Kabanata 7
Always
Nag-apply ako sa isang malapit na fast food restaurant dito sa amin, kahit medyo alanganin at kinakabahan, pinagpatuloy ko pa rin lalo na’t kailangan ko ng pera para sa pang-araw-araw. Nakakahiya naman kay Chico kung i-aasa ko sa kanya ang pagkain ko. I need to earn my own money to produce my own food. Kaya iyon ang ginawa ko sa mga sumunod na araw. Dala-dala ang resume na ginawa ko sa isang computer shop, marahan akong naglakad papunta sa entrance ng McDo. Ngumiti ako sa guard ng tumingin sa akin. I sighed heavily.
“Good morning, manong guard.” paunang bati ko.
He smile politely.
“Magandang umaga sayo, hija. May kailangan ka ba?” aniya sa marahang boses.
Tumango ako at ngumiti sa kanya.
“Manong, balak ko sanang mag-apply ng trabaho. May bakante po ba?” mahina kong sabi.
Napabuntong-hininga ako at naghintay sa sasabihin niya. Ito ang una kong hakbang sa mag-isang buhay. Kailangan kong maghanap ng trabaho para magkaroon ng sariling pera. Kailangan ko ding tumayo sa sariling paa para mabuhay sa mundong ito. Kung hahayaan ko lang ang sarili na makulong kay Vizier, hindi ko alam kung mabubuhay ako ng matagal.
Oo, masagana ako sa pagkain dahil mayaman siya pero hindi ko kayang makasama ang katulad niya. Para talaga sa akin, isa na siyang baliw. Hindi ko kayang makatabi siya sa gabi dahil palagi niya akong inaangkin. Minsan nga nagigising nalang ako sa mga titig niya. Minsan gusto niyang magyayakapan lang kami sa buong hapon dahil iyon ang gusto niya.
Ayaw niyang hindi nasusunod ang gusto niya. What he wants, he will do! I sighed heavily.
“Oo, hija. May bakante pa, sa katunayan ay maraming hinahanap ang manager namin. Ano bang gusto mong pasukan?”
“Kahit ano pong available. Tatanggapin ko naman kung ano ang ibibigay na posisyon sa akin.” sagot ko.
Pinagmasdan niya ako ng malalim.
“Sa mukha mo, maganda ka. Makinis at siguradong ilalagay ka ng manager sa counter. Pwede kang maging cashier.” aniya guwardiya.
Ngumiti ako at mabilis na tumango. Pwede rin naman sa akin ang pagiging kahera. Sa katunayan, iyon din talaga ang gusto kong posisyon sa mga ganitong trabahuan.
“Pwede rin po, manong.”
He nodded. Binuksan niya ang glass door at sabay kaming pumasok sa loob. Napatingin ako sa mga costumer na kumakain. Maraming tao kahit umaga palang. Pumasok si manong sa pinaka opisina, naghintay ako sa paglabas niya. Nakayuko lang ako kaya hindi ko napansin na nasa harap ko na pala sila at kasama na ang manager. Inangat ko ang ulo at tumambad agad sa akin ang mataas at chinitong lalaki.
Nakasuot siya ng kulay blue na polo, maputi at new haircut. Napahinga ako ng malalim bago ngumiti ng alanganin sa manager yata nila. Napansin ko ang malalim niyang titig sa akin, maging ang lalagukan niya ay sumasabay sa paglulunok niya. Okay, he is handsome.
He smile tenderly.
“So, she is the applicant?” he asked.
Tumango si manong guard.
“Opo, sir. Ito po ang resume niya.” binigay ni manong ang resume.
Tinanggap agad ng manager ang resume ko, he scan it while nodding. Pagkatapos niyang basahin ang resume ko, tumingin siya sa akin ng malalim.
“Follow me, Miss Arraz.”
Tumango ako at sumunod sa kanya. Umupo kami sa isang bakanteng upuan, malayo sa mga costumer. Marahan akong upuan, kinakabahan sa lalaking ito. Umupo siya sa harap ko at binasa ulit ang resume ko.
“Your name is Chacel Arraz. Fresh graduate of senior high. Wala ka bang planong mag-aral ng college?”
Bumuntonghininga ako, nahihiyang tumingin sa kanya. As of now, my main priority is my food. Wala muna akong planong bumalik sa pag-aaral. Maybe after years, tsaka palang ako babalik kapag maayos na ang lahat. Knowing Vizier still looking for me, magtatago muna ako.
“Wala pa e. Gusto ko munang magtrabaho. Tsaka marami pa akong babaguhin sa buhay ko, tsaka na po kapag maayos ko na iyon.” magalang kong sabi.
He nodded while lip is protruded.
“Okay. I won’t meddling with your problem. I will hire you, tutal kulang pa kami sa cashier kaya doon kita ilalagay. Is that okay with you?” he asked.
I nodded and smile immediately.
“Okay na okay po, sir.” masaya kong sabi.
He smirked.
“Drop the formality. I’m Josef, your manager.” malambing niyang sabi.
Tumango ako.
“Sige po, sir Josef.” I said politely.
He chuckled. Gwapo siya, totoo yan. Hindi naman siya mataas katulad kay Vizier pero may taas din naman. At ngayon ko lang din napansin na may maliit pala siyang dimple sa kabilang pisnge. Nakikita lang iyon kapag ngumingiti siya. Yung labi niya ay mapula, animo’y may lipstick.
“Sige. Pero bago ka magsimula sa pagtratrabaho, kailangan mo munang magpasa ng mga requirements. I have a list of need to bring, comply it and submit in an exact date.” aniya sabay bigay sa listahan ng requirements.
Tinanggap ko iyon at binasa. Napahinga ako ng malalim bago mag-isip ng malalim sa mga hinihinging kinakailangan. Una, kailangan ko magpa-medical. Pangalawa, I need to attend a two day seminar. And third, I need to train for another two days. Pagkatapos ay tsaka palang ako magiging official na worker kapag magawa ang tatlong iyon. I sighed and nodded.
“I will expect you to submit it after four days. Good luck, Miss Arraz.” he said.
I nodded. Napabuga ako ng malalim bago umalis sa fast food restaurant. Nag-isip agad ako sa gagawin, una kailangan kong magpa x-ray, para makita nilang healthy ang chest breathing ko. Pangalawa, I need to undergo drug test, to provide evident. At pangatlo kailangan kong hintayin ang resulta. Ngumiti ako ng nabuhayan ng loob, bagama’t mabigat ang requirement na hinihingi, kakayanin ko ‘to!
Kaya para maibsan ang problema, mabilis akong pumunta sa isang private laboratory. Mabilis akong inasikaso ng nurse para sa -x-ray. I fill-up the form and wait for the time to scan my chest. Mabuti nalang at nag-iwan ng limang libo si Chico. Malaking tulong iyon sa akin lalo pa’t may ganitong proseso pa pala sa mga fast food restaurant. Babayaran ko nalang siya kapag makaluwag-luwag ako. Sa ngayon itong pera niya muna ang gagamitin ko para sa kailangang mga requirements.
Pagkatapos ko sa x-ray session, hinintay ko ang result. Umabot ng ilang oras bago lumabas ang cleared result niya. Napahinga ako ng makitang negative ako sa resulta ng x-ray. Sunod kong ginawa ay magpa-drug test, gaya ng nauna ay naghintay rin ako sa resulta. Katulad ng inaasahan ko, negatibo rin ako sa drug test kaya nakaluwag ng hininga. Napatingin ako sa langit, madilim na pero punong-puno naman ng butuin ang kalangitan. I smile freely.
After the long day, umuwi ako ng pagod sa apartment ko. Diretso akong humiga sa kama at pinikit ang mata. Pagod na pagod ako at maging ang katawan ay hindi na rin kaya pang tumayo. Kaya gaya ng sabi ko, natulog na lang ako. Namulat ang mga mata, nasisilaw sa bintanang nakabukas. Agad na bumungad sa akin ang nakangising mukha ni Vizier habang may hawak-hawak siyang posas. Nanlaki ang mata ko at mabilis na umupo, umatras palayo sa kanya.
He laughed demonically while staring at me. Umatras pa ako hanggang sa matigil dahil sa headboard ng kama. Wala siyang saplot sa pang-itaas na katawan, namumula ang leeg niya na animo’y kagagaling lang sa pag-inom ng alak. Nanlilisik ang mga mata, hindi halos bitawan ang tingin sa akin. Umiling ako habang kinakain na ng takot ang puso.
I try to scream but my voice isn’t working. Bakit ganito? Bakit hindi ako makasigaw? Bakit walang lumalabas na ingay mula sa bibig ko? Ano ng nangyayari sa akin? He near me while laughing.
“You think, you can hide yourself to me! No! it won’t never happen! Mahahanap at mahahanap pa rin kita, Chacel!” he said insanely.
Umiling ako at sumigaw ngunit gaya ng nauna, walang may lumabas sa bibig ko. Lumapit na siya habang binabalandra sa akin ang posas na dala niya. My tears shed when he took my hand and put the shackle in it. Umiling ako habang umiiyak, nagpupumiglas sa kanya. Nagpumiglas ako hanggang sa mahulog sanhi ng pagkakagising ko. Napahinga ako ng malalim, pawis na pawis ang noo at kinakapos ng hangin.
What was that? Panaginip na naman ba? Bakit palagi siyang pumapasok sa panaginip ko? Ano bang ginagawa niya at pinapasok niya ang tulog kong imahinasyon! He is crazy! Tumayo ako at umupo sa kama, pinakiramdaman ko ang sarili. Huminga ako ng malalim, umiling-iling sa sarili. It’s just a f*****g dream! Akala ko totoo na! Akala ko tuluyan na niya akong nahanap! Alalang-alala ko pa ang pulang posas na palagi niyang ginagamit sa akin kapag inaangkin niya ako. I wiped my sweat, sighing so deeply.
Tumayo nalang ako at piniling maligo. Kailangan ko pang um-attend sa seminar para sa proper health protocol. I clean my body, wore my usual clothes. Nagtimpla ako ng kape, naglagay ng palaman sa tinapay. Pagkatapos ay umupo ako sa maliit kong lamesa para kumain. Ito lang ang breakfast ko sa umaga, I ate rice in the lunch. I drank my coffee and finish my meal. After it, tumingin ako sa salamin at sinuklay ang buhok.
I put a slight red lipstick in my lip. Smiling happily in my face, I’m ready to go! Buong lakas loob akong lumabas ng apartment, bitbit ko ang resulta ng pagpa medical kahapon. Hindi naman kalayuan ang city hall kaya nilakad ko nalang iyon. May suot akong scarf habang nagmamadaling naglakad papasok. Bawal akong mamukhaan ng mga tao kasi baka isuplong nila ako kay Vizier. Mas mabuting magtago nalang sa likod ng scarf kaysa mapunta ulit sa kanya.
Dumiretso ako sa seminar room, binigay ko pa sa guard ang requirement ko at pinapasok ako. Naabutan ko ang isang babae na nagdi-discuss sa harap, napansin ko din na marami kami na nandito ngayon. Siguro nag-apply din sila sa ibang trabaho at kailangan din ng health card. I sighed and just listen to the speaker. Umabot pa ng ilang oras ang seminar bago ito matapos. Pumila ako sa linya ng mga kukuha ng health card, naghintay na mapunta sa akin ang tanong.
“Anong pangalan mo?” tanong ng matanda.
I smile politely.
“Chacel Arraz po, ma’am.”
“Saan magtratrabaho?”
I bit my lower lip.
“McDonalds po.” magalang kong sagot.
She nodded. Naghintay ako ng ilang minute bago marelease ang health card ko. Ngumiti ako sa matanda bago umalis. Napahinga ako ng malalim, sa wakas nabuo ko na ang unang step. Dumiretso na ako sa Mcdo, ngumiti pa kay manong bago ako papasukin. Hinintay ko si sir Josef, sa kanya ko kasi ibibigay ang medical requirement ko e. Lumabas siya na may hair net pa, gaya kahapon ang presko pa rin ng itsura niya. He smile while approaching me.
“Nakumpleto mo na?” tanong niya.
Agaran akong tumango.
“Opo, sir.” sagot ko.
He nodded and took my envelope. Sinuri niya iyon bago tumingin ulit sa akin at tumango-tango.
“Sige, hire ka na. magtri-training ka bukas. Kailangan mong matutunan kung paano humawak ng kaha. You have to be responsible while in duty, lalo na’t uso ngayon sa mga cashier ang magshort. Bukas, observing lang naman ang gagawin mo. After two day, you will start the work.” he said gently.
Napahinga ako ng malalim bago tumango. Iyon ang nasa isip ko bago umuwi at magpahinga sa apartment. Habang nakaupo sa kama, binuksan ko ang TV at nanood ng balita. Biglang nanlaki ang mata ko ng mag-flash ang mukha sa screen ng TV. Bakit naka-flash ang mukha ko sa news? Oh s**t, bawal yan makita ng mga tao sa trabaho ko! Baka malaman na ni Vizier ang lungga ko! Nakinig ako sa news.
“Patuloy pa rin ang paghahanap sa asawa ni Vizier Costiño. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakikita. Katulad ng nauna, may nakapatong pa rin na fifty million sa kung sino man ang makahanap sa nasabing nawawala.” anunsyo ng reporter.
Umiling-iling ako bago inis at galit na pinatay ang telebisyon. f**k it! Vizier is f*****g crazy! How dare him doing this to me! Grabe, nagsasayang lang siya ng salapi para sa akin! He can let me go and forget our past! Marami pa namang mga babae ah, bakit hindi nalang siya maghanap ng iba! Bakit hindi niya ako tantanan? Bakit ako pa rin ang hinahabol-habol niya? Ganito ba talaga siya kabaliw sa akin?
Umiling ako at bumuntonghininga. Ayokong isipin pa ang lalaking iyon! Ayokong maalala ang mga ginawa niya sa akin! Bagama't kaunting panahon palang iyon, pero tumatak na sa puso ko lahat ng ginawa niya sa akin. Ayoko ng balikan ang ginawa niya sa akin! Humiga ako sa kama at pinikit nalang ang mata para matulog. I slept peacefully that night and just wake up when the sun is raising. Minulat ko ang mata, pagkatapos ay umupo ako para maligo na. Papasok ako ng banyo ng biglang may kumatok sa pinto ko. Kumunot ang noo ko, ang aga-aga may panauhin agad ako.
"Sino yan?" tanong ko.
Walang may sumagot sa akin, tanging katok lamang ang narinig ko. Mas lalo akong kumunot sa pagtataka.
"I'm asking you, who are you?" I said bravely.
Gaya ng nauna, the person behind my door just knock it again. Who the hell is my knocking? Dahan-dahan akong lumakad papunta sa pinto, lumuhod at tinignan sa ilalim ng pinto ang tao sa labas. Ang tanging nakita ko ay isang box. Wala ng tao pero may box na nasa labas ng pinto ko.
Kumabog ng mabilis ang puso ko, baka bomba iyon! Umiling ako at umatras, hinintay ang pagsabog ngunit wala namang nangyari. Umiling ako ulit ako bago lumapit at dahan-dahang binuksan ang pinto. Nakita ko agad ang box, malaki iyon at nagtataka ako kung ano ang laman. Mabilis ko 'yung kinuha at nilagay sa ibabaw ng lamesa. Pinagmasdan ko ng ilang oras bago huminga ng malalim.
I am curious what's inside this box. And who brought it here? Yung kumakatok ba kanina? Siya ba ang nag-iwan sa box na ito? I sighed heavily. Binuksan ko nalang iyon para makita ang laman. Kumunot ang noo ko ng unang makita ang isang mamahaling cellphone, bagong-bago at may box pa. Nanlaki ang mata ko, hindi makapaniwala sa nakikita. Napalunok din ako ng sumunod kong makita ay tatlong makapal na pera.
Napaatras ako, naguguluhan na. Bakit may cellphone at pera sa box na ito? Sino ang nagbigay nito? At bakit iniwan ito sa tapat ng pinto ko? Oh s**t! Umiling ako bago tinignan ulit ang pera at cellphone. Bago pa ang lahat, at hindi ko alam kung sino ang nagbigay! Umiling ako at mabilis na dinampot ang box at nilapag sa kama ko. I sighed so heavily.
Tumalikod ako para bumalik sa pagligo, I was about to walk out when a phone ringing. Napahinto ako, nanlaki ang mata habang tinitignan pabalik ang box. I nipped my lip to control trembling. Mabilis ko 'yung kinuha at tinanggal sa box niya. Nanginginig pa ang kamay ng tignan ang cellphone, isang text message iyon. I open it and read.
Unknown number:
You like it? Hmm, I will give you some time to spent it outside without me. But, when my time comes you have to surrender, baby. Use that money, do whatever you want to do. Always be careful, I love you.
My heart beat so fast. Who the heck is this?
---
Alexxtott