Pinikit ko ang aking mata. Nasaktan ako sa parte na wala nang lunas ang kanyang karamdaman.
"Gusto ko pong makita ang asawa ko. Mahal na mahal ko pa siya. Siya lang ang buhay ko," pakiusap niya sa biyanan.
Tumango naman si Donya Amelia.
Pagkakita ko sa asawa ko, halos nanlumo ako. Sa daming aparatong nakakabit sa kanya, masyado akong naging agresibo sa kanya kagabi.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. "W-Wife, I'm sorry, hindi ko inaalam ang karamdaman mo. I'm sorry," ang wika niya habang hawak ang kamay ng kanyang mabuting asawa.
"Kahit ba dalhin siya sa ibang bansa, wala na bang pag-asa pa?" tanong niya sa magulang. Umiling sila ng sabay kaya halos mapisil niya ang kanyang palad.
"Bakit pa sa kanya? Napakabuti niyang asawa sa akin. Bakit! Bakit! Bakit?" paulit-ulit na tanong niya sa sarili.
"Iho, salamat sa pagmamahal na binigay mo sa kanya. Napakabuti mong asawa sa kanya."
"Siya rin naman po ay napakabuting asawa."
Sana magising na siya! Para matuwa naman siya na makita ka nandito.
"Sana nga," tugon niya. Kaya ginawa niya, hinimas niya ang palad ng kanyang asawa.
Please gumising ka na! Narito na ako, may kasama ka na at karamay. Hindi kita iiwan, wife, kaya please gumising ka na.
"Begging you, wife."
Kung maaga ko sana nalaman, baka nakuha pa sa operasyon ang sakit mo. Ang sakit, wife, kung kailan nagdesisyon ako na magsama na tayo. Ganito naman ang kapalit. Paano mo makikita ang bahay na binili ko para sa pagbubuo ng pamilya natin?
“Iho, sorry talaga, ngayon lang namin nasabi.” Hindi ko rin alam kung bakit itinago niya sa amin na malala na ang kanyang sakit, ang wika ni Donya Amelia.
“Ayos lang po, Mommy. Buti na lang hindi pa huli na nasabi niyo sa akin.”
“Isa pa, iho, may kakambal siya. Alam namin siya ang dahilan kung bakit lumala ang sakit ng asawa mo."
Napalingon ako sa kanila. “Ano po ang ibig niyong sabihin?”
“Alam namin na hindi mahilig sa labas ang asawa mo. Mga ilang araw, natuto na siyang maglabas, which it hindi naman dapat dahil sa kalagayan niya.
Wala naman akong magawa dahil pa secret lang ang kanilang pagkikita.
Nakuyom ko ang aking palad. Pagbabayaran niya ang lahat ng ito. Wala akong pakialam kung kambal siya ng asawa ko.
“Iho, bibili lang kami ng pagkain at kukuha na rin kami ng ibang gamit namin para makapagpalit ng damit. Ayos lang ba kung ikaw muna ang maiwan sa asawa mo?”
“Wala pong problema,” tugon niya.
“Salamat, kung ganun. Oh, siya, mauna na kami.”
Tumango na lang siya sa biyenan. Alam ko, nahihirapan din sila sa kalagayan ng anak nila.
Ng biglang akong nakarinig ng ungol galing sa asawa ko.
“Wife….!” Agad kong pinindot ang button para mapuntahan agad kami ng doctor. Ganun naman ang nangyari.
“What happened?” tanong agad ni Doctor Reyes.
“Narinig ko umungol ang asawa ko, Doctor,” wika niya.
“What happened? Tanong agad ni Doctor Reyes.
“Narinig ko umungol ang asawa ko Doctor,” wika niya.
“Okay, umalis ka muna dyan para ma check up natin siya.
“Okay Doctor.”
“Isang senyales ito Mr….?”
“Mr. Ravenscroft, doctor.”
“Oh, ikaw ang pinakamahusay sa business world.” Hindi ko akalain na asawa mo ang pasyente ko.
“Thank you, maliit na bagay.”
“Baka bukas magising siya o mamaya.” Okay naman ang vitals niya Mr. Ravenscroft, wika ng doctor.
Napangiti ako, “salamat doctor.”
“No problem, dyan lang ako kabilang kwarto kapag may kailangan ka.”
“Asahan niyo yan.” Salamat sa diyos, magigising ka na wife.
Bakit ang bigat! Tanong niya habang minumulat ang kanyang mata. Nang gusto niyang umupo hindi niya magalaw ang kamay niya. Ng tingnan para hawak! Nagulat siya asawa niya.
“Wife! Salamat, gising ka na.”
“Husband! Gusto kong umupo.”
Inayos ko muna ang mga nakabit sa kanya. “Wife, may gusto ka bang kainin?” tanong niya sa asawa.
“Kailan ka pa dito? Alam mo na ba ang kalagayan ko?”
“Yes, Wife, lahat alam ko na. Kaya huwag mong isipin na iiwan kita dahil lang diyan sa sakit mo.
“NEVER.”
“Silly, hindi 'yan ang gusto kong gawin mo, husband. Sila Mommy at Daddy?”
