KABANATA 13

1848 Words
AGAD na napuno ang malawak na bulwagan ng templo ng Parlamento ng mga taong gustong makita, matunghayan at makilala ang mga batang nakaligtas at nagtagumpay sa matinding pagsusulit. Hindi mawawala ang mga magulang ng mga batang napabilang dito. Lalo na ang pamilya Tenzin na 'di mapantayan ang kaba sa dibdib. Ito ang pinakamahirap at nakakatakot na sandali para sa kanila. Dahil hindi nila alam kung makakabalik pa ba ng buhay si Lham. ILANG minuto silang naghintay bago bumukas ang malaking pintuan sa kanang bahagi ng templo at pumasok ang mga Pazap. Gumawa sila ng dalawang hanay mula sa pintuan upang mabigyan ng daan ang Reyna at Hari. Maya maya lang ay pumasok na ang Hari at Reyna. Agad na nagbigay galang ang lahat ng naroon. Hindi nila inaalis ang pagkakatungo hanggang sa makaupo ang Hari at Reyna sa kanilang mga upuan. Sumunod ang ilang ministro ng bawat lungsod at pinuno ng mga pangunahing kagawaran. "Magsimula na..." utos ng hari at tila naghahanap. "Nasaan ang Punong Pazap?" takang tanong nito. "Ipagpaumanhin niyo Kamahalan, ngunit hindi ko rin makita ang Punong Pazap." "Kung gayon ay ikaw ang manguna.." utos naman ng Reyna. "Kahit kailan ay hindi maaasahan ang Punong Pazap, nararapat siyang palitan." Bumuntong hininga ang hari. "Hintayin nalang natin ang kanyang paliwanag." bumaling ito sa Ikalawang Pazap. "Papasukin niyo na ang mga batang nagtagumpay sa proseso." Agad namang kumilos ang Ikalawang Pazap at binuksan ang malaking pintuan sa kaliwang bahagi ng templo. Lumabas ang Ikalawang Pazap at saglit na nawala. Ang mga paningin naman ng lahat ng naroon sa loob ay nasa pintong iyon ang atensiyon. Ang mga magulang ay tila di mapakali at nananabik na makitang muli ang kanilang mga anak. Ang ilan ay pinangunahan na ng pag-iyak dahil sa pangambang baka hindi na nila makita ang kanilang anak. Ilang minuto ang lumipas ay muling pumasok ang Ikalawa kasunod ang mga kasamahan nitong mataas ang rango. Napasinghap naman ang mga tao nang makita ang pagpasok ng mga kabataan. Agad na napaiyak ang ilang magulang nang makita ang kanilang mga anak. Gula-gulanit na ang mga damit ng mga ito at napuno ng dugo ang katawan. Napapaiyak rin ang mga kabataan kapag nakikita nilang umiiyak ang kanilang mga magulang. Bukod doon ay naiisip din marahil nila ang kanilang sinapit sa pagsusulit. Pagkaraang makapasok ang pitong kalahok. Napuno ng bulungan, hagulgol at hikbi ang templo. Marahil ay alam na nila ang ibig sabihin niyon. "Sila na lamang ba ang natira sa proseso?" tanong ng Hari. "Opo mahal na hari." tugon ng Ikalawa. "Kung gayon ay marami ang hindi pinalad?" tanong ng Reyna na bahayang tumaas ang sulok ng bibig at ang mga mata ay tila nagtatanong sa Ikalawa. "Ikinalulungkot ko mahal na Reyna ngunit ganoon nga po." sagot ng Ikalawa na makahulugang tumango sa Reyna. Isasarado na sana ng mga kawal ang malaking pinto nang biglang tumayo ang ama ni Lham. "Sandali!" "Mike..." naluluhang pigil ni Dema sa asawa ngunit hindi ito nakinig at naglakad patungo sa pinto. "Nasaan ang anak ko?" naguguluhang tanong nito. "Bakit wala rito ang aking anak?" Lumapit ang Ikalawang Pazap. "Ikinalulungkot kong sabihin ito, ngunit hindi nagtagumpay ang iyong anak sa pagsusulit." "No!" galit at naiiyak na sambit ni Mike at nagtungo sa labas ng pinto. Napahagulgol naman ng iyak ang iba pang miyembro ng pamilya Tenzin. "Nasaan ang anak ko! Ilabas niyo ang anak ko!" lumuluhang sigaw ni Mike pagkabalik sa loob ng templo. Agad namang kumilos ang mga Pazap upang siya ay pigilan ngunit agad ding tumayo ang ama ni Dema upang ito na ang magpakalma dito. Napahagulgol si Mike. "My poor daughter, this is my fault..." Naluluha namang lumapit si Dema sa asawa. Sa kanilang dalawa, kinailangan niyang maging matapang sa harap ng mga tao dahil siya ang Punong Mahistrado. "M-mike..." hinawakan niya ang kamay nito. "Kasalanan ko ito, Dema. Kasalanan ko..." iiling iling na hagulgol ni Mike. "No..." "Hindi na dapat pa akong pumayag, hindi ko na sana dinala dito ang anak ako.." "M-mike, alam mong wala tayong magagawa..." "Kawawa ang anak natin Dema..." Mahihimigan ang pagdaramdam ni Mike kaya naman napalunok si Dema, alam niyang ang batas ng bansa nila ang palaging hindi nila pinagkakasunduan ng asawa. "Ganon nalang ba yon? Hahayaan nalang natin na pagpiyestahan ng mga halimaw na yun ang katawan ng anak ko?!" "M-mike..." "Hindi maaari ito. Kailangan kong hanapin ang katawan ng anak ko..." muli itong napahagulgol kaya naman hindi napigilang mahawa ni Dema dito. Nanghina ang tuhod niya at napaiyak. Agad siyang inalalayan ng kanyang ina. Maya maya lang ay lumapit ang dalawang batang babae na kabilang sa mga nakaligtas. Parehong imosyonal ang mga ito ngunit ang isa ay humahagulgol. "Patawarin niyo po ako..." naiiyak na turan ng batang nakatali ang braso. "Hindi ko nailigtas ang inyong anak. Nagsisisi ako dahil naging mahina ako sa mga oras na iyon. Utang ko po sa inyong anak ang aking buhay sapagkat iniligtas niya ako sa kamatayan." "May mga tulisan pong humarang sa aming dinaraanan at nakipaglaban sa kanila si Ate Lham. Kitang kita ko po kung paanong mahulog sa bangin si Ate Lham habang nakikipaglaban sa isang tulisan.." humahagulgol na turan ng kasama nitong batang babae. Bagaman umiiyak ay napabuntong hininga si Mike. "Kung gayon, ang mga tulisan ang may kagagawan ng pagkamatay ng anak ko?" mahihimigan ang galit sa kanyang boses. "Ganoon na nga po." tugon ng batang babae. "Malapit na po kami sa labasan ng gubat nang biglang humarang ang mga tulisan. Ang nakapagtataka nga lang ay ang tanging pakay lamang nila ay si Lham." "Ano ang ibig mong sabihin?" kunot noong lumapit si Dema sa mga bata. "Paanong si Lham lang ang pakay ng tulisan?" "Siya lang po kasi ang tanging pinupuntirya at sinasaktan ng mga tulisan. Tinutulungan ko lang po si Lham sa pakikipaglaban. Pero dahil mas marami sila at mas malakas, hindi ko po sila nakayanan. Dahil doon ay mag-isang kinalaban ni Lham ang pinuno ng mga ito." "Nakilala niyo ba ang pinuno ng mga tulisan na iyon?" tanong ni Dema. "I---." "Saka niyo na lamang ituloy ang inyong pag-uusap." Biglang putol ng Reyna sa sasabihin ng batang babae. "Nakakaabala kayo sa ibang narito." "Ngunit Mahal na Reyna. Hindi makatarungan ang pagkamatay ng anak ko." "Alam mong kabilang ang mga tulisan sa mga inaasahang makakaharap ng mga kalahok sa pagsusulit!" inis na turan ng Reyna. Lihim na naikuyom ni Dema ang kanyang kanang kamao. "May pakiramdam akong hindi sila tunay na tulisan." "Ano namang basehan mo? Tanggapin mo na lang na wala na ang iyong anak!" "Kamahalan!" hindi napigilang magtaas ng boses si Dema dahil sa galit. "Magsibalik na kayo sa inyong upuan!" "Kailangan kong malaman ang katutuhanan kamahalan!" pagmamatigas ni Dema kahit na pinipilit siyang pabalikin ng mga Pazap sa kaninang pwesto niya. "Kamahalan!" "Hangal ka! Nakalimutan mo na bang ako ang Reyna?!" "Bilang Punong Mahistrado, karapatan kong mag-imbestiga kamahalan!" matapang na saad niya. "Nagsasayang ka lang ng oras!" asik ng Reyna na halos tumayo sa kinauupuan nito dahil sa panggigigil sa kanya. "Mahal na reyna!" "Tahimik!!!" malakas na sigaw ng Hari kaya naman parehong natahimik ang Reyna at si Dema. "Mabuti pa ay umuwi na muna kayo sa inyong tahanan Punong Mahistrado Tenzin. Bumalik ka na lamang kapag malamig na ang iyong ulo." "Pero kamahal---." "Inuutusan kita bilang Hari ng bansang ito, punong mahistrado!" may diing sabi ng hari kaya naman agad na tumayo at lumapit kay Dema ang kanyang ama at ina upang siya ay yayaing lumabas. "Umuwi na tayo Dema..." mahinahong utos ng ama sa anak. "Pero Dad..." "Sige na anak, kung gusto mo ay paimbistigahan natin bukas ang totoong nangyari kay Lham." "Makinig ka sa Daddy mo anak.." suhestiyon naman ng kanyang ina. "Hindi masu-solve to sa ganitong sitwasyon." Napabuntong hininga naman si Dema saka tumango bilang pagpayag. Makalipas lang ang ilang minuto ay nakabalik na sila sa kanilang templo. Bagaman malungkot ay nagawa paring pakalmahin ni Chairman Tenzin ang asawang umiyak muli nang maalala ang apo. Magkasunod namang umakyat sa ikalawang palapag sina Mike at Dema. "M-mike..." tawag ni Dema sa asawa nang sa halip na dumeretso sa kanilang kwarto ay naglakad ito patungo sa kwarto ni Lham. Natigilan nalang siya nang makita ang malamig nitong awra. "I want to be alone..." "H-hon---." hindi na natuloy ang kanyang sasabihin nang maisara na nito ang pinto ng kwarto. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi at pinigilang maiyak. Nagpasya siyang pumasok sa kanilang kwarto at doon ay hinayaan niyang umagos ang kaniyang luha. "A-Anak ko..." Sinisisi niya ang kanyang sarili sa pagkawala ng kanyang anak. Muli niyang kinuwestiyon ang sarili at sariling bansa kung bakit ganoon ang kanilang batas. Nagsisisi siyang naging kampante siya sa kakayahan ng kanyang anak. Kung sigurong mas tinuruan pa niya ng husto ang kaniyang anak ay hindi sana nangyari iyon. Matatalo ni Lham mag-isa ang mga tulisan kung nakapag-ensayo ito ng matindi. Ngunit nasisiguro niyang hindi mga tunay na tulisan ang mga nakasalubong ng mga bata. Pangunahing dahilan na ang tanging pagpunterya ng mga ito sa kanyang anak sa halip na silang lahat ay saktan ng mga ito. Isa lang ang tanging nasa isip niya ngayon, ang mga taong iyon ay may galit kay Lham o sa pamilya Tenzin. At hindi niya iyon papalampasin. Hahanapin niya ang katutuhanan ng pagkamatay nito at hindi niya bubuhayin ang may gawa niyon sa kanyang anak. SAMANTALA... Nagsimula nang ipagkaloob ng hari sa mga bata ang mga simbolo ng pagiging Pazap. Kasama ng hari ang ministro ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa sa pagbibigay niyon. "Ikinagagalak ko pong paglingkuran kayo Mahal na Hari at Reyna." sabi ni Sierra habang nakaluhod ang isang tuhod matapos matanggap mula sa hari ang simbolo. Sumunod naman si Cahya. "Handa po akong maglingkod sa inyo kamahalan." Patuloy sa pagbibigay ng simbolo hanggang dumako iyon sa pinakahuling kalahok, si Ugyen. "Ikaw, Ugyen Pelden. Ipinagkakaloob ko sayo ang simbolong nagpapatunay na isa kanang ganap na Pazap." Agad iyong tinanggap ni Ugyen habang nakaluhod ang isang tuhod. "Ikinararangal ko po ang paglingkuran kayo kamahalan." Matapos ang pagkakaloob, nagbigay ng ilang mensahe ang hari at ministro ng kagawaran ng tanggulang pambansa. "Ang simbolong iyan ang patunay na isa na kayong Pazap." ang sabi ng ministro. "Pagdating naman sa inyong ranggo, malalaman niyo iyon kung sakaling maisagawa ninyo ang inyong unang misyon. Doon nakasalalay kung ano ang magiging posisyon ninyo bilang Pazap." "Sa ngayon ay bibigyan ko kayo ng isang taon upang makapagpahinga at makapaghanda sa inyong misyon." sabi naman ng Hari. "Maaari na kayong bumalik sa inyong kanya kanyang tahanan." Agad na gumawa ng linya ang mga bagong Pazap at sabay sabay na nagbigay galang sa Hari at Reyna. Lalabas na sana ng malaking pinto sina Ugyen nang biglang bumukas iyon at pumasok ang dalawang tao. "Sandali lang!!!" Agad namang nagulat ang mga naroon pagkakita sa mga dumating. Ang Punong Pazap kasama ang akay akay na si... "Lham!" "Ate Lham!" Naghalo ang pagkabigla, galak at pagiyak sa mga mukha nina Ugyen at Cahya pagkakita sa kaibigan. Ngunit may dalawang tao sa loob ng templong iyon ang higit na nagulat at hindi inasahan ang pagdating ng dalagita. Ngayon palang ay nanginginig na ang katawan ng mga ito dahil doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD