MATAPOS ang nangyari kay Lham, agad siyang inihatid kasama ang prinsipe sa palasyo. Mabilis siyang inasikaso ng mga manggagamot.
Nalaman na iyon ng hari at reyna. Ang mga magulang naman ni Lham ay nagmadali papunta roon.
Malubha ang naging kalagayan ng dalagita. Malaki ang hiwa sa kanyang likod upang halos maubusan siya ng dugo.
Sa sobrang pag-alala ng kanyang ama ay halos bulyawan nito ang mga gumagamot.
Ang kanyang ina naman ay nagprisentang siya na ang gagamot.
"Tumabi kayo, ako na ang gagawa.."
"Ngunit hindi mo ito tungkulin." Gulat na sabi ng isang manggagamot.
"Bago pa ako naging hukom, isa muna akong doktor. Kumpara sa inyo, mas marami akong alam at napag-aralan. Ngayon kung maaari, tumabi ka, naghihingalo na ang anak ko!" Seryoso at galit na sabi ni Dema.
Natakot naman ang manggagamot at nagmadaling bigyan ng daan si Dema.
Ilang oras ang inilaan ni Dema upang gamutin at tahiin ang sugat ni Lham. Mabuti na lamang at nakapagdala siya ng mga aparato at dugo na nanggaling pa sa pilipinas. Marami silang ganoong bagay na nakatambak sa templo.
Sapagkat inaasahan nila ang mga ganoong pangyayari sa bansa. Ngunit ang pamilya lamang nila ang may ganoon sa buong bansa.
Dahil nga sa gusto ng mga naging hari ng iba't ibang hinerasyon na mapreserba ang kultura ng bansa, sarado ang isip ng mga ito sa pagbabago at pag-unlad ng bansa. Katulad nalang ng pagtatayo ng istruktura gaya ng ospital.
Nang matapos niyang tahiin ang sugat ni Lham ay nagpasya silang iuwi ang dalagita sa kanilang templo upang doon lubusang magpagaling.
Kinausap naman sila ng hari bago umalis.
"Humihingi ako ng dispensa sa nangyari sa inyong anak. Dahil sa anak kong prinsipe, nalagay sa panganib ang inyong anak..."
Yumukod naman ang mga magulang ni Lham.
"Wala po kayong dapat ihingi ng tawag mahal na hari." Sabi ni Dema. "Tama lang po ang ginawa ni Lham. Malapit na siyang sumabak sa ensayo upang maging Pazap kaya naman tungkulin niyang protektahan ang prinsipe..."
"Kung gayon ay lubos akong nagpapasalamat sa inyong anak. Hindi ko ito makakalimutan, nararapat lang siyang parangalan."
Nakangiting umiling si Dema. "Hindi na po kailangan iyan mahal na hari. Karangalan po naming iligtas ang mahal na prinsipe."
NANG maiuwi nila sa templo si Lham ay sobra ang pag-aalala ng kanyang lola at lolo. Mangiyak-ngiyak pang dinaluhan ni Madison ang kanyang apo na wala paring malay hanggang sa sandaling iyon.
"God! What just happened?"
"She saved the prince..."
"What?" Gulat na tanong ni Chairman Tenzin. "Bakit? Ano bang nangyari sa prinsipe?"
"May mga tulisan ang biglang nagpakita sa kanila. Balak nilang patayin ang prinsipe. Mabuti nalang at dumating ang isang kawal ng prinsipe upang sila ay matulungan. Ngunit nag-iisa lang ang kawal ng prinsipe. Dahilan para sila ang pagtuunan ng pansin ng iba pang tulisan."
"Kahanga hanga si Lham." Ani Chairman. "Hindi siya nagdalawang isip na protektahan ang prinsipe, kahit na ikinapahamak niya iyon."
AGAD nilang inihiga si Lham sa kanyang kwarto. Binantayan ng mag-asawa ang kanilang anak at hinintay na magising ito.
