Chapter 29 “Hindi ko ito ginusto dahil hindi ko naman alam na mapupunta ako sa mundong ito. Nakatadhana na na mamatay ako at hindi ko alam na mapupunta ako dito. Wala akong ibang masamang intensyon. Gusto ko rin bumalik sa fhyroz pero hindi na maaari dahil ito na ang bagong buhay ko. Hindi na ako makakaalis sa katawan ni Emmanuele Gricia,” sabi niya. “Hindi ako kalaban, maniwala ka sa akin, Sir Seev. Hindi ako katulad ng mga ispiritu na iyon na kumakain ng kaluluwa ng mga tao. Wala akong masamang intensyon sa mga nilalang na narito.” “Ferriol, she’s saying the truth. I was with her since the beginning. Ako ang unang nakakita sa kaniya. She doesn’t know this world, she came from a different world. Now, if you can’t believe this...” inilagay siya ni Haze sa likuran nito at nakita niya na

