Kabanata 8

1141 Words
Hinawakan ni Daniella ang sample formula and solution at pinakita sa nanay niya. "Ito kasi ang dahilan Nay, hindi ko maintindihan!" Kinuha ito ni Maria at binasa. "Anong mahirap dito? Math subject lang naman 'to," kalmadong sambit nito. Nanlaki ang mata ni Daniella dahil sa sagot ng nanay niya. "Ano ka ba naman Nay, mahirap 'yan para sa akin Math 'yan. Sige nga subukan mong sagutan kung madali lang. May ilang question diyan." Tiningnan naman siya nito ng masama. "Bakit ako ang magsasagot nito, hindi naman ako ang estudyante sa ating dalawa. Ikaw Daniella huwag kang gumawa ng eksena para hindi ka makagawa ng assignment mo!" "Hindi naman 'to assignment, galing 'to sa tutor ko." Nagtaka si Maria sa sinabi ni Daniella"Tutor? Kelan ka pa kumuha ng tutor para turuan ka, hindi kita pinalaking walang utak Daniella." Sa isip niya," Itong si nanay makasabi ng ganon, siya rin hindi masagutan ang Math, parehas lang kami." "Alam ko 'yang tingin na 'yan Daniella, sinasabi mo bang wala akong alam sa Math!" Itinaas niya ang dalawang kilay niya. "Marunong ka ng magbasa ng isip ng tao ngayon?" Bumuntong-hininga si Maria sa kakulitan ng anak niya. "Mag-umpisa ka na ngang mag-aral diyan, ang dami mong sinabi, at saka nga pala sino ba 'yang tutor mo at pumayag na turuan ka. Saan ka kukuha ng pambayad sa kanya." "Hindi Nay, special program ng school namin. Masuwerte lang ang anak mo kaya ako ang napili para turuan ni William." Sabay hawi pa ng buhok niya. Nagsalubong ang kilay ni Maria. "William?" "Oo Nay si William, yung crush ko since first year highschool." " Talaga? Parang noong isang araw lang—" Hindi na natuloy ni Maria ang sasabihin niya ng mapagawi ang mata niya kay Daniella na ngayon ay kita sa mukha na hinihintay ang kasunod ng sinasabi niya. "Ano 'yon Nay? Parang noong isang araw lang?" Umilap ang mata ni Maria. "Gusto kong bumili ng karne ng baboy kaso ang mahal." "Parang hindi naman 'yon ang dapat na sasabihin mo." Tumayo na ang kanyang nanay at balak ng umalis. "Mag-aral ka na lang diyan at ako ay aalis na meron ka naman ng miryenda. Siguro naman kahit paano malagyan ng konting talino ang utak mo." Lumabas na ito ng kubo at iniwan si Daniella na hindi makapaniwala sa sinabi ng nanay niya. "Anong akala ni nanay sa akin walang utak!" Sabay kinuha ang papel at tinitigan, pero binaba muli. "Tama siya wala talaga akong utak." Sabay dukdok ng noo niya sa lamesa. "Bahala na kung wala akong masagot sa short quiz ni William bago siya magsimula na turuan ako sa ibang subject. Pero palagay ko hangga't hindi ako nakakakuha ng may kataasan na score, pa ulit-ulit lang kami." Maghapon na nakatutok lang ang pansin ni Daniella sa mga math formula and solution. Kinabukasan ay ganon rin ang ginawa niya dahil sa lunes ay ibibigay na ni William ang short quiz sa kanya. Sa darating na sabado pa ang usapan nila ni William na sa isang park na lang malapit sa school siya tuturuan nito, kaya naman si Daniella ngayon ay sariling sikap para matandaan lang ang mga solution kahit pa ang utak niya ay hindi gumagana ng maganda. Sumapit ang gabi at hininto muna ni Daniella ang pagsosolve at umupo sa gilid ng bintana ng kwarto niya. Pinagmasdan ang buwan na sobrang liwanag ng gabi na 'yon. Nakatitig lamang rito si Daniella na parang ang lalim ng iniisip. Ilang