KOFFIE Inalis niya ang kanyang facemask, kaya malinaw kong nakita ang pag-aalala sa mukha niya. Marahil ay napansin niyang naluluha ako. “Don’t cry, sweetcake. Baka isipin nila na pinaiyak kita.” I pouted my lips. “I'm not crying. It’s just that I’m so happy to see you, Kuya Kaio.” Unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang labi. “So, kumusta ka?” “I feel better now. Nakatulong ang heat pack sa akin,” sagot ko. “That’s good to hear.” “Thanks for visiting me, Kuya.” He stared at me for a moment. Then, he sighed. “Galing ako sa school. Ibabalik ko sana ang uniform mo, pero hindi ka raw pumasok. Sumagi sa isip ko na baka sumakit na naman ang puson mo, kaya naisipan kong puntahan ka para kumustahin,” paliwanag niya. “Hindi ka na galit sa akin?” “I’m not, sweetcake. You just m

