Hindi agad nakasagot si Meri. Sa simpleng “thank you” ni Andrew, Para bang hindi siya sanay na may taong nagpapasalamat sa kanya dahil lang sa… pagtitiwala. Naglakad sila sa loob ng parke na medyo tahimik na sa oras na iyon. “Ang OA mo,” sa wakas ay sabi niya, pilit pinapababa ang boses para hindi mahalata ang kabog ng dibdib niya. “Para namang ang laki ng ginawa ko.” Anito. Nakatingin si Andrew sa unahan, sa mga ilaw na nakasabit sa puno. “Hindi, maliit ‘yon para sa akin,” sagot nito. Napahinto si Meri sa paglalakad. Si Andew rin ay huminto, ilang hakbang at lumingon sa kanya. Nang sandaling ‘yon, parang lahat ng ingay sa paligid nila ay nawala. Wala na yung mga tao, wala na yung kotse sa malayo, wala na kahit yung hangin. Siya at si Andrew lang. “At bakit?” tanong niya, mas ma

