Natapos ang maghapon na klase nila Daniella at halatang ang mga mata niya ay gusto ng pumikit dahil sa sobrang antok.
Hindi kasabay ni Daniella sa pag-uwi si Bree ngayon dahil nagmamadali itong umuwi kaya naman habang palabas na siya ng gate ng eskwelahan ay tinawag siya ni William.
"Sandali! " may kalakasan na tawag nito.
Tamad na lumingon siya kay William at hinintay lang ito na makalapit sa kanya. "May pupuntahan tayo, sumunod ka sa akin," sambit nito at nagpatuloy ng lumakad.
Kumunot naman ang noo ni Daniella dahil gustong-gusto na niyang umuwi. "Pasimpleng papansin din 'tong si William hindi pa sabihin na gusto niya lang akong makasama, nahiya pa." Pagod man ang mukha ay nakangiting lumakad siya at sumunod kay William.
Si Daniella ay nasa likod lang ni William na may layo na limang hakbang. Dahan-dahan pang lumalakad si Daniella habang nakayuko ang ulo. Napansin naman ito ni William, kaya lumakad siya pa-atras at pumantay kay Daniella na hindi nito namamalayan.
Sinundan lang ni Daniella kung saan pupunta si William at napansin niya na sa isang park ito pumasok na pinuntahan niya rin noong isang araw.
Sa isip niya, " Ano naman kaya ang gagawin namin dito? Ang usapan ay sa sabado pa siya mag-uumpisang mag-tutor sa akin?" Hanggang sa umupo si William sa isang upuan na may lamesa kaya umupo na lang din siya. "Ano bang ginagawa natin dito, 'di ba sa sabado pa tayo mag-uumpisa?" tanong niya.
"Dito ako mag-check ng sagot mo kanina sa quiz mo."
Nagtaka si Daniella dahil bakit isinama pa siya nito sa park kung mag-check lang naman pala ito ng mga sagot niya kanina. "Bakit kasama pa ako?"
Sa malamlam na mata ay tumingin sa kanya si William ."Puwede bang huwag ka na lang magtanong."
Nilabas na ni William ang papel at nag-umpisa ng suriin ang mga sagot ni Daniella.
Umismid lang si Daniella at pinatong ang braso at ulo sa lamesa dahil inaantok talaga siya. Halos wala pang limang minuto ay halata ng nakatulog na ito. Inilipat naman ni William ang paningin niya kay Daniella nasa oras na 'yon ay tulog na. Pinagmasdan niya ito habang natutulog, na sinadya talaga niya na ayain ito sa park para kahit paano ay makatulog ito kahit konting oras lang. Delikado kasi kay Daniella kung maglalakad ito ng tuloy-tuloy baka mamaya matumba na lang ito sa daan.
Habang na sa ganon silang puwesto ay may isang lalaki na nakatingin sa kanila sa kabilang upuan, simula pa lang ng dumating sila. Tumingin muna ito kay Daniella bago kay William, at dahil malapit lang ang lalaki ay nagtanong ito. "Girlfriend mo ba siya?"
Napalingon si William dito at iniling ang ulo bilang sagot. "Bakit parang couple kayong dalawa?"
"Hindi ko siya girlfriend, classmate ko lang siya at ako ang tutor niya."
Napangiti naman ang lalaki. "Parang alam ko na, siya siguro ang may gusto sayo pero hindi mo pinapansin."
Hindi sumagot si William at sa oras na 'yon ay tama ang lalaki sa hinala niya. "Ang suwerte mo naman kung ganon."
Nilingon muli ni William ang lalaki habang nakakunot ang noo. "Bakit mo naman nasabi na suwerte ako? Napakakulit ng babae na 'to at gagawin ang gusto niya kahit pa hindi na natutuwa ang nasa paligid niya."
"Hindi ka ba masaya? Sa lahat ng lalaki na nakapaligid sa eskwelahan niyo ay bukod tanging ikaw lang ang pinili niyang maging crush at hindi ko sigurado kung mahal ka na din niya." Nakangiti pa ito habang nakatingin kay Daniella. "Ang ganda niya, pero bakit wala kang paki-alam sa effort niya."
Pinagmasdan ni William ang mukha ni Daniella ng bigla na namang nagsalita ang lalaki. "Noong high school student din ako ay may kaklase akong ganyan, pero hindi masyadong ka ugali ng babae sa harap mo. May gusto rin siya noon sa isang lalaki pero hindi niya masabi ang nararamdaman niya dahil nanggugulo ako kaya ang nangyari naka-graduate kami na masama ang loob niya sa akin."
