"What's happening? Why are you....." Nagpapalit-palit ang tingin sa amin ni Milka. She is looking at us as if we did something wrong. Iyon bang akala mo niloko namin sya, na ang kung ano mang nakita nila ay sinadya namin para saktan sya. O baka ganon na nga?
Baka nga sa mga puntong ito ay iyon ang gusto ko? Ang masaktan sya at makalaya sa ilusyon na binuo nya para sa sarili.
"Luke," she called him.
Luke is standing beside me. Naroon nanaman ang strikto nyang mukha habang nakatingin kay Milka.
"Mind explaining what we saw?" Milka demanded as if they were on a relationship. May ngiti sa labi nya pero ang panginginig sa tinig nito ay hindi nakaligtas sa aking pandinig. Gumuguhit ang lungkot sa mga mata nyang kahit anong pilit nyang pagtakpan ay hindi na maitago pa ang sakit.
Luke tap my shoulder, "thanks for today," aniya saka mabilis na naglakad paalis.
Tumingin sya sa akin, may ngiti sa labi ngunit maluha-luha ang mga mata bago nagpaalam at umalis para sundan si Luke.
Sa isang iglap, bigla akong nakaramdam ng awa para sa kanya habang pinanunuod si Milka na habulin si Luke.
"Anong eksena nyo?" Rinig kong tanong ni Melissa pero imbis na sagutin sya, nagkibit balikat ako at pumihit patungo sa kabilang direksyon at hinayaan ang sarili na malunod sa isipin.
Galit ako. Nagagalit ako kay Milka kapag nagpapansin sya kay Luke pero ngayon, habang nakikita ko syang naghahabol at binabalewala, parang mas nasasaktan ako para sa kanya. Dahil hindi naman dapat ganon. Hindi dapat. Alam kong hindi sya pinapaasa ni Luke at sya ang kusang umaasa, sya ang nag-iisip ng iba pero hindi ko lang maiwasang malungkot para sa kanya.
Nag-aagaw na ang liwanag at dilim nang muli kaming magkita-kita. Agad na nag-iwas ng tingin si Milka sa akin pero hindi non napigilan ang mga mata ko na mapansin ang namumugto nyang mga mata.
Nag-away ba sila? Sinabi ba ni Luke? Gusto kong magtanong pero parang hindi naman maganda na sinusungit-sungitan ko sya nitong nakaraan tapos ngayon ay magtatanong ako kung anong nangyari sa kanilang dalawa.
"Ano ba?! Bakit ba para kayong mga namatayan?!" Bulalas ni Melissa nang maabutan kaming nakaupo sa bonfire. Wala pa si Luke, kung nasaan sya ay wala akong ideya. "Last day natin ngayon, why not we dance and drink this night and your worries away?!" Dagdag pa nya saka inangat ang ilang bote ng beer na hawak.
Agad na nagdiwang si Paul at mabilis na kumuha ng isa't binuksan iyon. Nag-abot din ng tig-isa si Melissa sa amin ni Milka na pareho naming hindi tinanggihan.
"Umiinom ka?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Melissa sa kanya. Napapahiya syang ngumiti bago tumango.
Hinayaan namin sya. Sa pag-aakalang mataas ang alcohol tolerance nya pero nakaka-dalawang bote pa lang yata sya ay panay na ang pagsasayaw nito sa gilid. Sigaw nang sigaw na animo'y may malakas na tugtog syang naririnig.
"Milka, tama na yan," awat ko nang muli syang mga bukas ng isa pero nginitian lamang nya ako kaya mabilis kong sinenyasan si Paul ngunit maski ito ay walang nagawa. Masyado raw kasi ayang natatakot na mabastos si Milka kapag nahawakan nya ang anomang parte ng katawan nito. Ganoon sila kaingat sa kanya.
Mapakla akong napangiti. Nilagok ko ang kalahating laman ng bote na hawak saka pinanuod si Milka na paulit-ulit sumasayaw sa harap ni Paul.
"You know what...." Tumigil sya sa pagsasayaw saka isa-isa kaming binigyan ng makahulugang tingin. Nagtagal sa akin ang kanyang paningin at pakiramdam ko ay kinakastigo nya ako sa pamamagitan non. "Luke... He..." She paused saka parang tanga na ngumiti. "I like him so damn much," aniya. Halata ang pagkalasing aa tono ng kanyang pananalita.
Inilagay nya pa ang parehong kamay sa kanyang dibdib saka mataimtim akong tinitigan. "I will fight for him no matter what at alam kong gusto rin nya ako." Kampanteng saad nya, tila ba ipinapamukha sa kung ano man ang namamagitan sa amin ni Luke ay panandalian lamang.
But I know it wasn't because Luke wanted to give us a chance.
Pero hindi ko sinabi iyon. Nanatili iyon sa dulo ng dila ko kahit gusto kong ipamukha ang bagay na iyon sa kanya.
"Luke is mine and mine only!" Mas malakas na sigaw nya. Kung hindi lang sya lasing at hindi lang sya tumatawa, baka isipin ng iba na nakikipag-away sya sa amin dahil don.
"Of course, he's yours," si Paul ang nagsalita habang pilit na inaagaw ang kanyang iniinom. "Mr. Ashton is all yours."
"Heard that, Cassandra?" Pareho kaming nagkatinginan ni Melissa matapos nyang magsalita.
Nangunot ang noo ko habang sya ay matalim ang tingin sa akin. Sinabi ko bang naaawa ako sa kanya? Kung oo, pwes binabawi ko na. Hindi sya nakakaawa dahil ngayon nakakairita nanaman sya. Parang gusto kong ituloy ang pagsungalngal sa kanya ngayon. Nakakairita talaga.
"And you flirting with him won't make him break the wall he built for us. No one can break us even—"
"He's yours?" Matunog akong tumawa saka tumayo. Agad na hinawakan ni Melissa ang braso ko at inilingan. "Hindi ba ipinipilit mo lang naman ang sarili mo sa kanya?" Tanong ko at mas lalong lumapad ang aking pagkakangiti nang makita syang matigilan.
Mas lalong nangalit ang kanyang mga mata.
"Luke was never yours and will never be yours because in his eyes, you are nothing," saad ko dahilan para magulat sya pero panandalian lamang ang gulat na iyon nang iangat nya ang kanyang kamay pero bago pa man iyon lumapat sa aking pisngin ay naunahan ko na sya.
She tasted her all blood and all I could feel is the satisfaction while watching her cry helplessly. She wanted to put me in place? Now I—
"You are nothing to—"
"Cassandra!"
Natigil ako sa pagsasalita nang marinig ang aking pangalan at mula sa malayo, kitang-kita ko ang blankong mukha ni Luke habang diretso ang tingin sa akin.
Hindi ko malaman kung bakit pakiramdam ko nagagalit sya sa akin ngayon.
"L-luke." Pagtawag ko nang tuluyan syang makalapit ngunit imbis na pansinin ako, nilampasan nya ako at dumiretso sa ngayo'y nagdadramang si Milka. She's crying. As if naman sinapak ko sya o ano.
"You're drunk, I'll take you to your room," ani Luke na inagaw ang bote sa lasing na si Milka saka ito binuhat na animo'y bagong kasal.
"Luke, I too am," parang bata na saad ko, "Can you—" hindi ko na nagawa pang tapusin ang sasabihin. Pakiramdam ko ay umikot ang mundo ko habang pinanunuod ang blanko nyang mata na tignan ako mula ulo hanggang paa bago nagsalita.
"You can walk to your room, Cassandra. Excuse us."