulabok ako ng mga taong natutulog na ngayon. I can hear it walking. Hindi ko alam kong saan siya pupunta. Basta nakikiramdam lang ako sa mga yapak na naririnig ko. Nagsitayuan mga balahibo ko sa katawan. The strength of my heartbeat. Baka masamang tao ito nakapasok sa bahay namin. Pero paano? sobrang higpit pa naman ng security dito sa loob ng village namin. Hindi basta lang na makakapasok, kung sino-sinong tao lang. Lalo na kong hindi naman nakatira dito. Ng wala na akong naririnig na mga yapak ng paa. Pero sa akin parin ang titig nito sa akin at iyon ang ramdam ko. Natatakot ako, pero handa akong lumaban kong ano naman ang manyari. Para malaman ko, kong sino itong nakapasok sa kwarto ko. Kung masamag tao ba ito? o multo lang na gusto akong takutin. Baka naman guni-guni ko kulang na may ibang akong kasama tao. Mula sa pagkahiga bumangon ako at lakas loob kong binuksan ang mga mata ko at hinahanap ng mga mata ko. Kung saan ba nang-gagaling ang mga yapak na naririnig ko. Inikot ko ang akin patingin sa loob ng kwarto ko. At natuod akin mga mata sa bintana ng akin kwarto. Dahil doon ko nakikita isang anino ng isang tao. Pero medyo madilim sa part na iyon. Kumunot ang noo ko. Sino nag patay ng ilaw sa biranda ko? Hindi ko naman ito pinatay kanina bago ako natulog ah? Takang kung tanong sa akin sarili. Oh my god! baka nga may masamang taong talagang nakapasok sa loob ng kwarto ko habang natutulog ako. Binalot ako ng kaba sa dibdib ko at nanginginig ang buong kung katawan sa sobrang takot. Ganun pa man. Muli ko itong tinignan. Kahit maiiyak na ako sa takot at nerbisyo. Hirap akong ma-aninag ito. Pero ito na ang gumawa ng paraan. Lumakad ito patungo sa kinaroroonan ko. Naghanap ako kaagad ng pwedeng ibato na gamit sa kanya sa sobrang taranta ko. Kinapa ko ang maliit na table sa tabi ng kama ko na hindi ina-alis ang tingin ko sa kanya. Baka may gawin ito hindi maganda sa akin. Nang wala akong makapa na pwedeng ibato rito. Ang bag ko kaagad ang naisip ko. Hinanap ko kaagad ito sa pamamagitan ng mga kamay ko. Ng mahawakan ko na ang bag ko. Kinalkal ko agad ang loob nito at hinanap ko ang pabango ko. Ito nalang kasi ang pumasok sa isipan ko. Kahit natataranta ako sa ginagawa ko. "Huwag kang lalapit! D'yan kalang! Ibabato ko itong hawak ko sayo!" Sabi ko rito. Pero hindi ito natinag sa banta ko. Patuloy lang ito naglakad papunta sa akin. "Sabi na, nga! Huwag kang lalapit, e?! sisigaw ako ng malakas?!" Isa pang pagbabanta ang binigay ko rito. Pero wala itong naging pakialam at huminto ito mismo sa harap ko. Nanlaki ang mga mata ko at nabilog, na-ikinabilis ng tibog ng puso ko ang nakita ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD