Kabanata 6

2860 Words
Kabanata 6 Obsession Gaya ng sabi ni Chico, huminto ako sa tapat ng isang mall. Hindi ko inalintana ang lamig ng katawan, hinayaan ko iyon dahil mas mahalaga sa akin ang makalayo at makatakas kay Vizier. Kahit pa nanginginig ang paa, tinatagan ko ang sarili na tumayo lang para kapag dumating siya ay makita agad ako. Kaunti nalang din ang mga tao, at pasara na rin yata ang mall na ito.  Napapikit ako, nasaan na ba siya? Bakit ang tagal niya? Okay lang ba siya? Sinaktan ba siya ni Vizier? Oh my God! Baka sinaktan nga siya ng baliw na iyon! Paano na ako ngayon nito? Sino ang tutulong sa akin sa pagtatago? Sino ang tutulong sa akin sa pagtakbo palayo sa kanya? Kinagat ko ang labi habang matyagang naghihintay sa kanya, habang tumatakbo ang oras, kumukunti na rin ang mga tao. Halos wala na ring dumadaan na mga sasakyan. Nasaan na ba siya? Bakit hanggang ngayon wala pa rin siya? Okay lang ba talaga siya? Hindi ba siya sinaktan ni Vizier? Bakit hanggang ngayon wala pa rin siya? Bumuntonghininga ako bago umupo sa hinagdanan ng mall. Wala ng mga tao at sarado na rin ang mall. Nilibot ko ang tingin, wala pa rin akong makitang anino niya. Napabuntong-hininga ako, nilibot pa ang paningin sa kalsada. Kumunot ang noo ko ng makakita ng mga kalalakihan na nakaitim. Nanlaki ang mata ko at mabilis na tumayo dahil sa nakita. Oh God, mga tauhan ‘yun ni Vizier! Mga alagad niya! Dahan-dahan akong yumuko palakad papunta sa malaking vase ng mall. Doon ako nagtago habang nanginginig ang katawan sa takot at kaba. Tinakpan pa ang bibig, halos hindi ipalabas ang hangin dahil baka marinig nila. Nakita kong naglakad sila papunta sa main entrance ng mall. Umiling ako at mabilis na tinakbo ang mini garden ng mall. Doon ako nagsumiksik para lang makatago sa kanila. Mas lalo pa akong natakot ng makita na si Vizier, namumula ang mata sa galit at umiigting ang panga. Kuyom na kuyom ang kamao habang nililibot ang paningin sa kabuohan ng mall. Tinakpan ko pa ang bibig para lang hindi nila mapansin na nandito ako. Nakita kong lumapit ang isang guard kay Vizier, at sigurado akong tutulungan nila sa paghahanap ang baliw na ‘to!  Naglakad sila papunta sa direksyon ko, halos hindi ko na igalaw ang katawan dahil kapag ginawa ko ay malalaman nilang nandito ako. Napapikit ako ng mata ng maramdaman na parang may gumagalaw sa paa ko. Oh s**t! Ano ang gumagalaw sa paa ko? Ahas ba? O, mga nangangagat na hayop? s**t! Kinabahan na ako ng maramdaman pa ang paglalakad ng bagay sa paa ko. May gamit ng flashlight ang guard habang nililibot ang kabuohan ng parking lot. Nang makita silang tumalikod, mabilis akong tumakbo papunta sa isang kotse. Nagtago ako sa likod ng lilim. Kinagat ko ang labi habang pinapanood ang bawat galaw ni Vizier. Tinakpan ko ang bibig ng magsalita siya. “Come on, Chacel! Lumabas ka na. Let’s go home, baby.” he said in controlling voice. Umiling ako na parang hindi sang-ayon sa gusto niya. Hindi! Hinding-hindi ako uuwi sa kanya! Hinding-hindi ko isusuko ang sarili sa kanya! He is f*****g crazy! He is dangerous! He is crazy! Kapag magsama lang kami, baka hindi na umabot ang buhay ko sa kabaliwan niya. Ibang-iba siya bilang isang lalaki! Ibang-iba ang ugali niya kaysa sa mga pinsan niyang lalaki! He doesn’t want to be control!  Gusto niyang lagi siyang masusunod! Laging siya ang susundin! Matigas ang puso niya! Marahas siya! At natatakot ako sa kanya! Muling namuo ang luha sa mata ko, awang-awa sa nangyayari sa akin ngayon. B-bakit ko ba ito sinapit? Bakit nangyari sa akin ang ganitong buhay? Hindi ko naman pinangarap na makatagpo ng katulad niya ah! Gusto ko yung simpleng buhay lang! Yung kahit hindi mayaman pero malaya naman at maginhawa ang buhay! That’s what I want! That’s what I wish for my life! Hindi ko ginustong mahalin niya ako ng sobrang baliw. Pwede naman e, pwede naman niya akong mahalin pero hindi sa marahas na pamamaraan. Matututunan ko naman siyang mahalin kung naging mabuti siyang tao sa akin. If he didn’t use power to force me, it would be easy for me to like him or even love him! Pero hindi e! He used force! He manipulated my life! He control me! Hindi ko na hawak ang buhay ko kasi pakiramdam ko, pag-aari niya na iyon! I hate to admit it but yes…I might fall in love with him if he is just good to me! Hindi naman siya ganito noon ah! Mabait siya at inalagaan niya ako pero bakit ngayon pagkalipas ng ilang taon nagbago siya. Nagbago nga ba? O, sadyang pakitang tao lang siya noon sa akin? Ganito ba talaga ang ugali niya bilang isang Costiño? Ganito ba ang ugali ni sir Hermes? Marahas din at baliw? Kung ganito, paano minahal ni ma’am Estrecia ang katulad nilang lahi? Angkan ba sila ng mga baliw? At kaya ba nauto nila si papa na ibenta ako kasi gusto nilang minamanipula ang isang tao? Oh f**k! Ang gulo nila! Sobrang complicated ng buhay nila! “Chacel…baby come on, let’s go home. I’m tired and I want to hug you right now.” he shouted with softness in his voice. Umiling ako. No! I won’t go home!  “I swear to God, kapag mahawakan ulit kita hinding-hindi mo na makikita ang mundo. I will cage you in our condo baby. Kaya ngayon, lumabas ka na bago ko pa gawin iyon.” he seconded. I bit my lower lip. No way! Hinding-hindi ako lalabas at sasama sayo! Ayoko ng makasama ang katulad mo! Masama ka! Delikado ka! Baliw ka!  “Gusto mo pa bang makitang buhay ang pinakamamahal mong kapatid, baby? Hawak ko na siya sa leeg katulad ng iyong papa. I can kill them if you won’t go home with me. You know how much it is for me to kill life.” aniya sa malamig na boses. My eyes widened. N-no! Hindi niya pwedeng saktan ang kapatid ko! Ayokong may mangyaring masama kay Jonesar! Mahalaga siya sa akin at siya nalang ang taong mapagkakatiwalaan ko ngayon! Pero kapag lumabas ako ngayon at sumama sa kanya, siguradong hinding-hindi na ako masisinagan ng araw. He will prison me to that f*****g condo! At ayokong bumalik sa lugar na iyon! Ayokong bumalik sa kanya. Natatakot na ako sa pwede pa niyang gawin bilang isang baliw.  Nakita kong kinuha niya ang cellphone at sinagot ang tawag. Bumuntonghininga pa siya bago ilagay ang phone sa tainga niya. “Yes, pa?” I listened. “Papa, my wife is missing. I’m still looking for her! Can you send your team to look for her too, nahihirapan kami lalo pa’t ang luwag ng Manila para makita siya.” Malamig ang boses niya habang kausap ang ama. “No f*****g way, papa! You know how much I love her! Damn it, hindi ako papaya sa gusto mo.” He furiously ended the call. Nagpupuyos sa galit ang itsura niya. “f*****g hell, Chacel! Lumabas ka na! Don’t make me mad at you, baby!” he said frantically. Nanlaki ang mata ko ng bunutin niya sa likod ang isang baril. Nilibot niya ang hawak-hawak na baril habang parang nakikita ako at tinututukan. Tumulo ang luha ko sa takot at kaba, lalo na nung ipaputok niya iyon sanhi ng pagsigaw ko. Nakapikit ang mata ko habang ramdam na ramdam ang palad na nakatakip sa bibig ko. Hindi ko narinig ang sigaw dahil may tumakip sa bibig ko. Napabaling ako sa likod ko at bumungad sa akin ang duguang mukha ni Chico.  Nanlaki ang mata ko habang pinagmamasdan siya. Bugbog sarado ang mukha niya at ang lalaki pa ng sugat sa mukha. Pumutok din ang labi niya, gayundin sa mata. Naawa ako sa kanya habang nakatingin. “A-anong nangyari sayo?” nanginginig kong tanong. He sighed tiredly. “T-tama ka nga, baliw na baliw sayo ang lalaking ‘yan. Chacel, delikado ang makita ka niya. Halos patayin ako kanina habang tumatakbo ka.” aniya sa pagod na boses. Tumulo ulit ang luha ko habang hindi makapaniwala sa kanya. Kaya pala natagalan siya kasi ginawa pa ito ni Vizier. Pati tuloy siya ay nadamay dahil sa akin. “Chico, hayaan mo nalang ako. Siguradong hindi ka tatantanan ni Vizier.” mahina kong sabi. Umiling siya at ngumisi. “Chacel, damay na ako kanina kaya bakit aatras pa ako. Atsaka nabugbog na ako kaya walang atrasan pa.” sagot niya. Napahinga ako ng malalim. Bigla kong naisip ang buhay niya dito. “Pero paano ka? Paano ang pag-aaral mo? Ang trabaho mo?” I asked concernedly. “Hindi ko pa alam ang gagawin dyan. Siguro kapag makaalis tayo dito ay tsaka ko palang aasikasuhin ang pag-aaral. Hindi naman tayo aalis ng Manila e, siguro magtatago tayong dalawa. Kapag kasi makita pa ako ni Vizier, mabilis niyang matutugunang magkasama tayo.”  Napatango ako. He’s right! Mabuting mawala siya sa landas ni Vizier para hindi na ito maghinala pa. Sa oras kasi na magkita pa sila, tiyak na pagbubuntungan na naman siya ng galit nito.  “Sa ngayon, ang mas importante ay makaalis tayo dito.” he said. I nodded. Napansin ko ang bag na nakasukbit sa likod niya.  “Ba’t may bag kang dala?” tanong ko. He sighed. “Dinala ko nalang ang mga damit. Alam ko kasing babantayan nila ang boarding house ko kaya aalis nalang ako.”  Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Oh God, nadamay ko pa tuloy siya sa nangyayari sa akin. Kung hindi nalang sana ako sumama sa kanya papunta sa boarding house niya, siguradong hindi siya madadamay sa problema ko. Ngayon, siguradong kasama na siya sa listahan ni Vizier na papahirapan at posibleng patayin pa!  “Hey, don’t worry. I’m really fine.” he said to calm me. I sighed and smile weakly. “Sorry sa mga nangyari. Nadamay ka pa tuloy sa problema ko.” mahina kong sabi. Umiling siya at ngumiti. “Tutulungan kita kasi alam kong malaki ang kinakaharap mong problema sa lalaking ‘yan. Sayang, baka katulad niya ang kapatid na babae.” natatawa niyang sabi. Kumunot ang noo ko. Ano daw? “Ah? Bakit nasama ang kapatid niya sa usapan?” tanong ko. Ngumisi siya bago umiling. “Wala. Umalis na nga tayo, nababaliw na yang asawa mo sayo haha.” he said while laughing. Napahinga ako ng malalim. Binuksan niya ang compartment ng kotse na pinagtataguan namin, ngumisi siya bago bumaling sa akin. “Mauna kang pumasok. Sasakay tayo dito at aalis sa lugar na ito. Kung saan man tayo dalhin ng kotse na ito, doon tayo titira ng panandalian.” seryoso niyang sabi. I sighed and nodded. Tinignan ko muna si Vizier ng matagal, pinagmasdan ang maganda niyang mukha. Ang labing hinalikan ako ng maraming beses at ang katawan niyang dinagan ako ng paulit-ulit. Lahat ng iyon ay iiwan ko na ngayon. I smile sadly at him, kung naging mabait lang siya sa akin siguro baka pwede ko rin siyang mahalin. Umiling ako at mabilis nalang na pumasok sa compartment. Sumunod naman si Chico sa akin pagkatapos ay sinarado niya iyon. Pinikit ko ang mata bago maramdaman ang paggalaw ng sasakyan. Napahinga ako ng malalim bago naisipan nalang na matulog. Napatawa ako sa sarili, natuyo nalang ako dahil sa pagtatakbo palayo sa kanya. Umiling ako at pinikit nalang ang mata para matulog. Masakit ang mga mata ng binuksan iyon, nasisilaw sa ilaw na nakatutok sa akin. Pinipilit kong isigaw ang nararamdaman ngunit walang may lumalabas na salita sa bibig. Maliwanag ang kapaligiran at animo’y nasa langit ako. Nagpumiglas ako ngunit naramdaman ang posas sa kamay. Maging ang paa ay nakatali  sa lubid.  Muling tumulo ang luha habang dumadagundong sa kaba at takot ang sarili. Umiyak ako habang nagpupumiglas, gustong-gustong makawala sa sitwasyon. Narinig ko ang pagbukas ng pinto, naaninag ang madilim na mga mata at napupunong dilim na anyo ng lalaki. Napalunok ako at animo’y takot na takot sa paparating na kapalaran. Huminto ang lalaki sa harap ko, ngumisi bago ipantay ang mukha sa akin. Tuluyan na akong kinain ng takot dahil namukhaan ko siya, namukhaan ko ang lalaking baliw na baliw sa akin. Umiigting ang panga, nanlilisik ang mga mata bago marahang sapuin ang panga ko. He smile devilishly. “You can’t stop me from running for you, baby. Hangga’t buhay ako, ikukulong kita sa buhay ko.”  Umiling ako habang tumutulo ang luha. Nagpumiglas ako habang gustong-gusto makawala sa kanya. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa mapamulat ko ang mata sa totoong reyalidad. Nauubos ang sariling hangin, tumambad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Chico.  “Hey, okay ka lang ba?” he asked concernedly. Bumuntonghininga ako bago pahirin ang sariling luha. Oh God, panaginip lang pala iyon! It was just a nightmare! It was just a bad dream! Akala ko, nakuha niya ulit ako. Akala ko, nasa kanya na ulit ako! Pinikit ko ang mata bago ngumiti ng mahina kay Chico. “I-I’m fine…” mahina kong sabi. He sighed. Napansin ko na nasa loob pa kami ng compartment ngunit maliwanag na sa labas. Binuksan niya ang tumatakip sa amin, unti-unti kong nasisilayan ang araw. Napangiti ako ng pagod, after running away from him, ngayon ko nalang ulit naramdaman ang kaginhawaan sa kalooban.  The sky are beautiful made, the cloud is dancing magically and the birds flying freely. Naunang lumabas si Chico at sumunod naman ako. Napalunok ako habang pinagmamasdan ang kabuohan ng paligid. Nasaan kami? “Sa pagkakaalam ko, nasa Cavite tayo. Hindi ko pa masyadong alam ang lugar na ito pero sa ngayon, dito muna tayo titira ng panandalian. Maghahanap tayo ng maliit na apartment dito, may pera naman ako kaya iyon nalang muna ang gagamitin natin. Maghahanap na rin ako ng trabaho dito atsaka susubukan kong mag transfer dito.” sabi niya. Mabilis akong umiling.  “Pwede ka namang hindi nalang mag-transfer e. Malayo ba ang lugar mo dito?” tanong ko. Nag-isip siya bago ako sagutin. “Mga dalawang sakayan lang naman.”  “Pwede ka namang umuwi dito every weekend. I can stay here alone, and maybe I’ll try to find work here. May mga fast food restaurant naman dito na pwede kong pasukan pansamantala.” sabi ko. Ngumuso siya, pagkailang oras ay tumango. This is a way good of decision. Pwede siyang umuwi kapag sabado at linggo. He can stay at his boarding house and continue living there while I am here staring my life alone. Atsaka hindi naman pala malayo ang lugar niya dito, dalawang sakayan lang naman pala. In that way, hindi rin maghihinala si Vizier sa kanya. “You have a point. Sige, mag-isa ka dito kapag weekdays and for weekend, uuwi ako.” he said finality. Tumango ako at ngumiti. Umalis na kami sa pinagparahan ng kotse, nagsimula kaming maghanap ng apartment para sa akin. Pumunta na kami sa mga eskwater pero halos occupied na ang mga boarding house para sa mga istudyante. Sumapit ang tanghali kaya kumain muna kami sa isang karinderya. Gutom na gutom ako kaya halos maubos ko ang in-order naming pagkain. After lunch, we continue searching for my apartment.  Ramdam na ramdam ko na ang kapaguran sa katawan habang hindi pa rin kami nakakahanap ng matutuluyan. Binilhan ako ni Chico ng limang pares ng damit ng mapadaan kami sa isang ukay-ukay, maging ang saplot sa paa ay binili niya para sa akin. After an hour for looking, finally we found one! Ang apartment ay malapit sa McDonalds at sa Merciless Mall. Pinili ko nalang ito kasi at least malapit sa mall at sa fast food restaurant. Nagbigay ng paunang bayad si Chico sa landlady. Nahiya pa nga ako kasi halos siya lahat ang nagbayad para sa akin.  After everything, napahinga ako ng malalim ng mapaupo sa maliit na sofa. Tumabi sa akin si Chico habang bumuntonghininga rin. “Dito ka titira ng panandalian. Kung gusto mong magtrabaho, may malapit na fast food restaurant diyan. Pero kailangan mo lang siguruhin na hindi ka makikita ni Vizier Costiño.” paalala niya. I sighed as I nodded to him. Hindi na rin nagtagal si Chico, umalis siya para bumalik sa boarding house niya. Ako naman ay naiwan dito na mag-isa. Nag-isip ako na pwedeng gawin habang nandito, gaya ng gusto ko ay magsisimula akong mag-apply ng trabaho bukas. Kailangan ko lang gumawa ng resume para ipasa sa Mcdo na pagtratrabahuan ko. Nilinis ko ang katawan sa maliit na banyo, habang sinasabunan ang katawan, bigla kong naalala ang marahan na haplos ni Vizier sa akin. Napapikit ako habang ramdam na ramdam pa rin ang katawan niya sa akin. Umiling ako at mabilis na tinapos ang pagligo. Nagpalit ako ng damit at pinatuyo ang buhok ng ilang oras. Naging maayos na rin sa akin ang apartment na ito dahil kahit papaano’y may kagamitan na. Tulad ng TV. Malaking tulong na rin sa akin ang telebisyon para naman kahit papaano’y may libangan ako. Napabuntong-hininga ako pagkatapos ay pinili nalang na matulog para sa gabing ito. Bukas, I will start my life with new environment and social life, without Vizier Costiño and his obsession to me.  --- Alexxtott     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD