Kabanata 8

2869 Words
Kabanata 8 Real Hanggang ngayon, bumabalik pa rin sa aking alaala ang text kaninang umaga. Kahit kanina pa ako nood ng nood sa mga senior cashier, hindi ko pa rin makuha ang ginagawa nila. I was really occupied by that f*****g text message. Malakas talaga ang kutob ko na galing iyon kay Vizier! Sa uri palang sa pagkakatipa ng mensahe, ganoon kung magtext si Vizier sa akin. And I can even sense it! Kahit hindi pa naman ako sigurado, malakas talaga ang kutob ko na siya ang tao sa likod ng text message. Huminga ako ng malalim, pinagpatuloy ko ang panonood at pag-obserba sa mga kahera. I can’t even get how they punch the order properly. Sobrang bilis nila sa ginagawa, na maging ako ay napapamangha talaga. Kung gusto ko talagang magtagal sa trabahong ito, kailangan kong matutunan ang ginagawa nila. I need to put more effort so that, I could do it alone. In regarding with my manager, he give me a breaktime. Kanina nung sumapit ang alas-dose, sinabihan niya akong mag-break na muna ngunit hindi ko iyon sinunod. Wala rin naman kasi akong ganang kumain atsaka kailangan kong ibigay ang buong atensyon sa pagkakaha. Kanina sabi ng nakausap kong kahera, minsan daw ang laki ng short nila. Minsan naman ay wala. Kumbaga, swerte ka kung swerte ang duty mo pero kung malas, aba’y iiyak ka talaga sa sobrang panghihinayang sa mawawalang pera. Doon palang kinabahan na ako. What if it happens to me? What will I do? Syempre hahawak na ako ng sarili kong kaha kaya dapat maging responsable ako sa pagtrabaho. Bawal mong iwanan ang counter mo, minsan kasi yun ang nagiging simula ng shorting e! Mabuti nalang at may nagsabi sa akin ng ganoong paalala. At least, I have a background knowledge in case it happen. Hindi na ako mangungulelat sa pagtatanong at syempre matatakot kapag nangyari nga. Hanggang alas-dos lang naman ako, yun ang sabi ni sir Josef. Ang trainee daw ay hanggang alas-dos lang, kapag maging official worker ka na, doon ka magdu-duty hanggang eight hours. Sabi rin ng nakausap kong kahera kanina, baka bigyan ako ng regular contract since hindi naman ako nag-aaral. Iyon daw ang patakaran kapag hindi nag-aaral, you have to sign regular contract. Well, hindi naman siguro. It depends to the person who will work. Malay natin gusto niya palang hindi pumirma ng kontrata, pwede naman daw sabi ni sir Josef. As long as you will take your duty on time. Sumiklab nga ang kirot sa puso ko ng malaman na kalahati pala sa cashier ay mga working student. Doon palang kinain na ako ng inggit. How I wish I could continue my studies amidst of what happened to me. Hindi pa ako sigurado kung makakabalik ba ako sa pag-aaral. Sa ngayon, ang main focus ko ay magkaroon ng income at buhayin ang sarili. Napag-isip ko kasi na kapag may ipon na ako, pwede ko ng kunin si Jonesar sa probinsya namin. Oh God, sobrang miss ko na yung kapatid kong iyon! Sana sinama ko nalang siya dito. Ngayon naman, bumalik sa isipan ko ang box kanina. Ang laman na bagong cellphone at tatlong makapal na pera. Nanginginig pa rin ang isipan ko ng makita ang brand ng cellphone, gosh bagong labas na apple cellphone iyon. At alam kong mamahalin yun! Isa lang talaga ang nasa isip ko ngayon e, posibleng si Vizier iyon! Sino naman kasing tanga-tanga ang magbibigay ng