CHAPTER 30

2494 Words

DALAWANG araw na ang matulin na lumipas simula nang marinig kong mag-confess ng feelings si Jacob sa akin habang ako’y kunwaring natutulog. Pero pagkatapos ng gabi na iyon ay tila naging mailap siya sa akin na animo’y may sakit akong nakahahawa kaya kailangan niya akong iwasan. May sinabi nga ba siyang may gusto siya sa akin? Ang sabi lang pala niya ay gusto niya akong makasama sa araw-araw. Hindi malinaw kung anong klaseng pagkagusto. At saka, magkaiba ang gusto sa mahal. Pucha, assuming na naman ako. Kaya lagi akong nawo-wow mali, eh, kasi mabilis akong mag-assume. Pero kung ang ibig sabihin nga ng mga sinabi niya ay may nararamdaman nga talaga siya sa akin, sa tingin ko, hindi pa ako handa. Hindi pa ako handang sumugal sa isang relasyon na ako rin ang talo sa huli. Hindi pa ako han

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD