Kinabukasan maaga ulit pumasok sa eskwelahan si Daniella dahil ayaw niyang may masabi pa si William sa kanya. Okay na siguro ang narinig niya rito na bahagyang nagpasakit sa kalooban niya, kaysa madagdagan pa at tuluyan na siyang hindi maka-ahon.
Maayos ang naging daloy ng klase nila at wala namang masyadong mga ginawa pa dahil ang unang week ng klase ay puro introduction lang at wala pa talagang lesson sa lahat ng mga subject teacher nila.
Si William at Daniella ay may usapan na magkita muli sa garden ng school at doon ibibigay ni William ang sample quiz at mga formula about sa Math noong third year pa lang sila.
Parehas na silang na sa garden ng eskwelahan at na sa puwesto sila ulit kung saan sila nag-usap kahapon. Tahimik na nilagay ni William ang isang medyo makapal na papel sa ibabaw ng table sa mismong tapat ni Daniella.
Sa isip ni Daniella. "Akala ko short quiz lang. Bakit parang lahat ng naging test namin noon ay nakalagay sa sobrang kapal ng papel?"
"Alam ko na ang iniisip mo kung paano mo tingnan ang makapal na papel na 'yan. Hindi pa 'yan ang sample quiz ko sayo mga formula at solution pa lang 'yan at kailangan mong basahin at tandaan ang bawat nakasulat sa mga papel na 'yan."
Habang kinukuha ito ni Daniella, ang mga kamay niyang sobrang bagal kuhanin ang mga papel dahil sa oras na mahawakan na niya ito ay feeling niya kahit hindi pa niya binabasa ay wala ng pumapasok sa ulo niya.
Habang binabasa niya ito ay tila lahat ng nadaanan ng mata niya ay nagsama-sama at hindi na niya alam kung paano ulit mag-solve ng isang solution kaya naman kinakabahan man ay humingi siya ng pabor kay William.
"Hmmp, puwedeng humingi ng pabor?"
Tumingin lang ito sa kanya at hindi sumagot kaya nagpatuloy na lang siya. "Kung puwede sana turuan mo muna ako tungkol dito para may maisagot naman ako sa short quiz mo."
Tumayo si William at lumapit sa kanya, umupo ito katabi niya na kinagulat naman niya dahil sobrang lapit nito. "Alin ang hindi mo maintindihan dito?" tanong ni William.
Nakatulala lang si Daniella sa sobrang lapit ng mukha nito. "Lahat! Pati na rin ang nararamdaman ko para sayo," wala sa sariling na sambit niya.
Kumunot naman ang noo ni William sa sagot niya. "Dito lang ang focus sa papel Daniella, hindi sa mukha ko," masungit na sambit nito.
Tila natauhan naman siya at binaling na lang ang tingin sa papel na puno ng numbers at letters na makikita. Noong una mayroon pang naiintindihan si Daniella pero ng lahat ng iba't-ibang formula solution na ang pinag sabay-sabay ni William ipaliwanag ay wala na siyang naintindihan, nagresulta pa ito ng pagsakit ng ulo niya.
Napansin ata ito ni William dahil hindi na nagsalita pa ulit si Daniella kaya naman tinigil muna niya ang pagpapaliwanag. "Nasundan mo ba ang sinasabi ko?" tanong ni William.
Tumango lang si Daniella na pinagtaka ni William dahil sa sobrang tahimik nito ngayon at pansin sa mukha ni Daniella na parang ibang tao, hindi kasi sanay si William na tahimik ito. Sa loob ng ilang taon nila sa eskwelahan ay alam na niya ang ugali nito at sobrang kulit lalo na sa nararamdaman nito para sa kanya. "Okay ka lang?" hindi na napigilang tanong ni William kay Daniella.
Dahil nga masakit ang ulo ni Daniella sa ipinaliwanag ni William ay tango lang ang sinagot niya rito. Nakatitig lang siya sa papel at hindi naglipat ng tingin kay William.
Kumunot na naman ang noo ni William at pinagkrus ang braso at tiningnan si Daniella. "Tumingin ka nga sa akin," sambit ni William.
Nagtataka naman na tumingin siya kay William, pero hindi pa rin nagsasalita. "Ganito na lang tuwing weekend na lang kita tuturuan at hindi na tuwing breaktime. Sa isang park na malapit sa eskwelahan natin na lang tayo magkikita. Okay ba 'yon sayo?"
"Okay lang naman sa akin," mahinang sagot niya.
"Malapit na ulit magstart ang klase. Itago mo na 'yang reviewer mo." Kinuha naman niya ito at tahimik na isinilid sa bag niya.
Tumayo na siya, at huminto sa harap ni William na nakaupo pa. "May sasabihin sana ako."
"Ano 'yon?"
"Alam mo bang para kang math problem?"
Tumingala si William sa kanya. "Math problem, bakit?" tanong nito na halos mag-abot na ang kilay sa sobrang pagkunot ng noo nito.
"Ang hirap intindihin at mahirap makuha ang tamang sagot pero kung pagtutuunan ng pansin ay mapapasabi ka na lang ng hindi naman pala mahirap hindi ko lang talaga ako nag-focus makuha ang tamang solution at makuha ang tamang sagot."
"Hindi ko maintindihan?"
Napanganga siya sa sagot nito. "Ang talino mo bakit hindi mo gets ang mga sinasabi ko!"
"Bakit may meaning pa ba ang mga sinabi mo?"
Nanlaki naman ang mata niya. "Malamang meron pa! Bakit ba kasi puro libro ang hawak mo hindi mo na alam paano bumanat ng pick-up line!"
" Kailangan ba?" inosenteng sagot ni William.
Napakamot na lang siya sa noo. "In short kahit ganyan ka gagawa pa rin ako ng paraan para mapansin mo lang ako gaano pa man katagal!" may kalakasan na sagot niya. "Diyan ka na nga ang hirap mong kausap." Naglakad na siya pabalik ng classroom nila at iniwan si William na nakaupo pa.
"Ako pa talaga ang mahirap kausa? Siya naman ang daling magbago ng mood parang kanina ang lungkot niya, tapos ngayon siya pa ang may ganang mag-walk-out." Napailing na lang si William at sumunod na kay Daniella dahil baka ma-late pa siya sa klase.
Hapon na at oras na para umuwi pero si Daniella ay hindi papuntang bahay ang tinatahak na daan, parang sa isang park at mukhang ito ang sinasabi ni William sa kanya kanina. Naglakad-lakad lang siya at tumitingin sa mga taong na sa paligid. Umupo siya sa isang upuan at pinagmasdan ang isang aso na panay kembot ng katawan sa amo nito na mukhang nanghihingi ng pagkain, mayroon kasing hawak ang amo nitong babae na potato fries kaya naaliw siya habang pinapanuod ito hanggang sa tuluyan na itong umalis sa lugar na iyon, kaya si Daniella ay tumayo na rin at naglakad na pauwi sa kanila.
Sabado na at si Daniella ay nasa isang kubo at kanina pa nakatitig sa papel na hawak niya. Ang makapal na papel na binigay sa kanya ni William, at ngayon ay sinusubukan niyang intindihin ang lahat ng mga formula, pero mukhang ang mata ni Daniella ay malapit ng lumuha ng dugo dahil sa nakikita niyang mga numbers at letters sa papel.
Binababa ni Daniella ang papel at tumingin sa kawalan. "Wala na talagang pag-asa para matandaan ko ang nakasulat sa papel, kasi naman napakahirap!" Ginulo niya ang buhok sa sobrang inis sa sarili.
Habang nasa ganon siya na ayos ay dumating ang nanay niya na may dalang miryenda at nagtaka kung bakit ganon ang ayos ni Daniella. "Ano bang klaseng itsura 'yan Daniella? Nag-aaral ka hindi ka kasali sa isang horror house."
Ang buhok kasi ni Daniella ay gulo-gulo na at mga mata na may napakalaki ng eyebags dahil hindi siya makatulog kagabi. "Nay, huwag na kaya akong mag-aral."
Kumunot naman ang noo ni Maria. "Anong huwag ng mag-aral. Isang linggo pa lang ang nakakalipas ng unang pasukan niyo sa eskwelahan, maghihinto ka na. Magtigil ka nga Daniella!"