"Bakit mo naman siya ginugulo 'di ba dapat hayaan mo siya kung sino ang gusto niya?"
Umiwas ng tingin ang lalaki at tumingin sa kawalan habang may maliit na ngiti sa labi. "Dahil may pagtingin rin ako sa kanya noon. Nakakatawa mang isipin ginawa ko ang lahat para hindi niya lang masabi sa nagugustuhan niya ang nilalaman ng puso niya kahit pa halos magalit na siya sa akin noon."
"Pagiging selfish ang ginawa mo."
Tumawa ito ng mahina. "Oo alam ko, aware ako na naging selfish ako ng panahon na 'yon. Pero anong magagawa ko mahal ko na siya noon at ayoko nasa lalaki na 'yon siya mapunta."
"Pero nasaan na ang babaeng sinasabi mo ngayon?"
Nawala ang saya sa mukha nito. "Actually, hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon. Ang alam ko lang ang lalaking nagugustuhan niya noon ay kasal na, pero sa kanya wala pa."
"Ikaw, may pamilya ka na ba?" tanong ni William.
"Wala pa at masasabi kong isa akong martir dahil hinahanap ko pa rin ang babaeng nagpatibok ng puso ko at sana this time mahanap ko na siya at masabi ko ang nararamdaman ko na hindi ko nasabi noon."
Nakikita ni William sa mukha ng lalaki na tunay ang hangarin nito para sa kanyang minamahal. "Paano kung may pamilya na siya?"
Ngumiti ito sa kanya. "Hindi ko pa alam ang mangyayari kung meron man. Pero ang gusto ko lang ay masabi ko ang nilalaman ng puso ko, ilang taon na rin na ang nakakalipas. Kung meron na siyang pamilya ay okay lang at least kahit paano pag nasabi ko na ang laman ng puso ko na dala-dala ko ng ilang taon makakapag move on naman siguro ako pero hindi sa isang araw lang."
May isang lalaki na huminto sa likuran ng kausap ni William at mukhang ito ang driver nito. "Excuse me Sir, kailangan na po nating umalis." Lumingon dito ang lalaki na tinawag nitong Sir, tumango lang ito bilang sagot at umalis rin kaagad ang lalaki.
Tumayo na ang lalaking kausap ni William habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa ng pants nito. Ang suot nito ay itim na tuxedo at mukhang may-ari ng isang kumpanya. "Kaya kung ako sayo huwag mong ugaliin na hindi rin siya pansinin dahil obvious naman na meron kang nararamdaman para sa kanya, dahil hindi mo alam na baka kung kelan gusto mo ng sabihin ang nararamdaman ng puso mo, ay saka siya bumitaw at mas mahihirapan ka kung umabot na kayo sa ganoong sitwayon. Na sayo ang desisyon dahil siya ang may tapang na sabihin ang nararamdaman niya para sayo. Ikaw naman ang may hawak kung matutupad ba ang gusto niya o masasaktan lang din siya sa huli katulad mo. " Maliit itong ngumiti kay William. "Aalis na ako nagagalak akong makilala ka. Mag-ingat kayong dalawa sa pag-uwi." At tuluyan na itong lumakad paalis.
Tahimik naman na tumingin lang si William kay Daniella at sa papel na sinagutan nito, na ang resulta ay perfect lahat kahit pa hanggang number 20 lang ang natapos ni Daniella na sagutan.
Gumalaw ang mata ni Daniella habang nakapikit hudyat na nagising na ito. "N-nakatulog pala ako." Tumingin siya kay William. "Natapos mo na ba ang pag-check sa papel ko, patingin nga." Inilahad niya ang kamay habang ang isang kamay naman ay inaayos ang buhok niya.
"Hindi pa," biglang sambit ni William na nagpahinto sa pag-aayos ng buhok niya.
"Anong hindi pa?!? Ang tagal natin dito at mukhang sa tingin ko mga isang oras ata 'yon, pero bakit hindi mo pa tapos i-check?"
"Tinamad ako kaya sa ibang araw ko na lang gagawin."
Napanganga siya sa sinabi nito. "Anong ginawa mo habang natutulog ako?"
"Nagbasa ng libro," maikling sagot ni William.