LEKAIO “Aren’t you heading home yet?” Nagsalita ako para makuha ang atensyon ni Koffie. Prang wala pa siyang balak umuwi. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Hanggang sa napatingin na lang ako sa kamay niya nang tanggalin niya ito sa kamay ko. “I’m going home. Baka nasa house na rin ang parents ko.” “How about your uniform?” “May isusuot pa naman ako. Ibigay mo na lang sa akin kapag pupunta ka sa school. Let’s just meet at school, Kuya. Bye!” Tumalikod siya at naglakad palayo sa akin. Susundan ko sana siya, pero pinigilan ko ang aking sarili. “Damn it,” sambit ko at tinampal ang aking noo nang napagtanto ko ang sinabi at ginawa ko kanina. I’m supposed to be the mature one here since I’m older than her… but what the hell was that? “Hindi ka nag-iisip, Lekaio,”

