Chapter 28 Nakaupo si Lucyva sa tapat ng professor niya na nagpakilala bilang si Ferriol Seev. Ito rin ang nagtanggol sa pambubully ni Reta sa kaniya. Naalala niya ang klase ng tingin na ibinigay nito. Pakiramdam niya ay binabasa nito noon ang nasa isip niya. “I will give you the last lessons for this semester. Ako rin ang magbibigay ng exams mo for next week. May mga gusto ka ba na itanong sa akin bago tayo magsimula sa lesson today?” tanong nito. Nakatingin lamang siya dito. Sabi ni Haze ay may nakikita itong aura sa professor na ito. Ngunit kahit na kanina niya pa ito tinititigan ay wala naman siyang napapansin na kahit ano. “Ahm, Miss Emmanuele?” Napataban siya sa kaniyang noo nang marinig muli ang boses ng professor. Bigla ay nakaramdam siya ng hiya dahil sa matagal na pagtit

