LUMIPAS ang tatlong araw ay hindi naging madalinkay Andi na agad makalimutan si Philmar dahil nakikita niya ito sa BSU na palaging nakatingin sa kaniya na para bang gustong-gusto na siyang lapitan. Pero pilit niya rin itong iniiwasan. Pinipilit ang sarili na tanggapin ang katotohanan na hindi talaga sila ang para sa isa't isa. Hindi na siya aasa na maibabalik pa nila ang dati nilang samahan dahil sinira na nito ang tiwalang ibinigay niya rito. Kinuha na nito ang kasiyahang mayroon siya noong mga panahong nagagawa pa niyang ngumiti. Pag-uwi niya sa bahay nila ay agad niyang nilibang ang sarili sa mga gawaing bahay. "Ako na riyan, Andi." Biglang agaw sa kaniya ni Tope ng hawak niyang walis. At tulad ng dati wala na naman siyang nagawa kundi hayaan ito at dumeretso na lang sa kusina para mag