Ilang oras din ang lumipas bago nagkamalay ang dalagita. Agad siyang dinaluhan ng kanyang mga magulang.
"Gising kana anak..." Natutuwang saad ng kanyang ama. "How are you feeling?"
Ngumiti ang dalagita. "I'm okay dad. Don't worry about me."
Napabuntong hininga ang ama. "Hindi ka na talaga baby, your a big girl now...and strong..."
"Humahanga ako sayo, Lham." sabi naman ng kanyang ina. "Dahil matapang mong nilabanan ang mga tulisan para lang maprotektahan ang prinsipe kahit na ang kapalit niyon ay ang iyong kapahamakan."
"Kamusta po ang prinsipe Mommy?" Tanong ng dalagita.
"Ayos lang siya anak. Ligtas siyang nakabalik ng palasyo."
Nakahinga naman ng maluwag ang dalagita.
"I think I should train harder from now on, Mom."
Natigilan ang kanyang ina. "Bakit anak?"
"Nalaman ko po kung gaano pa ako kahina noong naglalaban kami ng mga tulisan. Naisip ko pong kulang pa talaga ang mga natutunan kong pagsasanay..."
Napabuntong hininga ang kanyang ina.
"Natural lang naman iyon anak." Sabi ng kanyang ama. "Maliit na bata ka parin kumpara sa mga tulisan."
"Kaya nga po kailangan ko pang magsanay ng mabuti para lumakas ako."
"Don't worry anak. Mas mapapalakas ka sa darating na tunay na ensayo. Basta pagbubutihan mo lang iyon."
MAKALIPAS ang ilang araw...
Nagpapahangin si Lham sa harden ng kanilang tahanan.
Hindi pa tuluyang gumagaling ang kanyang sugat kaya naman hindi siya maaaring gumalaw ng mabilis o magbuhat ng mabigat na bagay. Ibig ding sabihin, hindi siya maaaring magsanay hanggang sa tuluyan siyang gumaling.
"Lham, anak." Napalingon siya sa pagtawag ng kanyang ina. Nakangiti ito. "May bisita ka..."
Nagtaka naman siya sa kung sino ang kanyang bisita.
Maya maya ay lumitaw ang kanyang ama at mabilis na dumapo ang paningin niya sa taong nakasunod dito.
"M-Mahal na prinsipe..." Agad siyang tumayo at tumungo.
"Lham..." Nakangiti ito. Nakabihis na ito ng maayos di tulad ng huli nilang pagkikita.
"Mahal na prinsipe, ano pong ginagawa niyo dito?"
"Nais kitang makita at malaman ang kalagayan mo."
"Ayos lang po ako mahal na prinsipe. Wag niyo akong alalahanin."
Napabuntong hininga ito.
"Dahil sakin kaya ka napahamak, kaya nagpumilit ako sa aking amang hari na dalawin ka sa inyong templo. Mabuti nalang at pinayagan niya ako. At may ipinadala pa siya sa iyo."
Maya maya ay tinawag niya ang kanyang mga tagasilbi. Sunod sunod silang nag silapitan habang bitbit ang sari saring bagay na nakabalot sa makintab na tela.
Agad iyong inilapag ng mga tagasilbi sa naroong mesa sa harap niya. Maya maya ay wala na ang mga ito sa harap nila.
"Regalo iyan ng aking ama sa pagliligtas mo ng aking buhay."
"Hindi na dapat kayo nag-abala pa mahal na prinsipe. Masyado itong marami." Iiling iling na sabi ni Lham.
"Wala iyan kumpara sa nagawa mo para sakin, Lham." nakangiting saad ng prinsipe.
"Maiwan muna namin kayo upang makapag-usap kayong dalawa. Padadalhan ko kayo ng maiinom." Sabi ng ina ni Lham saka umalis kasama ang kaniyang ama.
Naiwan silang dalawa ng prinsipe. Ilang segundo silang tahimik at walang imik bago naglakas loob ang prinsipe na magsalita.
