Naiinis ako! Girls pa ang tawag?!
"Hindi ko alam kung anong pumasok diyan sa mga utak niyo at nagsabunutan pa talaga kayo! For ducking sake! College na kayo. Magkaibigan pa!" Napapikit nalang ako sa lakas ng boses ni Samantha, ang President namin sa SSC.
Magkaharap kami ngayon sa loob ng office niya.
"Excuse me, hindi ko kaibigan yang babaeng yan!" Agad na napadilat ako ng mata at napatingin kay Prime. Aba! Nagdedeny ka ah, tingnan natin.
"Ayaw mo akong kaibigan kasi gusto mo akong maging jowa? Tama ako diba?"pang-aasar ko sa kanya.
Agad namang nanlaki ang mata niya at akmang susugurin ako ng biglang pigilin siya ni Samantha.
"Pwede bang tigilan mo ko dyan sa jowa jowa mo! BWESIT KA! NANDIDIRI AKO! "pahabol na sigaw niya habang sinusubukang kamutin ako. Todo layo naman ako sa kanya para di niya maabot.
"Asus!"
"TANG-INA NAMAN OH! PWEDE BANG TIGILIN NIYO AKONG DALAWA! ANG TANDA TANDA NIYO NA! SAKIT NIYO SA ULO!" Malakas na sigaw ni Sam na nagpatigil sa amin.
"Umupo kayong dalawa!" Sigaw na dagdag niya pa at iminuwestra kaming paupuin. Agad-agad naman akong umupo para hindi na siya sumigaw pa. Piste, ang sakit sa tenga!
Agad rin namang umupo si Prime at parang tuod na nakaupo lang.
"Hindi ko gusto 'tong nangyayari ngayon kaya ayusin niyo na. Sino ba ang nagsimula ng g**o at umabot kayo sa awayang ganito?"seryosong tanong ni Sam sa amin na ikinatingin ko kay Prime. Tinaasan niya ako ng kilay kaya napakurap ako.
"Hindi ako ang nagsimula. Nananahimik ako ng asarin niya ako," sagot ni Prime na ikinapanlaki ng mata ko. Aba piste!
"Hoy! Di ako ang nagsimula. Di kita inasar. Nananabunot ka lang bigla!" Pagkaklaro ko. Di ko naman talaga siya inasar eh, asar na ba yun?
"Aba, hoy bobitang babae na mabaho ang paa, inasar mo ko. INASAR MO KO! Nung isang araw pa!" Sagot niya naman pabalik sa akin. Nakita kong nagpabaling-baling ang tingin ni Sam sa amin.
"Hindi kita inasar! Asan pang-aasar dun?" Wika ko habang tinataasan siya ng kilay.
Nakita kong namula ang pisngi niya at napapikit, "Hinalikan mo ko!"
"Wtf?! Hinalikan mo siya?!" Malakas na singit ni Sam na ikinalingon namin sa kanya. Big deal yun?!
"Oo, ganito kasi yun, gusto niyang ipatikim lipsticks niya. Kaya lumapit ako. Kaso di ko naman sinadyang napatid ako nung unan, kaya ayun, nadiretso labi ko sa labi niya," pagsisinungaling ko na ikinapanlaki ng mata lalo ni Prime.
"Wag kang magsalita, pinsan. May aaminin ka sa akin mamaya," pagpipigil niya kay Prime sa pagsasalita. Naurong naman agad ito. Pinsan?
"Ano pa sunod na nangyari?" May ngiti sa labing tanong ni Sam na ikinapangunot ng noo ko. Maisyu to.
"Ayun, umalis agad siya, diring diri," sagot ko. Yun naman talaga totoong nangyari diba?
Hinarap ni Sam si Prime at nakita kong kinindatan niya ito.
"Di ko naman alam na nakafirstbase ka na pala sa kanya, insan. HAHAHAHAHAAH!" Mas lalo akong nagtaka kasi di ko naman siya pinsan at di naman ako ang kaharap niya.
"Sandali, anong pinsan?" Nagtataka kong tanong. Nilingon ko si Prime at nakayuko lang ito. Aba'y naloko na.
Ibinalik ko ang tingin sa kay Sam.
"Wala, wala. Sa library yung punishment niyo. Umayos kayong dalawa kung hindi pagdidikitin ko talaga yang mga mukha niyo. O siya, alis! HAHAHAHHA! " Tae!
"Teka, sin-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla akong higitin patayo ni Prime at kinaladkad.
"Halika na," malamig ang boses niyang sabi habang kinakaladkad parin ako palabas.
"Hoy insan, may utang ka sa akin. Kwento mo sa akin yung halik! Masekreto ka, nakafirstbase ka na pala! HAHAHAHAHA!" Rinig kong pahabol na sigaw ni Sam sa loob na mas lalong ipinagtaka ko.
"Anong firstbase? Anong halik?" Kuryosung tanong ko. Aba, piste parang nablangko ako sa pinag uusapan nila.
"Wala ka ng say doon. Tse!" Agad na binitawan niya ang kamay ko at dali-daling umalis. Hala, anyari dun?
Teka! Yung library!
"Hoy bakla! Yung library!" Malakas na sigaw ko pero parang hindi niya ito narinig at patuloy lang siya sa paglalakad. Piste!
"Wag mong tigilan, bibigay din yan. Lalaki yun! AHAHAHAHAAH!" wika sa akin ni Sam at dali-dali ring umalis.