Chapter 22

1025 Words
Maghapon na hindi nawala ang ngiti sa labi ko matapos ng pag-uusap namin ni Luke kanina. Pero hindi ko pa rin maiwasang mangamba sa ideya nya dahil alam kong matagal nyang pinaghirapan ang pagtuturo. Nagbuga ako ng hininga, niyakap ko ang sarili at sinipa ko ang batong namamahinga malapit sa aking paanan saka nilingon ang tahimik na karagatan. Hindi ba pwedeng maging selfish kahit minsan lang? Gustung-gusto ko rin na ipagsigawan kung anong mayroon kaming dawala pero natatakot akong mawala lahat ng pinagpaguran nya dahil lamang sa akin. Sa sitwasyon namin, pakiramdam ko hindi lang si Milka ang kaagaw ko sa kanya kundi pati ang mundong ginagalawan nya. Nagbuga ako ng hininga. Bakit parang mas naging magulo ang buhay ko nang hayaan kong pasukin ni Luke ang mundo ko? Gulat na nagbaba ako ng tingin nang maramdaman ang paggapang ng mga kamay sa aking baywang patungo sa tyan. Awtomatiko akong napangiti. Pero ito yung gulo na gustung-gusto kong maramdaman at hindi ko kayang kagalitan. "Ang lalim ng iniisip mo?" Hindi ko na kailangan pang tanungin ang nagmamay-ari ng tinig dahil kilalang kilala ko na ito. Si Luke lang naman ang mahilig gumulo sa pag-iisip ko, nariyan man sya sa malapit o wala. Ipinatong nya ang baba sa aking balikat saka mas hinigpitan pa ang yakap. "Anong iniisip mo?" Tanong nya dahilan para umiling ako. Hindi ko na kailangan pang sabihin iyon dahil alam kong gugustuhin lang lalo ni Luke na ipaalam ang relasyon naming dalawa kapag nagkataon. Hinawakan nya ang parehong balikat ko saka inikot paharap sa kanya. "Sandra, I am your fiancé," malamlam ang mga matang saad nya, "katuwang mo ako sa buhay. Kung may problema ka, ibig sabihin non may problema tayong dalawa. Don't burden yourself. I am here para maging sandalan mo," malambing na saad nya, ipinararamdaman sa akin na maaasahan ko talaga sya. I pinch his nose saka sya nginitian, "I am fine, okay? I just miss Mom. Nasaan kaya sila?" Nakaramdam ako ng kaunting lungkot, hindi dahil sa pagsisinungaling kundi dahil talagang namimiss ko na si Mommy. Itong kasing si Mommy mukha talagang hinayaan na ako sa pangangalaga ni Luke. Mula nang hindi nya ako payagan na umuwi sa bahay, hanggang nang bigla silang mawala ni ninang ay wala na akong balita sa kanya. She didn't even bother to call me. Akala mo wala syang anak na nag-aalala sa kanya. "They're fine, baby, don't worry. Let's enjoy this vacation dahil bukas ay uuwi na tayo," ani Luke saka marahang isinayaw ang aming katawan. Mukha kaming sira na sumasabay lang sa tunog ng paghampas ng alon at paghuni ng mga ibon. "Bukas?!" Gulat na tanong ko. Akala ko three days vacation? Tapos na agad yung three days? Ganon ganon lang? Parang nabwisit lang ako kay Milka tapos okay na? Tapos na yung tatlong araw? Tumango si Luke, hinawakan ang magkabilaang pisngi ko saka mabilis na ginawaran ng halik ang aking labi. "You have classes, baby, so I do. Masyadong maraming naghihintay makita itong gwapong asawa mo." "Masyado kang mahangin," nakangiwing tugon ko at hinayaan sya na muli akong ikulong sa kanyang mga bisig. Hindi ko alam kung paanong ipapaliwanag ang pagiging kalmado ng puso ko habang nararamdaman sya sa balat ko. Pakiramdam ko ay wala akong isipin ngayon, na kahit alam kong kasabay ng pagtatapos ng araw na ito at pagsalubong namin sa panibagong bukas ay maaring may magbago. Iyong pagbabago na pwede maganda o masyadong masakit para sa akin. I wanted this day to last. Kung pwede ko lang hilingin na sana hindi na matapos ang araw na ito at kung pagbibigyan man ako ay gagawin ko. "Why? Didn't I capture everyone's heart?" Nakangising tanong nya, nagmamalaki. Tumatawang ipinaikot ko ang mga mata, "Whatever, Luke, believe what you want to believe." "But do you know whose heart is my favorite?" Malambing na tanong nya. Bagaman wala pang sagot, masyadong makapal ang mukha ko at talagang inisip ko kaagad na ako ang tinutukoy nya. Bahagya kong niluwangan ang kanyang pagkakayakap saka nilingon sya nang may ngiti sa labi. Syempre, hinihintay ko talaga na sabihin nya ang pangalan ko no. "Milka's." "Bwisit ka," saad ko at buong pwersa na kinalas ang pagkakayakap nya sa akin. Mabilis akong humakbang paalis. Mabigat ang bawat naging paghakbang ko sa buhangin. Feeling ko talaga makakalbo ko si Milka kapag nakasalubong ko sya nang wala sa oras. Nakakabwisit. Milka pala ha. "Cassandra!" Tumatawang pagtawag nya pero hindi ko ito nilingon. Mawalan sana sya ng hininga kakahabol sa akin. Isusunod ko si Milka sa kanya kung sakali para masaya sya. Lintik silang dalawa. "Cassandra!" At tumawa nanaman sya. "Go to hell, Mr. Ashton!" Sigaw ko pabalik at ganoon na lang ako mapasinghap nang bigla ay hilain nya ang kamay ko. "I was just kidding." So feeling nya nakakatawa ang biro nyang iyon? E, kung sya kaya ang biruin ko na may relasyon kami ni Paul? Ewan ko lang kung hindi sya magbigti sa harap ko. Hinayaan ko syang dumadaldal nang dumaldal sa harapan ko habang pilit kong pinapakalma ang sarili. Hindi ko kasi makita si Milka at baka sya ang bigla ko na lang maibaon sa buhangin na kinatatayuan namin. "Anong gusto mong gawin ngayon?" Tanong nya nang hindi pa rin ako magsalita. Nanatili akong tahimik. Ipinagkrus ko ang mga braso saka diretso ang tingin sa dagat. Bukod sa lunurin sya ngayon ay wala na akong ibang maisip. Rinig ko nang magbuga sya ng hininga. "Ako, may gustong gawin," aniya dahilan para mabilis ko syang lingunin. Nagtaas baba ang kilay nya na tila ba may ipinahihiwatig. Ilang minuto yata akong nakatitig sa kanya bago ko tuluyang nagets ang gusto nyang iparating. "Manyak!" Salita ko saka ilang ulit syang pinaghahampas na sya rin namang iniilagan nya habang tumatawa. Nang mahuli ang parehong kamay ko ay sinsero nya akong pinakatitigan, "I'm sorry," aniya. From there, I can feel my heart melting. Bibihira sa lalaki ang humingi ng tawad at akuin ang dahilan ng pagsama ng loob mo kaya naman kahit hindi ko gustuhin ay mabilis kong napatawad si Luke. He hugged me for another time at halos lagutan ako ng hininga nang marinig ang boses sa aming likuran. "What's happening?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD