SABADO ng umaga. Wala akong pasok ng araw na iyon kaya naman nagpahinga lang ako sa bahay. Nakahiga ako noon sa sofa habang abala sa pakikipag-chat kay ma'am Jhossa tungkol sa susunod naming event next Monday night. Mayamaya ay tumunog ang door bell. Patamad akong tumayo at sumilip sa bintana. Nahigit ko ang hininga matapos makita si Tyrone na nakatayo sa labas ng bahay ko. Patakbo akong nagtungo sa harap ng salamin at natatarantang nag-ayos ng sarili. Dali-dali kong pinusod ang buhok kong hanggang balikat ang haba tapos ay naglagay ng pulbos sa mukha. Nagwisik din ako ng pabango sa t-shirt ko. Natawa na lang ako matapos pasadahan ng tingin ang sarili sa salamin. Iiwas daw kay sir Tyrone pero biglang nataranta nang makita siya sa labas. Kastigo ng utak ko. Lumabas na ako para buksan