Tumikhim muna ito. "Ahm..." Napatingin sa kanya ang dalagita dahil parang nag-aalangan itong sabihin ang gusto nitong sabihin. "Hanggang ngayon, n-nahihiya parin ako sayo dahil ako itong lalaki pero ikaw pa yung nagligtas sakin." Sa wakas ay sabi niya habang kamot ang ulo.
"Huwag niyong sabihin iyan prinsipe Dojin, kahit na sino naman mapa-babae o lalaki, responsibilidad naming mga mamamayan ng bansang ito na protektahan ka pati narin ang mahal na hari at reyna..."
"Ngunit dapat na kami ang pumu-protekta sa inyo. Hindi ba't kapakanan ng bansa ang dapat iniisip namin? Tuloy mas ayukong maging hari pagkat maraming masasaktan dahil lang sa pagprotekta sakin."
Napabuntong hininga si Lham.
"Dahil iyon ang nararapat upang masiguro ang kaligtasan niyo dahil mahalaga kayo sa bansa. Kayo ang susunod na hari."
"Kung magiging hari man ako, ayukong maging mahina. Gusto kong ituring ako ng mga tao na malakas ako. Hindi na mauulit ang nangyari noong araw na iyon."
"Huwag kayong mag-alala, sisikapin kong magpalakas at maging Pazap upang hindi na mauulit iyong nangyari. Gagawin ko ang lahat upang maprotektahan kayo."
Napatitig naman sa kanya ang prinsipe.
Nakangiti itong napabuntong hininga. "Salamat Lham, ngunit ayukong iasa nalang palagi sayo ang buhay ko..."
"Anong ibig niyong sabihin mahal na prinsipe?"
"Magsasanay rin ako katulad mo, Lham. Gusto kong matutong makipaglaban upang hindi na maulit pa iyong nangyari sa atin sa ilog."
"Magandang ideya iyan prinsipe Dojin." natutuwang saad ni Lham. "Marami naman kayong kawal, kahit sino sa kanila ay maaari niyong utusan na turuan kayo."
Umiling ang prinsipe. "Wala sa kanila ang gusto kong magsanay sa akin, Lham."
Napakunot-noo naman ang dalagita.
"Ngunit sino ang naiisip niyong mag-tuturo sa inyo mahal na prinsipe?"
"Ikaw..." ngiting turan nito na ikinatigil niya. "Ikaw ang gusto kong magsanay sa akin, Lham."
"Ngunit hindi maaari mahal na prinsipe. Sa tingin ko ay wala ako sa posisyon upang kayo ay turuan."
"Bakit mo naman nasabi iyan? Bakit kailangan mo pa ng posisyon upang ako ay turuan?"
"Sapagkat isa lamang akong hamak na bata. Higit sa lahat, hindi pa ako nakakasabak sa ensayo. Hindi pa po ako lubos na Pazap."
"Kung gayon ay hihintayin kitang maging Pazap." Nakangiti parin ito at napabuntong hininga naman siya.
"Ngunit paano po kung hindi ko naipasa ang pagiging Pazap?"
"May tiwala ako sayo, Lham. Sa tapang na ipinakita mo nung nasa panganib tayo, nasisiguro kung magiging Pazap ka. At hindi lang iyon, marahil ay mataas ang magiging rango mo."
Napabuntong hininga ang dalagita. "Kung iyon ang gusto niyo mahal na prinsipe, pagbubutihan ko po sa ensayo upang maging pazap. Tutulungan ko kayong makipaglaban."
Ngumiti ang prinsipe. "Salamat Lham."
MABILIS na lumipas ang mga araw at buwan. Heto at sasabak na sa totoong ensayo si Lham...
"Handa ka na ba, anak?" Tanong ng kanyang ina.
Ngumiti siya. Nakapagbihis na siya ng tradisyunal na damit sa pagsasanay at nakababa ng sala. Naroon ang Daddy niya, ang lolo at lola niya.
