[BRICKELL DMITRI’S P.O.V.] Nakabalik na kami ngayon sa palasyo. Hindi na tuluyang sinira pa ni Reign ang dimensyon dahil nakiusap sa amin ang bantay. Lalo na at marami ang mga nakakulong doon na delikadong mga nilalang. Makakawala lang sila sa oras na masira ang dimensyon. Tutal iisa na rin naman ang bantay, kaya hinayaan na namin. “Hey, Dmitri! I have been waiting for you for so long!” sigaw agad ni Devillina. Saka niya ako mabilis na nilapitan at niyakap. Nagulat din ako sa kaniyang ginawa. Mukhang hindi niya pa napapansin na nasa likuran ko ang aking Ama at mga magulang ni Reign. Agad ko namang inalis ang pagkakayakap niya mula sa katawan ko. “What the heck are you doing to me?” reaksyon ko naman sa ginawa niya. Napatingin naman ako sa mga magulang ni Reign na kakaiba na ang tingin