ganoong halaga ng cellphone at pera? Sa panahon ngayon, walang tao ang gagawa no’n! Maliban nalang kung baliw na baliw talaga sayo ang taong iyon. And that’s conclude everything, si Vizier nga! Tama! Siya ang nagbigay no’n sa akin! Siya lang ang lalaking gagawa no’n sa akin! Bakit ngayon ko lang naisip ito? Siya lang kasi talaga ang may kapas na gawin iyon. Mayaman, laki sa ulo at nasusunod ang mga gusto! Tiyak na isang sabi niya lang sa papa niya, siguradong susundin iyon! Pag-aaral ko nga namanipula niya, ito pa kaya! Napailing nalang ako, hinayaan ang mabigat na iniisip. Napatingin ako sa orasan ng kaha, isang minuto nalang at lalabas na ako. Napahinga ako ng malalim, dumating si sir Josef na may ngiti sa labi. Napansin ko agad ang pamumula ng pisnge ng mga babaeng cashier. Doon palang nakuha ko agad ang ibig sabihin no’n. Siguro may lihim silang pagtingin sa manager namin. Umiling nalang at hinarap si sir. He smiled. “Miss Arraz, you can go now. Tapos na ang duty hour mo kaya pwede ka ng mag-out.” aniya sa marahang boses. Tumango ako at huminga ng malalim. Honestly, gwapo naman talaga si sir Josef. Chinito at mataas, may magandang pangangatawan at matinong lalaki. Kaya siguro maraming kababaihan ang nagkakagusto sa kanya dahil sa maganda niyang mukha. “Sige po, sir.” magalang kong sabi. He sighed. Yumuko ako at umalis nalang. Pumasok ako sa dressing room at nagpalit ng damit. Ramdam na ramdam ko na ang kalagkitan sa katawan. Huminga ako ng malalim, tinali ang buhok at lumabas pagkatapos magbihis. Nahiya pa ako sa mga naka-break na crew, kumakain sila at nakuha ko pa ang atensyon. Alanganin akong ngumiti sa dalawang lalaki na nakatitig sa akin, yumuko at umalis na. I sighed deeply as I walk out from the store. May mga nakakasalubong akong mga tao na gulat na gulat at para bang hindi makapaniwala sa nangyayari. May nakita akong grupo ng kababaihan na sobrang titig sa cellphone at kagaya rin sa reaksyon ng iba. Ano bang nangyayari? Bakit tila gulat sila? May masama bang panahon? May bagyo ba? Ano? Sa sobrang kuryusidad ko, lumapit ako sa kumpulan ng kababaihan at naglakas loob na magtanong. Kinagat ko ang labi bago magsalita. “Hi, pwede ba akong magtanong?” Umangat ang ulo ng isang babae. She look at me with teary eyes. “B-bakit?” nauutal niyang sabi. Napalunok ako, bakit parang iiyak na siya? Ano bang nangyayari? Bakit gulat ang mga taong nakikita ko sa paligid. “Anong meron?” tanong ko. Tuluyan ng tumulo ang luha niya. Oh s**t, why is she crying? “H-hindi mo alam?” Umiling ako. “Ang alin?” takang tanong ko. Her eyes continue to cry. “Patay na si C-cion Alzarte, yung idol naming artista.” she said tremblingly. My eyes widen. Nagulat sa sinabi niya. W-what? Patay na? Sino? “A-anong sabi mo?” nanghihina kong tanong. She wipe her tears while sobbing. “C-cion Alzarte is dead. Ngayon lang in-announce sa public na patay na siya.” umiiyak na sabi niya. Umiling ako habang umaatras. Ano? Si Cion? You mean…si Salvacion Alzarte na pinsan ni Vizier ay wala na? Totoo ba ‘to? Mabilis akong tumakbo pauwi ng apartment ko. Nanginginig ang kamay sa pagbukas ng TV. Nangingilid na ang luha sa mata habang kasalukuyang naka-flash sa screen ang mukha niya at ang headlines na labis na nagpadurog sa puso ko. P-paanong nangyari ‘to? “Philippine famous actress, Cion Alzarte ay pumanaw na. Ibinigay ng pamilya ang impormasyon na ito isang oras na nakalipas. Ang batang actress ay biktima ng ambush. Kamakailan ay may nagbigay ng death threat sa nasabing artista at agad namang in-aksyunan ng security team ng pamilya. Matatandaang kasintahan may kasintahan itong sundalo at maaaring iyon din ang isang rason kung bakit nadamay si Cion Alzarte.” according to the reporter. Tumulo ang luha ko sa nalaman. T-totoo nga! Totoong wala na si Cion! B-bakit? Sunod-sunod na nag-flash ang mga larawan niya sa screen, animo’y tinatanaw ang nai-ambag niya sa showbiz industry. Napalunok ako habang hindi pa rin mag-sink in sa akin ang nalaman ngayong araw. Hindi ako makapaniwala at parang isang panaginip ang lahat. Biglang pumasok sa alaala ko ang huling pagkikta naming dalawa. Last pa iyon at nasa grade twelve palang ako. Nung una, buong akala ko ay maldita siya at maarte. Oo, sinasabi niya sa publiko ang tunay niyang ugali, pero may isa pa siyang katangian na hindi alam ng lahat. Ako at tanging pamilya niya lang ang may alam. Salvacion is very sweet as a daughter and friend. Hindi ko lubos maisip na magiging magkaibigan kami e! Sinungitan niya ako nung una, pero kalauna’y naging komportable kami sa isa’t-isa. We become friends, a very real friend. Nawalan lang kami ng koneksyon sa isa’t-isa ng guluhin ulit ni Vizier ang buhay ko. At ngayon, malalaman ko nalang na wala na siya! My heart is breaking right now! I can’t believe! I can’t believe she’s gone! My tears flow as my pain go through. Hindi ako nakakain pagdating ng gabi. Nagluksa ako buong magdamag at pilit kinakalma ang pusong nasawi para sa kaibigang nawala. Nagising ako ng dumating ang umaga at namumugto ang mga mata. Muling bumalik sa isipan ang nangyari kahapon. Hindi ko manlang siya mapupuntahan sa kanyang himlayan. Tiyak na nandoon si Vizier, at baka iyon din ang maging rason na mahanap niya ako. Nanghihina akong tumayo. Binuksan ko ang bintana at sumalubong sa akin ang makulimlim na panahon. The weather isn’t fine, nagluluksa rin sa kaibigan ko. I nipped my lip and just do my morning ritual. Kumuha ako ng casual clothe ko, sinabit ang tiwalya sa kabilang balikat at naglakad patungo sa banyo. Inayos ko muna ang gagamitin ko sa pagligo, pagkatapos maayos ang tubig ay lumabas muna ako para magtimpla ng kape. Palakad na ako sa maliit kong kusina ng biglang may kumatok sa pintuan. Agad na kumunot ang noo ko at nagtaka sa umagang panauhin. Mabilis na tumibok ang puso habang mariin na nakahawak sa gilid ng lamesa. Sino na naman kaya ito? I sighed. Lumapit ako sa pinto at binuksan iyon. Hindi ko nalang inalintana ang alinlangan sa puso. Bumungad sa akin ang isang food delivery. Mas lalong kumunot ang noo ko sa lalaking may hawak ng maraming plastic. Napansin niya yata ako kaya ng tumingin sa akin ay nagulat. Bumuga ako ng malalim na hininga bago siya hinarap ng maayos. “Good morning po, ma’am. Kayo po ba si Chacel Costiño?” tanong ng lalaki. My forehead lour. Costiño? “Ah, ako nga. Bakit?” takang tanong ko. Huminga ng malalim ang lalaki. “Ma’am, may delivery po kasi kayo. Wala pong pangalan ang nagpadala pero dito niya po sa apartment niyo gustong ipa-deliver. Tatanggapin niyo po ba ma’am?” Huh? May nagpa-deliver sa akin? Sino naman? “Teka, ang ibig mong sabihin ay may um-order at sa akin gustong ipabigay. Naku, wala akong pambayad kaya hindi ko tatanggapin yan.” sunod-sunod kong sabi. Paano kung hindi pa pala bayad? Tapos ipinadala sa akin kasi prank lang? Naku naku, wala akong pera pambayad sa mga ganyan! “Naku, hindi po ma’am. Fully paid po itong mga pagkain na pina-deliver sainyo. Wala po kayong babayaran.” sagot ng lalaki. Napahinga ako ng malalim. Sino naman kayang poncio pilato ang nag-order ng mga ito? “Sige na nga.” Magalang na ngumiti ang lalaki at binigay sa akin ang pipirmahan. I sign it immediately, binigay naman niya sa akin ang limang supot ng pagkain. Hindi rin ako makapaniwala na may taong magbibigay ng ganito karaming pagkain. “Salamat ma’am, enjoy your meal.” ani lalaki. I just nodded. Sinarado ko ang pinto at nilapag ang plastic sa lamesa. Pinagmasdan ko pa iyon ng matagal bago isa-isang kinuha mula sa lalagyan. Ramdam ko pa ang kainitan, siguradong bagong luto palang ito. Bigla akong natakam ng maamoy ang pritong talong. Nanlaki ang mata ko at mabilis na inalis ang takip ng food box. Nagningning ang mata ko ng bumungad sa akin ang paborito kong ulam. Oh my gosh, ngayon nalang ulit ako makakakain ng pritong talong. Dulot ng kasabikan sa pagkain, mabilis akong kumuha ng plato at kape. Umupo ako sa upuan at pasandok na sana ng kanin ng may kumatok na naman. Ano ba ‘yan? Bakit ang daming kumakatok sa pintuan ko? Inis na tumayo ako at lumapit sa pinto, I open the door and it revealed the same man who delivered the food earlier. This time, may hawak-hawak na siyang pink magic rose. Para saan naman ang bulaklak na dala niya? “Sorry ma’am, nakalimutan ko ang bulaklak.” aniya sa nahihiyang boses. Kumunot ang noo ko. “May kasama pang bulaklak kuya?” I asked curiously. He nodded and smile hesitantly. “Opo, ma’am. Kasama po iyon sa delivery sayo. Paki-claim nalang din po.” Napahinga ako ng malalim bago nawawalan ng pag-asang tumango. Kung sino man ang nagbigay nito, gusto ko nalang magpasalamat. Ang dami niyang binigay na pagkain at ngayon may pahabol pang bulaklak. Gaya ng nauna, pumirma ako sa received at binigay pabalik sa kanya. Muling ngumiti ang lalaki at umalis na. I locked the door, staring at the flower. Teka, yung paborito ko ‘tong bulaklak ah! This is my favorite flower, at alam kong iisang tao lang ang may alam nito! It must be Vizier! Siya at tanging siya lamang ang may alam sa mga paborito ko at sa mga ayaw! Oh really? Ayokong mag-conclude agad kasi baka nagkakamali ako pero ramdam ko e! May pakiramdam akong siya ang nagbibigay ng lahat na ito. I can’t be wrong! Alam kong kilalang-kilala niya ako, mula sa loob hanggang sa labas. Wala siyang palya pagdating sa mga bagay na patungkol sa akin. Ang tanong ko lang, bakit alam niya ang address ko? Bakit alam niya ang lugar ko? Natunton niya na ba ako? Did he know that I am here? Kung totoo man, paano? Paano niya nalaman na nandito ako? Oh Jesus, this man is crazy! Umiling ako at nilapag sa lamesa ang bulaklak. Bumuntonghininga ako pagkatapos ay bumalik nalang sa pagkain. Wala na akong panahon isipin pa iyon. Gusto kong kumain dahil yung paborito kong ulam ang nasa harap ko. I bit my lower lip as I continue eating. Masagana kong kinain ang bawat binigay sa akin, sarap na sarap dahil pagkatapos ng mga nangyari sa akin, ngayon palang ulit ako nakakain ng mga ito. As I finish my food, muling nanumbalik sa aking alaala si Salvacion. Sobrang bata niya pa para kunin ng panginoon. Sobrang sakit itong pangyayari sa pamilya nila. Lalo na kay ma’am Delrose at sir Ruslan. Siguradong malaking dagok ito sa pamilya nila. Napahinga ako ng malalim, ramdam pa rin ang bigat sa puso. Narinig kong tumunog ang cellphone, kumunot ang noo. Tawag yata iyon! Tumayo ako at lumapit sa box na pinaglagyan ng cellphone. Kinuha ko iyon at nakita ngang may tumatawag. Napabuntong-hininga ako bago sagutin ang tawag. I put the phone on my ear. “Hello…baby,” Napalunok ako ng bumungad sa akin ang paos niyang boses. Mula sa puso, para akong kinuryente ng muling marinig ang boses na iyon. Palagi kasing bumubungad sa akin ang ganoong boses niya tuwing umaga kaya ngayon hindi na ako nahirapan pang sagutin ang sarili kung sino ito. “I know you are listening. Look, gusto ko lang humingi ng tawad sa lahat ng mga nagawa ko sayo. Sa pamimilit ko, sa pagiging mahigpit ko. Palagi kasi nilang sinasabi na hindi kita mahal pero alam kong mali sila! They always saying that I am suffering craziness but baby…this is what I’m feeling. Kapag kasama kita, pakiramdam ko sasabog ang puso sa sobrang bilis ng kabog. Nanginginig ako kapag kaharap kita. Tunog bakla man pero iyon ang totoo, Chacel. Alam kong hindi ako baliw. Alam kong hindi ko nililiko ang sarili. Kusa ko itong naramdaman nung una kitang makita at alam kong pagmamahal ko iyon. Nakakasakal man, nakakabaliw man pero kasi ganito ako magmahal e. Ganito kita mahalin at lubos ‘yun. Sana mapatawad mo ako, at malaman mong sobra na kitang miss.” aniya sa paos na boses. Mabilis na tumulo ang luha ko. B-bakit ngayon niya lang sinabi ito? Bakit ngayong lang kung kailan tumakbo na ako palayo sa kanya? Bumilis ang kabog ng puso ko habang naririnig mula sa kabilang linya ang malalim niyang paghinga. “Sana isang araw matanggap mo rin ang pagmamahal ko, Chacel. Mahal na mahal kita, sobra-sobra.” Napakagat ako ng labi habang umiiyak. Umiling ako habang tumutulo ang luha. Bakit ganito siya? Bakit pinapaiyak niya ako ng ganito? Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko? Anong nangyayari sa akin? Am I falling? Am I falling to him now? Sa hinaba-haba ng nangyari sa amin, bakit ngayon lang siya nagsabi ng ganito? Noon, gustong-gusto ko ng kasagutan sa pagiging baliw niya pero ngayon, nasagot na lahat. Nasagot na ang mga tanong ko, at labis na gumaan ang loob ko ng marinig ang rason niya. I wiped my tears gently. “If you want to go home, my door is always open baby. I am always here waiting for you. Nakakabaliw man isipin na wala ka sa tabi ko pero maghihintay pa rin ako, Chacel. At sana sa pag-uwi mo sa akin, maging handa ka na bilang asawa ko. I love you, and I will always do.” That’s the last word he said before the call end. Muling tumulo ang luha ko, ramdam na ramdam ang mga sinabi niya. Para akong natauhan sa mga sinabi niya, parang iyon lang ang hinihintay ng puso ko para makahinga ng maluwag at payapa. After everything, ngayon nalang ulit ako nakaramdam ng ganito. Feeling peace and…a happy for real! --- Alexxtott 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD