CHAPTER SEVENTEEN

1000 Words

Nakatitig na naman ako sa kisame ng kwarto na kinaroroonan ko ngayon. Hindi ako inaantok, dahil siguro sa haba ng itinulog ko kanina sa ospital na 'yon. Hindi ko rin maalala kung ano ang pangalan ng ospital na 'yon. Ni hindi ko nga alam kung anong lugar ba ang pinuntahan namin kanina. Balak ko sana ay i-search ko kung may lalabas ba na impormasyon tungkol sa ospital na 'yon. Mas lalo akong naging interesado sa ospital na 'yon dahil siguro sa napanaginipan ko na mukhang sobrang makatotohanan. Gusto ko na ngang alisin 'yon sa isipan ko dahil alam ko naman na panaginip lang talaga, pero hindi ko alam kung bakit nananatili pa rin na naiisip ko ang tungkol doon. Kahit tuloy sa malaking bahay na ito ay nakakaramdam ako ng takot. Siguro takot lang ako matulog dahil baka managinip na naman ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD