Kinabukasan... Halos wala pang apat na oras ang tulog ni Meri. Paulit-ulit siyang nagising sa kalagitnaan ng gabi. Sa tuwing pipikit siya, bumabalik ang eksena sa rooftop. Ang halik. Ang tingin ni Andrew. At ang tanong nitong hanggang ngayon ay tila nakabaon pa rin sa kanyang dibdib. "Kung wala ka talagang kahit konting nararamdaman... bakit parang ikaw ang mas natatakot kaysa sa akin?" Napabuntong-hininga siya habang nakatitig sa kisame. Nakakainis. Dahil tama ito. At iyon ang dahilan kung bakit mas lalo niya itong gustong iwasan. Mabilis siyang bumangon mula sa kama. "Enough." Kailangan niyang maging abala. Kailangan niyang huwag isipin si Andrew. Sa kanyang condominium siya natulog. Iyon kasi a pinakamallapit na bahay na uuwian nya nang gabing iyon. Kasama niya ang k