“Baka mamaya dyan na sila kumuha ng ibang gamit sa mansyon niyo.”
“Ganun ba? Sige, hintayin na lang natin.”
“Mr. Ravenscroft, excuse, kailangan naming i-check ang kanyang puso,” wika ng doctor na nasa likuran nila.
“Sure.”
“Okay naman ang kanyang vital signs, huwag niyo lang siyang bigyan ng dahilan para mag-collapse. Mahirap na, Mr. Ravenscroft,” paliwanag ng doctor.
“Salamat, Doctor Reyes.” “Wife, may gusto ka bang kainin?”
“Wala, husband, parang busog pa ako,” wika niya na nakangiti. Hindi niya akalain na mabait at mapagmahal na asawa ang kanyang kabiyak. Kaya may isang bagay na naglalaro sa isip niya.
“Hmmmm, anong ngiti ng asawa ko?”
“Wala nga, pero malalaman mo rin mamaya.”
“Sige nga, makapaghintay naman ako, eh! Kainin mo itong apple na babalatan ko,” wika niya na nagpapacute.
Tumango na lang ako habang ngumingiti sa kanya.
“Zharalyn, gising ka na! Salamat naman kung ganun,” wika ng mag-asawa, Funtabella.
“Kakagising ko lang din po, Mommy at Daddy.”
“Kamusta na ang pakiramdam mo?” tanong ni Bernardo sa anak.
“Ayos na po, Daddy,” tugon niya.
“Mabuti kung ganun. May dala kaming pagkain mo, pinaluto ko kay Manang Gloria, kaya matagal kaming nakabalik ng Daddy mo.”
“Mommy, ang phone ko po?” tanong niya sa ina.
“Ito, dinala ko na para hindi ka mabored dito sa hospital.”
“Salamat, Mommy.” Agad kong tiningnan ang phone ko. Tulad ng inaasahan, marami akong chat galing sa kanya. Nag-reply naman ako agad, baka kasi umuusok ang ilong sa kakahintay niya ng reply ko. Ganun din ang pari na magkakasal sa kanila.
Nakalipas ang dalawang oras, inatake naman ako. Halos mataranta ang lahat ng kasama ko. Bigla, may tumawag sa akin; ganun lang ang simangot ng lahat nang makita kung sino ang dumating na tumatakbo.
“Kambal… Zharalyn… Ate.” Wala na siyang pakialam kung naroon ang mga taong iniiwasan niya. Ang mahalaga, ang kanyang kambal. Ayos ka na ba? Saan ang may sakit? Ang sunod-sunod niyang tanong sa kakambal.
“Rhazalyn, kambal, masaya ako na nakarating ka dito. Mahal na mahal kita, kaya sorry sa gagawin ko. Pero para din sa iyo ito,” ang bulong sa kapatid.
“Zharalyn, anong ibig mong sabihin?”
Ngumiti lang ako sa kanya. Marahil nagtataka siya at magagalit ang karamihan, pero wala na akong ibang dahilan kundi ang aking kambal. Hinalikan ko ang pisngi niya. Bago kita iwan, gusto ko ang kasiguraduhan mo.
“Zharalyn, iha, bakit mo ako pinatawag?” tanong ni Padre Andres.
“Husband, halika, ipakikilala ko sa iyo ang kakambal ko. Siya si Rhazalyn, ang buhay ko. Kapatid ang asawa ko.”
“Nang tingnan ko ang kakambal ng asawa ko, bakit parang kilala ko siya?” ani niya sa sarili. Tumango na lang ako; ganun din ang ginawa niya.
“Padre Andres, gusto ko po na ikasal niyo ang aking asawa at kakambal.”
“What……! Ang sigaw ng lahat.”
“Kapatid, wag kang magbiro nang ganyan, please. Hindi ito oras para magbiro,” wika ni Rhazalyn sa kapatid.
“Wife, why? I don't understand.”
“Husband, diba sabi ko sa iyo kanina, malalaman mo mamaya, kaya ito! Please, pagbigyan mo ako?” sumama niya sa asawa.
Anak, hindi pwedeng ang gusto mo, sigaw ni Donya Amelia sa anak. Masama ang tingin niya sa kakambal ni Zharalyn.
“Hindi po kayo masusunod! Ito ang gusto ko. Kaya please, tinatama ko ang pagkakamali niyo.”
Kaya tumahimik ang magulang nila.
Pinaglapitan ko ang kamay ng asawa ko at kambal ko. Padre Andres, ikasal niyo habang nakikita ko sila.
“Kung yan ang nais mo, ikaw, Miss Rhazalyn, tinatanggap mo ba na maging kabiyak itong lalaki katabi mo?”
“Opo, Father.”
“Ikaw, Mr. Ravenscroft, tinatanggap mo ang babaeng ito bilang kabiyak mo habang buhay?”
Hindi ako nakasagot. Tumingin ako sa asawa ko; hindi ko maunawaan kung bakit ito ang nais niyang mangyari na makasal ako sa kanyang kambal.
“Iho, uulitin ko ang tanong.”
“Opo, Father, tinatanggap ko na maging kabiyak ang babaeng ito.”
“Pagkakaloob ng simbahan Kristiyano, binabasbasan ko kayo bilang mag-asawa. Nawa mamuhay kayo ng payapa habang buhay.”
“Mabuhay ang bagong kasal!”
“Father, salamat po.”
“Paano yan, mauna na ako. Bago ako umalis, pumirma muna kayong dalawa dito.”
Wala silang nagawa kundi pumirma.
“Salamat, gusto ko munang magpahinga.”
“Kapatid, aalis muna ako bukas. Babalik ako.”
Pagkalabas ko, nagulat ako; naroon ang asawa ko.
“Masaya ka ba? Ngayon, asawa mo na ako.” Give me your number, wife…! Habang nakangisi.
Dahil sa takot, binigay ko ang personal na number ko. Agad din akong umalis, sa bilis ng t***k ng puso ko, para hinahabol ang aking paghinga.
“Bumalik ako sa kwarto ng asawa ko. Nakatulog na pala siya.”
“Iho, bakit ka pumayag sa gusto ng asawa mo?” tanong ng kanyang biyanan.
“Wala tayong magagawa dahil sa kalagayan niya. Baka bigla siyang mag-collapse dahil sa stress na ibibigay natin sa kanya.”
“Ikaw ang bahala.”
Parang may something sa kanila, pero ayaw ko na rin makialam sa family affair nila. Kaya siguro ito ang naging desisyon ng asawa ko.
Hmmmm.
Rhazalyn POV
Hindi ako mapakali kahit saan man ako, sapagkat wala pa ring reply ang kakambal ko. Narito ako ngayon sa condo. Bigla nag-ingay ang phone ko, agad ko naman itong tiningnan.
Salamat, nag-reply na rin. Kaya nagpalit agad ako ng damit at minadali ko ang pagpunta sa hospital, bahala na kung magkita kami sa room.
Halos tinakbo ko ang silid niya. Sa pintuan pa lang, sumigaw ako. Wala akong pakialam kung tingnan ako ng nasa loob. Niyakap ko siya! Tinanong ko kung saan ang may sakit.
Nang sinabi niya na ayos na siya, saka lang naging maayos ang pakiramdam ko.
Nagulat ako nang sinabi niyang "sorry, kapatid." Wala akong ideya kung ano ang gagawin niya.
Bigla niyang hiniling sa asawa niya na pakasal ako mismo sa hospital. Kala ko tatanggi ang asawa niya, yun pala ay hindi.
Pumayag na rin ako sa kagustuhan ng kakambal ko. Habang nagmimisa ang pari sa amin, kita ko ang mga matang galit na nakatingin. Binaliwala ko lang dahil ayaw ko ng gulo.
‘Now my husband is my twin sister's husband’ parang biro lang. Pero nang kinuha ng asawa ko ang numero ko, doon ko napagtanto na totoo na asawa ko na siya.
Pumayag ba siya dahil alam niya na ako ang kaniig niya? Pumayag siya dahil gusto niya akong pahirapan dahil nalaman niya na hindi ako ang asawa ng gabi iyon.
Daming tanong pumapasok sa isip ko. Haist… bahala na si Batman.
Mahalaga, wala nang panganib ang kakambal ko. Yun lang naman ang mahalaga. Pareho silang mapanatag.
“Ma'am,” dinig ko ang tawag ni Claire.
“Yes, Claire.”
“I remind you, Ma'am, about tomorrow.”
“A-ah, anong meron bukas, Claire?”
“Mga CEO ng Taiwanese, darating. Naka-line up 'yan sa schedule niyo.”
“Bukas na pala 'yun, hindi ko maalala. Salamat, Claire.”
“Always welcome, Ma'am,” tugon nito sa amo.
Nakaramdam ako ng pagod. Kaya hindi ko naisip na darating ang mga CEO ng Taiwanese group. “Claire, ikaw na muna ang bahala dito,” gusto kong umuwi para magpahinga; hindi ko kaya ngayon ang pakiramdam ko.
“Sige Ma'am, ipagpahinga niyo na yan, baka iba na yan.”
“Ikaw na rin muna ang umattend sa meeting sa Valenzuela. Tulad ng dati, Claire.”
“Sure Ma'am.”
I don't know why I feel exhausted today. Masyado lang akong stressed sa nangyari sa kakambal ko. Isa pa, may asawa na ako, na hindi alam ng lahat.
Umuwi na ako sa condo. Nag-shower muna ako bago humiga. Sakto naman sa aking paghiga, tumunog ang aking phone.
“Where are you?” wika ng sa kabilang linya.
“Who are you?” ang balik niyang tanong.
“Pinatatawa mo yata ako… Wife.”
Saka lang naproseso sa utak niya kung sino ang kausap niya. “W-What do you want?” wika niya na pinipilit niyang bigkasin ng tama.
“Tell me your location now. Kung ayaw mo, ako mismo ang aalam.”
“Oo na, send ko na sa'yo.” Pashnea ka, ani niya sa isip.
“Did you say something, Mrs. Ravenscroft?”
“Wala po, kamahalan,” saad niya.
“Okay, wait for me there.”