SHAO’s POV "Anong pangalan mo, Miss Beautiful?" tanong ko sa babaeng mas bata kay Bebeng. Ito rin ang kanina pa nagsasalita at sumasagot sa mga tanong ko. Inawat lang ni Bebeng kaya nahinto. Iniwanan ako ni Bebeng, pagkabigay niya sa akin ng total amount ng pinamili ko ay bigla na siyang umalis. Hindi ko lang siguro narinig na nagsabi siya sa kasama niya. Kaya sa kasama niya na kumakausap din sa akin, ako magbabayad. "Naku, Sir, huwag po kayong magbiro ng ganyan. Baka mamaya po ay may makarinig sa inyo, magselos ang aking man of my dream. Jhona na lang po ang itawag ninyo sa akin." Sagot nito sa akin at ngumiti naman siya. Mukhang mabait naman si Jhona at bunso pa siya kung tawagin ni Bebeng. "Ay, ganoon ba? Sige Jhona, ito na muna ang bayad ko." Iniabot ko sa kanya ang buong isang li