Lumapit ang kanyang ama bitbit ang napakalaking bag.
"Ito ang dadalhin mo sa inyong training. Hindi ka pwedeng magpagutom doon anak ha."
"Opo dad."
"Ano bang mga laman niyan, Hon?" Kunot noong tanong ni Dema sa asawa. "Bakit parang napakarami naman niyan?"
"Magagamit niya lahat ito, Hon. Hindi niya pwedeng pabayaan ang sarili niya doon."
Lumapit dito ang asawa at tiningnan ang laman niyon. Nasapo ni Dema ang kanyang noo.
"Hon, hindi picnic ang pupuntahan ni Lham doon, kundi pagsasanay."
"Napakamot sa ulo ang asawa. "Pagsasanay nga, kaya kailangan niya ang mga iyan. Hindi na siya magugutom doon dahil marami siyang baong snacks. Ayuko ring lamukin 'tong baby ko kaya may kulambo rin siya dito."
Iiling iling si Dema.
"Hayaan mo nalang si Mike, Dema." Sabi ni Chairman Tenzin. "Siguro nga ay makakatulong ang mga iyan kay Lham doon."
Napabuntong hininga si Dema. "Sige na nga. Pero nasisiguro ko sa inyong hindi niya rin mapakikinabangan ang mga iyan pagdating doon..."
"Huh? Bakit naman?" Tanong ng asawa.
"Malalaman iyon ni Lham pagdating niya doon." Bumaling ang ina ni Lham sa kanya at hinawakan siya sa balikat. "Anak, hindi ka namin masasamahan papunta sa inyong kampo. May maghahatid sa iyong Pazap papunta roon."
"Sige po, Mommy."
Ngumiti ang kanyang ina. "Mag-iingat ka doon anak. Wag mong pababayaan ang sarili mo ha." anito at niyakap siya.
Sunod na yumakap ang kanyang ama. "Take care, anak..."
"I will Dad..." sagot niya.
"Apo, galingan mo doon ha..." Sabi naman ng kanyang lolo pagkatapos siyang yakapin.
Ang huli naman ay ang kanyang lola na mangiyak ngiyak siyang hinalikan sa pisngi. "Mag-iingat ka don, apo. Hindi madali ang ensayo. Sana ay malagpasan mo iyon at magtagumpay ka..."
Ngumiti si Lham. "Yes po lola, gagalingan ko po."
"Halika na Lham." Tawag sa kanya ng kanyang ina. "Andiyan na ang susundo sayo."
Sinamahan siya ng mga ito hanggang sa paglabas.
Natanaw niya si Snow at katabi nito ang isa pang kabayo. Brown ang kulay niyon at taliwas ang kasarian sa kanyang kabayo. May nakasakay roong isang lalaking pazap.
Bumaba ito nang tuluyan silang makalapit. Tumango ito upang magbigay galang.
"Magandang araw, Punong Mahistrado. Susunduin ko na po ang inyong anak." anito sa kanyang ina saka sinulyapan si Lham.
Matangkad ito. Sa hula niya ay nasa pitong taon pataas ang tanda nito sa kanya.
Kayumanggi ang kulay. Magandang lalaki naman ito dahil sa makakapal nitong kilay, may katangusang ilong at ang labi naman nito at mas makapal ang itaas kaysa ibabang bahagi, gayunman bumagay iyon sa kanya. Mas lalo naman itong gumuwapo dahil sa bagong tabas nitong buhok.
"Sige na Lham, sumakay kana." utos ng kanyang ina.
Sumunod naman ang dalagita saka sumakay kay Snow. Iniabot ng kanyang ama sa kanya ang bag.
"Wag mong kakalimutan ang mga bilin namin sa'yo anak ha." Nakikitaan niya ng lungkot ang kanyang ama habang ang kanyang ina ay seryoso lang.
"Opo Daddy."
"Ikaw na ang bahala sa kanya, Punong Pazap..." Sabi ng kanyang ina.
Napatingin naman si Lham sa binata. Nagkasalubong ang kanilang mga paningin kaya binawi niya agad iyon.
Siya ang pinuno ng mga Pazap? Tanong niya sa kanyang isip.
"Masusunod po, Punong Mahistrado. Aalis na po kami." anito saka sumakay muli sa sarili nitong kabayo. Sinenyasan na siya nitong sumunod.
Pinalakad na niya si snow at sinundan ang lalaki. Kumakaway siya sa mga magulang niya hanggang sa tuluyan silang makalabas ng kanilang templo.
"Medyo bilisan natin ang pagpapatakbo sa mga kabayo." anitong hindi siya nililingon sa likuran. "Malayo layo rin ang ating lalakbayin. Kailangan nating makarating doon bago magtanghalian."
Pagkasabi niyon ay basta nalang siya nitong iniwanan at binilisan ang takbo ng kabayo.
"Teka sandali!" sigaw niya.
Agad niyang pinabilisan ang takbo ni Snow at hinabol ito. Baka maligaw pa siya kapag naiwan siya nito.
Ayos lamang kahit na sa gitna sila ng lubak lubak na kalsada dumaan. Wala naman kasing mga sasakyang makikita roon tulad ng kotse. Kung may nakakasalubong man sila ay mga karwahe, gama at balsa ang mga iyon.
Di naglaon, nakalabas na sila ng kanilang bayan. Unti unting kumikipot ang daan. Mas sumusukal ang kanilang nadadaan. Hanggang sa mga puno nalang ang kanilang nakikita at walang kabahay bahay doon.
Mukhang sa kagubatan sila magsasanay. Tatlong buwan, ganoon sila katagal mamamalagi sa gubat?
Maya maya ay binagalan na nito ang pagpapatakbo sa kabayo kaya ganoon rin ang ginawa niya.
"Malapit na tayo..." anunsyo nito. Hindi parin siya nilingon. "Kaya hindi na natin kailangang magmadali."
Ilang minuto lang ay unti unting lumalawak ang kanilang dindaanan.
Hanggang sa makapasok sila sa isang malawak na espasyo ng gubat.
Hindi niya alam kung bakit sumisibol ang kaba sa kanyang dibdib ngayong narito na siya sa kampo kung saan sila magsasanay.
Ang akala niya ay handa na siya at sapat na ang kanyang natutunan sa pag-eensayo sa kanilang destrito, ngunit ngayon ay tila siya ay nag-aalinlangan.
Huminga siya ng malalim at marahas iyong pinakawalan.
Nabungaran niya ang higit sa sampung mga toldang nakatayo roon.
Saka lang niya napansin ang mga taong nakapwesto na sa gitna ng espasyo. Sa tantiya niya ay nasa higit sa sampu ang kababaihan at higit sa labing lima naman ang kalalakihan.
Lumapit na sila sa mga ito.
"Narito na ang huling kalahok." sabi ng punong pazap. "Pumwesto ka na'rin doon." utos nito at agad naman niyang sinunod.
Bumaba siya sa kanyang kabayo at lumapit sa hanay ng mga batang babaeng nakatayo. Doon siya pumwesto sa likuran. Sinubukan niyang ngitian ang mga katabi ngunit mga seryoso ang mukha nila habang nakatayo ng tuwid at nakatingin lang ng deretso kaya lihim siyang napalunok at umayos ng tayo.
Bumaba narin ang punong pazap at tumabi naman sa apat na kapwa nitong pazap na nasa unahan.
"Ikaw bata!" tawag ng isang pazap, ito ang pinakamatanda sa lahat ng tao roon. Kunot noo naman siyang tumingin sa nagsalita. Sa kanya ito nakatingin. "Ikaw nga! Pumunta ka rito sa unahan!" Nakakatakot ito tingnan dahil sa lumalaki nitong mata kapag sumisigaw.