minuto lang ay tumayo na siya at sinira ang bintana para maghanda na para matulog. Sumapit ang lunes ay nasa garden na ng school si Daniella agad ng lunch time na nila pero wala pa si William. Kumain muna siya bago pumunta ng garden at mukhang kumain rin si William kaya wala pa ito. Si Daniella ay hindi muna tiningnan si William kanina habang may klase at iniiwasan na magawi ang paningin nito sa mukha niya. Lumipas ang ilang minuto ng umupo agad si William sa upuan sa tapat niya. Napansin naman ni William na sobra naman ang pagkakayuko ni Daniella pati buhok nito'y natatabingan ang mukha niya. "Nakapagreview ka ba?" tanong ni William. "Oo, ako pa ba." Pagmamayabang niya. "Talaga? Sige subukan natin." Inusog ni William papunta ang isang papel sa kanya. Kinuha naman niya ito at sinuri. Biglang namang napa-angat ang ulo niya sa gulat dahil sa nakita. "Teka! Ang sabi mo short quiz lang, bakit hanggang 50 numbers ang kailangan kong sagutan with solution pa? Sa tingin mo matatapos ko 'to bago mag bell!" Halos magdikit na ng tuluyan ang kilay niya a sa pagkunot ng noo. "Hindi ka ba natulog?" seryosong tanong ni William. Hinawakan niya ang mata niya dahil ang eyebags niya ay nangingitim na dahil sa pagpupuyat ng dalawang gabi. "Natulog naman, bakit?" "Mukhang nagpuyat ka para mag-review lang ang ibinigay ko, ayos ka lang ba?" Ngumiti siya at naisip na baka hindi na nito ituloy ang quiz na dapat niyang sagutan. "Okay naman ako." "Ganon ba sige sagutan mo na 'yan." Pagkasabi no'n ay nagbuklat na ito ng libro at nagbasa. Naiwan naman na nakanganga si Daniella sa sinabi nito. "Akala ko pa naman magiging mabait siya sa akin." Inirapan niya si William na hindi naman nakatingin kaya labag man sa loob niya sinagutan na niya ang quiz at bahala na kung abutan siya ng ring ng bell hudyat na tapos na ang lunch break nila. Seryosong-seryoso si Daniella sa pagsasagot kaya hindi niya namalayan na sumisilip si William mula sa hawak nitong libro. Nakita ni William kung paano magtiyaga si Daniella na sagutan ang ibinigay niya kaya naman may sumilay na maliit na ngiti sa labi nito at pagkatapos ay bumalik muli sa binabasa niya. Halos kalahating oras ang pagsasagot ni Daniella ng biglang nag-ring ang bell kaya naman huminto na siya sa pagsasagot. Halos na sa number 20 pa lang siya ng magbell. "Tapos na?" tanong ni William. "Syempre hindi pa,nag-bell na paano ko pa matatapos," dismayadong sagot niya. Kinuha ni William ang papel at tiningnan kung hanggang saan siya natapos. "Okay na 'to, tingnan natin kung may tama ka kahit isa." At tinago na ang papel sa bag niya at tumayo. Tuluyan ng lumakad pa punta ng classroom maging si Daniella ay sumunod na rin dito. Tumingin siya kay William ng hindi makapaniwala. "Ano pang ginagawa natin dito! Umuwi na tayo para do'n ko na lang ipagpapatuloy ang tulog ko sa bahay na dapat ay kanina pa ako nakauwi," may diin sa bawat salita niya. Hindi siya pinansin ni William at nauna pa itong umalis. "Talaga naman! Siya pa talaga ang may ganang maunang umalis." Nakanguso pa siya habang sinusundan ng tingin si William paalis. "Itong si William hindi ko alam kung manhid ba talaga, dinaig pa niya ang anesthesia." Naglakad na rin siya at sumunod na kay William dahil ang layo na ng pagitan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD