Kabanata 5

3083 Words
This is a present day, be informed. ------------------------------- Kabanata 5 Run Pawis na pawis ako habang tumatakbo, hinahatak ng puso ang katawan sa kapaguran. Hindi ako tumigil hanggang sa makalayo sa condo niya. Tumutulo ang luha, pinipilit ang sarili na makayanang makaalis sa syudad na ito. Nanginginig na rin ang tuhod ko, basang-basa ng ulan. Rinig na rinig ko pa rin ang madilim niyang boses na sumisigaw sa akin. Umiling ako, takot na takot. Pinunasan ko ang mata habang tumigil sa lilim ng punong mangga. Hindi ko na alam kung nasaan na ako. Wala pang saplot ang paa ko, basang-basa na rin dahil sa malakas na ulan. Mabilis ang pagtibok ng puso ko, kabadong-kabado sa ginawang pagtakas. Muling tumulo ang luha ng maalala ang mga pinagdaanan sa kamay niya. Tinakpan ko ang bibig dahil sa hikbing lumalabas. Sariwang-sariwa pa rin ang mga nangyari sa akin, ramdam ko pa rin ang bawat haplos niya sa katawan ko. Napatago ako sa puno ng makita ang mga kalalakihang naghahanap sa akin. Tumigil sila sa harap ng puno, hawak-hawak ang flashlight habang pinapalibot iyon sa paghahanap. Siniksik ko pa ang sarili sa puno para lang makatago. Ayokong makita nila ako! Ayoko ng bumalik sa kanya! Ayokong ng makita pa siya! Natatakot ako, takot na takot ako sa kanya! Hindi ko kakayaning makasama pa siya ng matagal! Tama sila, delikado siya! Masama siyang tao! Katulad din siya ng ama niyang marahas! Tama si Aling Rose, delikado ang pamilya nila! Bakit nahumaling pa ako sa binigay na scholar ng pamilya niya? Bakit hindi ko naisip na maaaring kasama siya sa scholar na iyon! Bakit hindi ko iyon naisip? Bakit sobrang kong tanga! I can't believe it happened to me! Kung sana...sana naniwala nalang ako sa mga sabi-sabi! Sana wala ako sa sitwasyong ito kung pinaniwalaan ko ang sarili! I am so naive! I am deceived by their faces! Masama sila! Tinago ko pa ang sarili para hindi nila makita. "Ano, wala diyan?" tanong ng isa. Basa na rin sila dahil sa ulan. "Wala e! Yari tayo kay senyorito nito!" Umiling ang ibang lalaki habang patuloy na naghahanap. "Hindi pwede! Kailangan natin siyang mahanap!" sagot ng isa. Napahinga ako ng malalim ng umalis sila habang naghahanap pa rin. Pinikit ko ang mga mata, pagod na pagod sa ginawa. Napaupo ako sa damuhan habang nahihilo, kumalam din ang sikmura ko dahil sa gutom. Niyakap ko ang sarili sa gitna ng kahirapan. Sinikap kong tumayo para makaalis na rin at makalayo sa lugar na ito. Ginawa ko ang pagtakas na ito dahil ayoko na siyang makasama. Masama siyang lalaki! Hindi niya manlang nirespeto ang p********e ko!  He forced me! He forced me to do that I don't want! He f****d me relentlessly! He took me every part of his condo! I felt like I am in hell and suffering my life. Maamo lang ang mukha niya pero demonyo siya! Masama siyang tao! Ayoko ng bumalik pa sa kanya. Ayoko na talagang makasama ang katulad niya. Ayokong pweni-pwersa niya ako sa lahat ng bagay! Ayokong maramdaman ang baliw niyang pagmamahal!  Baliw siya! Oo, baliw na baliw siya! Nalaman ko kahapon na may mental issue siya. He was diagnosed having obsessive love disorder! Nalaman ko ito ng marinig ko siyang kausap ang kapatid niyang babae sa phone. Nag-aaway sila habang malakas ang boses ng kapatid niya. I can even remember what they're talking about. "Kuya, you are just being obsessed with that woman! You don't love her! Akala mo lang mahal mo siya pero hindi! Stop fooling yourself and unchain that woman." his young sister said. Umiling si Vizier habang kuyom na kuyom ang kamao. "Hindi! Mahal ko si Chacel! Akin siya! Simula nung una hanggang sa huling hininga ng buhay ko, akin siya!" he said obsessively. Napatakip ako ng bibig dahil sa sinabi niya. Umiling ako habang unti-unting umaatras palayo sa pinto ng banyo. "You a mental issue, kuya! You are suffering obsessive love disorder! Mom let you to do want you want because she doesn't want to provoke you! Pero ako, kami ng mga kapatid mo ay hindi ka hahayaan! Pakawalan mo si ate Chacel, let her be free!" sagot ng kapatid niya. "Can you f*****g stop, Hermesia! You are boiling my blood!" madilim na sagot ni Vizier. Nanginginig ang tuhod ko habang umaatras palayo ng pinto. Umiiling-iling sa sarili, tinanong kung bakit ba ako napunta sa kanya! Bakit sa dinami-dami ng babaeng pwede niyang ganituhin, bakit ako pa! I'm a decent woman! I want to be free! Hindi ako aso o ano mang hayop na pwede niyang ikulong kung gusto niya! I have my own life!  "Kuya, please listen to us! You have to take medical treatment! Ikukulong mo lang si ate Chacel sayo! She doesn't want you! She has a life to work, hindi siya robot para gawin mo ito!"  Narinig ko ang pagkabasag ng kung anuman sa loob ng banyo. Sunod naman ay ang dumadagundong niyang boses. "f**k it, Hermesia Klaine! I said stop it! Hindi ko papakawalan si Chacel! Magpapakasal kami! Bubuo ng sariling pamilya at magsasama habang buhay! Kaya tigilan mo na ito, at hindi ako makikinig sayo!" he said thunderously. Iyon ang huling rinig ko bago mawala ang tawag. Kaya ngayon, gumawa ako ng paraan para makatakas sa kanya. He was just obsess with me! He doesn't love me! He doesn't even like me! Akala niya lang mahal niya ako pero hindi! He is suffering obsessive love disorder! Kaya ngayon sinisikap kong makaalis sa buhay niya, gusto kong magbagong buhay na hindi siya kasama. Natatakot ako sa maraming pwedeng mangyari. Natatakot ako sa pwede niyang gawin!  He is dangerous. Kahapon nalaman ko din na isa siyang tinaguriang merciless man. Nakipag-negosasyon siya sa Merciless Group Company para mas lalong lumaki ang pwersa ng CVHC. Nalaman ko din na siya ang pumalit kay Braze sa posisyon bilang president ng company. Kaya ngayon, mas malawak ang kapangyarihan niya dahil sa family business nila. At sigurado akong hihinge siya ng tulong sa MGC para hanapin ako! Nalaman ko din na dahil sa kanya ay bumagsak ang negosyo ni Rave, ang lalaking nangligaw sa akin noong senior high ako.  Lahat ng mga lalaking nali-link sa akin ay pinapatumba niya. Walang awa, walang puso kong tanggalan niya ng kayamanan. Pero sa lahat ng malalaman ko, mas lalo akong nagulat ng makita ang secret room niya sa condo. It was small it hiden from his library. Takip na takip ko pa ang bibig ng bumungad sa akin ang mga larawan ko simula grade seven hanggang sa nagtapos ako ng senior high. Ang daming stolen shot ko, yung iba sobrang linaw ng kuha. Napatakip ako ng bibig dahil sa huling larawan na nakita, it was me being naked in our bathroom back in Samar.  Tantya ko ay grade eleven ako sa larawan na iyon. Hubo't-hubad ako habang naliligo sa maliit naming banyo. Kaya pala hindi ako comfortable sa paliguan namin. Pakiramdam ko kasi parang may kakaiba kaya hindi ako komportable. Tapos ngayon malalaman kong mga larawan ako dito na collection niya, oh God! I can't believe this! Iyon rin ang nag-udyok sa akin na tumakas. Takot na takot ako sa kanya bilang lalaki. Lahat ng gusto niya ay binibigay ng magulang niya. Hindi manlang siya naghihirap pabagsakin ang taong ayaw niya! He was spoiled! Kaya ngayon, kung ano ang gusto binibigay! I want to live peace. I want to finish my study! I want to restart my life! Kahit hindi ko na kasama si papa at Jonesar. Ang sakit rin kasi ng ginawa ni papa! He sell me! He sell to this f*****g crazy man! Hindi ko lubos maisip na gagawin iyon sa akin ng sarili kong ama! Binenta niya ako na parang isang bagay! Para ano? Para sa pera? Para sa farm? Dahil amo niya ang magulang ni Vizier? Ganoon ba? Kaya niya ako binenta sa lalaking iyon ah? B-bakit? I feel so betrayed because of my father! I feel so weak when I knew about it! He just sell me for worth of fifty million pesos! Seriously? Sarili mong ama, ibe-benta ka na parang bagay? f**k it! Hindi ko kakayanin makita siya! Sila ni papa! They make my life miserable! Father betrayed me, and Vizier harassed me! Ayoko na silang makita, kukunin ko lang ang kapatid ko pagkatapos ay lalayo kami! Lalayo kami sa mundo nilang magulo. Huminga ako ng malalim bago naglakad kahit pa nanghihina. Nilakasan ko ang loob habang tinatawid ang kalsada. Humupa na ang ulan pero nilalamig pa rin ako. Niyuko ko ang ulo para hindi makita ng mga tao. Ang sakit na rin ng mga paa ko dahil wala akong suot na tsenelas. Ginaw na ginaw ako, sumasabay pa ang malamig na simoy ng hangin. Nakalabas ako sa syudad ng Makati, pero hindi ko rin naman alam kung anong lugar na itong binabagtas ko. Ang sakit na rin ng tiyan ko dahil sa gutom. Sa ilang oras na paglalakad, may nakita akong isang bakery. Mas lalo akong ginutom ng makita ang mga tinapay na mainit pa. Lumapit ako doon at nahihiyang tumingin sa tindera. May lalaking nasa gilid ko at namimili rin ng tinapay. Tinatagan ko ang loob bago magsalita. I form a smile. "A-ate, pwede po ba akong humingi ng tinapay? Kahit isa lang po…nagugutom na po kasi ako e," nanghihina kong sabi. Tumaas ang kilay ng babae at alam ko ng hindi ito magbibigay.  "Naku naku hija, kay bago-bago ng tinapay ko tapos hihinge ka lang! Buena mano ka dai!" mataray niyang sabi. Napahinga ako ng malalim, muling kumalam ang sikmura. Yumuko ako at nawalan ng pag-asa. Pinagmasdan ko nalang ang mga tinapay na labis na nagpapatakam sa akin. Hindi ko na kaya! Gusto ko ng kumain! Nagugutom na ako! Naramdaman ko ang titig ng lalaking nasa gilid ko. "Miss, anong gusto mo?" tanong ng lalaki. Napaangat ako ng ulo sabay baling sa morenong lalaki na katabi ko. Nagkatitigan kami, ngumiti siya. "A-ano?" mahina kong sabi. He smile genuinely. "Ano ang gusto mong kainin?" tanong niya ulit. Napalunok ako, nahihiya pa sa kanya. Naku, ang bait naman niya. Bakit niya ako bibigyan ng pagkain? Akala ko, karamihan sa mga tao ay madamot na! Hindi pa pala!  I smile weakly. "Bibilhan mo ako?" He nodded. "Oo. Sige na, pili ka. Ako na magbabayad." banayad niyang sabi. Sumigla ang puso ko sa tuwa. Mabilis kong tinuro sa kanya ang pande n***o na tinapay. Ngumiti pa siya habang sinasabi sa tindera ang gusto ko. "Sige ate, bigyan niyo kami sa halagang singkwenta." sabi ng lalaki. Mabilis na tumugon ang babaeng tindera. Masayang-masaya ako dahil mabait siya at binigyan niya ako ng tinapay na pwedeng kainin. Akala ko, matutulog ako sa gabing ito na gutom. Hindi pa naman ako pinapabayaan ni Vizier pagdating sa pagkain. Tinanggap ni kuya ang tinapay pagkatapos ay hinarap ako. "Gusto mo rin bang magkape? Hehe, alam kong dis-oras na ng gabi kaya hindi tamang magkape pero ikaw, baka gusto mo? Malamig kasi ang panahon tapos kakaulan palang." mabait niyang sabi. I smile genuinely. "Sige, magkape tayo." sagot ko. He sighed and nodded. Nauna siyang naglakad sa akin. Sumunod ako sa kanya, hindi ko alam kung saang parte na kami ng lugar. Pumasok kami sa parang eskwater na lugar, sumunod pa rin ako kahit pa medyo nahihiya dahil sa mga taong nakatingin sa amin. Hinayaan ko nalang iyon at sumunod nalang kay kuyang mabait. Sa ilang oras na paglalakad, huminto kami sa maliit na bahay. Binuksan ni kuya ang pinto at pinapasok ako. Napansin ko ang kaliitan ng loob. Kulang sa gamit at parang isang boarding house lamang ito. "Boarding house ko lang ito. Hindi ako nakatira dito pero dahil nag-aaral kaya dito ako napadpad. Punta tayo sa maliit kong kusina, doon tayo kumain." he said gently. Tumango ako at sumunod sa kanya. Nilapag niya ang supot ng tinapay sa lamesa. Nakita ko naman siyang gumagawa ng kape. Umupo ako sa upuan at hinintay siyang matapos sa pagtimpla ng kape. Nilibot ko pa ang mata sa kabuohan ng boarding house niya. Saktong-sakto lang sa kanya ang bahay na ito. Maayos naman at masasabi kong organized siya. Nilapag niya ang kape sa harap ko pagkatapos ay umupo na rin sa upuan niya. Nagkatitigan kami, ngumiti siya. Nilahad niya pa ang kamay bago magpakilala. "Chico Lactamayo, second year college and a working student. Ikaw, ano ang pangalan mo?" he introduced. Tinanggap ko ang kamay niya bago magsalita. "Vanny Arraz." pagpapakilala ko. Hindi ko sinabi ang ginagamit kong pangalan. But it's my name though. He smile sweetly. "Oh, hi Miss Vanny. Kanina parang gutom na gutom ka, hindi ka pa ba kumakain?" he asked concernly. Napayuko ako habang hiyang-hiya sa sarili. Yes, gutom na gutom ako. Oo, tumakas ako sa isang baliw na lalaki. Oo, hindi ko na alam ang gagawin! Masisiraan na rin ako ng ulo kapag magpatuloy kaming magsamang dalawa! Hindi ko na alam!  "O-oo e, wala kasi akong kain." mahina kong sabi. He sighed. "Vanny, mabait akong tao. Mapagkakatiwalaan din ako kaya ang gusto ko lang ang maging totoo ka sa akin. Pwede mo bang sabihin ang nangyari sayo?" seryoso ang boses niya. Napalunok ako, umatras ang dila. Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo? Tama bang ipaalam ko sa kanya ang totoong nangyari sa akin? Pero kasi, pinatuloy niya ako dito at binigyan ng pagkain kaya sigurado akong mabait siya. Pwede ko naman sigurong sabihin sa kanya? Napahinga ako ng malalim bago tumango. "Tumakas ako. Naglakas-loob akong umalis sa lalaking iyon. Ginawa ko ang lahat para makalaya at makaalis sa kanya. Delikado siyang tao! Masama siya! Baliw rin siya! He forced me to do what he wants! Kaya ngayon, nagsumikap akong makaalis sa kanya kasi ayoko na! Natatakot na ako sa kanya!" nagsimulang tumulo ang luha ko. Nakita ko ang gulat sa mukha niya. Yumuko ako para itago ang umiiyak na mukha.  "Pwede ko bang malaman kung sino ang lalaking tinutukoy mo?" he asked. Napalunok ako, pinahid ang luha bago humarap sa kanya. Awang-awa ang mukha niya sa akin. Napahinga ako ng malalim. "Si Vizier Costiño." mahina kong sabi. Umawang ang labi niya, hindi makapaniwala sa sinabi ko. Nanlaki rin ang mata niya habang nakatingin sa akin. "Oh Jesus Christ! Ikaw 'yon! Ikaw yung nasa news kanina!" he said unbelievably. My eyes widened. What? Ako nasa news kanina? What the hell? Ginawa talaga ni Vizier iyon? Pinabalita niya pa ako sa publiko! Nababaliw na talaga siya! Baliw na baliw na talaga siya! "B-bakit?" tanong ko. He sighed. "Hindi mo ba alam?"  Kumunot ang noo ko. "Na ano?"  "May nakapatong na fifty million sayo! Iyon ang pabuya ni Vizier Costiño sa kung sino mang makahanap sayo!" sabi niya. Ngayon, ako naman ang nagulat. Oh God! Kaya pala pinagmamasdan ako ng mga tao kanina! Oh s**t! s**t! s**t! Siraulo talaga siya! Baliw!  "P-please wag mo akong isusuko sa kanya. Parang awa mo na…" mahina kong sabi habang nagsisimulang tumulo ang luha. Napatitig siya sa akin ng matagal.  "Kaya naman pala mababaliw ang lalaking iyon sayo e, ang ganda mo!" he compliment. I sighed heavily. "Okay sige. Hindi kita isusuko, alam ko naman na may rason ka kung bakit mo siya tinakasan. Pero sa oras na mabisto tayo ng walang pusong lalaking iyon, protektahan mo rin ako. Kilala ko siya, Vanny. Walang awa iyon sa mga lalaking nagkakagusto sayo. Kahit nga ma-link lang halos pumatay kaya sa oras na mahuli ka niya na kasama ako, ikaw na ang bahala sa akin." paalala niya. Napapikit ako ng malalim. Oh Jesus Christ! Ano bang pwedeng kong gawin para matanggal ang kabaliwan ng lalaking iyon! Sigurado akong sa oras na makita kami ni Vizier, ipapapatay niya 'to! Ayokong mawala ang buhay ng inosenteng ito! Mabait siya sa akin kaya kailangan ko rin siyang protektahan laban sa lalaking iyon! "Sige. I will protect you no matter what." mahina kong sabi. He sighed and nodded. "Kumain na tayo. Anong gusto mo, kanin o tinapay? May naiwan pa akong kanin dyan at ulam, baka gusto mong kumain muna bago sa tinapay?" tanong niya. Napangiti ako. Ang bait niya! "Kakain muna ako." sagot ko. Ngumiti siya bago tumayo. Nakita kong kumuha siya ng plato at panandok sa kaldero. Pinanood ko lang siya habang pinaghahandaan ako ng pagkain. Nang malagyan ng pagkain ang plato ko, nilapag niya iyon sa harap ko. Ngumiti ako at nagpasalamat. Nilibot ko muna ang kusina niya, may nakita akong maliit na pintuan doon. Ano 'yun? Daanan palabas ng kusina? Umiling ako at kumain nalang. Paupo na sana si Chico sa upuan niya ng biglang may kumatok. Nanlamig ang katawan ko kahit pa hindi alam ang panauhin. Kumunot ang noo ni Chico habang nakatingin sa pintuan niya. "Sino naman kaya 'to? Hindi ko naman pinapapunta ang mga kaklase ko ngayon ah!" aniya Chico. Napalunok ako, kinabahan na agad.  "Teka lang ah, dyan ka lang. Tignan ko, baka kung sino pa!" he said. Tumango ako. Umalis siya at naglakad papunta sa pintuan. Tumayo na rin ako at hinanda ang sarili. Tumingin muna siya sa peephole ng pinto, nakita kong nanigas ang katawan niya habang hindi makapaniwalang tumingin pabalik sa akin. Lumapit siya habang hindi mapakali. Kinuha niya ang susi at binigay sa akin. "Makinig ka, buksan mo ang pinto sa kusina at lumabas ka doon. Lakarin mo ang masikip na daan, sa dulo no'n ay syudad ng Metro Manila. Magkita tayo sa labas ng SM, doon kita kukunin." nagmamadali niyang sabi. Naguluhan ako, nagtataka kung bakit kailangan ko pang umalis. "B-bakit?" tanong ko. Napahinga siya ng malalim. "Si Vizier Costiño ang nasa labas ng bahay ko. Galit siya at alam kong ikaw ang puntirya niya dito. Kaya sige na, mauna kang umalis. Susunod ako kapag hindi na siya maghinala pa." he said carefully. Tumango ako kahit pa nanginginig na ang katawan. Pinikit ko ang mga mata bago lumapit sa maliit na pinto. Binuksan ko iyon, tumingin muna ako kay Chico. "Salamat." mahina kong sabi.  He sighed and nodded. Lumapit na siya sa pintuan dahil sunod-sunod na ang pagkatok ni Vizier. Narinig ko pa ang sinabi ng baliw na lalaki kay Chico. "I believe my wife is here. Can I get her?"  Vizier said coldly and deadly. Mabilis kong sinarado ang pinto at tumakbo paalis sa lugar na iyon. Nanginginig ang katawan sa kaba at takot, tinatagan ang sarili habang tinatakbo ang panibagong landas ng buhay. Oh God, gabayan niyo sana ako. Kayo na po ang bahala sa akin! I run as fast as I can! I run away to the crazy man who chasing me! I run and never come back! --- Alexxtott
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD