KASALUKUYAN kong binabagtas ang daan patungo sa kubo na kagagawa lang nina lolo Danilo at Jacob kahapon. Nasa gitna ito ng palayan na narito lang malapit sa bahay nina lolo at lola. Tanaw na tanaw nga mula sa bintana ng kasalukuyan naming kuwarto ni Jacob itong kubo kaya bigla akong nahalina na pumunta rito. Bukod kasi sa presko at malamig ang simoy ng panghapong hangin ay nahahalina rin akong pagmasdan ang papalubog na araw. Kitang-kita kasi iyon doon sa kubo. At saka gusto ko ring magmuni-muni at mag-isip. Mag-isip kung paano sosolusyonan ang lumalalang kahirapan sa Pilipinas, kung paano mahuhuli ang tiwaling kumuha ng pondo ng philhealth, at kung paano mapagbubuklod-buklod ang mga bansang may alitan. Charot! Gusto ko lang talagang mapag-isa. That’s it. Medyo na overcome ko naman na an

