CHAPTER 28

2142 Words

“LET’S go?” nakangiting mukha ni Jacob ang bumungad sa akin sa labas ng bahay. Muntik pa akong mapatalon sa gulat dahil kanina ko pa siya gustong iwasan. Siya ang kahuli-hulihang tao na ayokong makita ngayong araw. Hindi dahil sa naiinis ako sa kaniya kung ’di dahil nahihiya pa rin ako sa nangyari kagabi. Nagpa-late na nga ako ng bangon kahit kaninang alas-kuwatro pa ako gising pero hinintay pa rin pala ako ng demonyong ’to sa paglabas. Oo, literal na demonyo siya dahil dinedemonyo niya ang utak ko. Ni hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil maya’t maya akong nagigising. Hinintay ko pa ngang matapos silang mag-inuman dahil hindi rin ako nakatulog agad. Naiisip ko pa rin kasi kung ano ang tumatakbo sa utak niya nang madatnan niya ako kagabi habang parang hindi makaihing tumitili.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD