KAHIT pigilan ko ang mapangiti ay hindi ko na naiwasan pa lalo na nang may paturo-turo pa sa akin si Jacob habang kumakanta. Feel na feel niya ang panghaharana. Ang mga kasama naman niya ay may steps pa ang mga paa habang pumipitik-pitik ng pababa at pataas ang mga daliri sa hangin. Habang si Ely ay naka-focus lang sa pagbutingting sa kaniyang gitara. Alam mo iyong napilitan lang sumali sa isang grupo para sa project kasi wala ka nang choice dahil lahat ng kaklase mo ay buo na ang miyembro? Gano’n ang hitsura niya. Kapag bumibirit si Jacob ay parang gigil pa siyang ini-strum ang chords ng gitara. “Oh, magandang dilag. . .” Pagkatapos ng huling liriko ng kanta ay ngumiti pa si Jacob saka kumindat habang nakaturo ang dalawang kamay sa akin. Pasimple akong napahawak sa aking dibdib dahil

