CHAPTER 5
Neaj’s POV
"Sh*t!" Napamura ako habang paupo sa swivel chair sa opisina ko. Hindi ko mapigilan ang pagbalik-balik sa isipan ko ng nangyari kanina. Ang mga labi ni Analyn—mainit, malambot. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumayo ako at naglakad paikot sa opisina, sinasampal-sampal ang ulo ko. What the hell was I thinking?
Nakikita ko pa rin siya sa mata ko. Yung mga mata niyang puno ng kaba at excitement, pero alam kong pareho kaming natakot sa nangyari. Damn it, Neaj, mali ito. Napahinto ako sa tabi ng mesa at tiningnan ang reflection ko sa glass window. Para akong gago.
Naramdaman ko ang init sa ibaba. Tumayo ang manhood ko kanina habang magkatitigan kami ni Analyn. Napailing ako. Sh*t! Pinaikot ko ang kamao ko sa ere at sinuntok ang hangin, parang may pinagbubuntunan ako ng frustration.
“Neaj, control yourself. You’re better than this.” Pero kahit na anong pilit kong pigilan ang sarili ko, parang may puwersang humahatak pabalik sa kanya. Ang bango ng kanyang buhok, ang ngiti niyang parang sinisilaban ang puso ko, ang paraan niyang tumingin na parang may sinasabi, pero hindi niya kayang ipahayag.
Kanina, matapos ang nangyari, nakita ko ang pamumula sa pisngi ni Analyn habang nagmamadali siyang lumabas. Halatang litong-lito siya. She didn’t even look back, pero alam kong pareho kaming nagtatanong sa sarili namin—Ano ang ginawa natin?
Bumalik ako sa upuan at sinandal ang likod ko. "Sh*t," bulong ko muli. Hindi ko pwedeng hayaan na magpatuloy ito. Ako ang boss niya, at alam ko kung gaano kasensitibo ang sitwasyong ito. Isa lang ang pwedeng kalabasan kapag hindi kami naging maingat—kaguluhan. And worse, I could lose her—not just as my assistant, but as someone I care deeply about.
Kinuha ko ang telepono sa mesa at tinawagan siya. Tumunog ang phone, pero agad ko itong ibinaba. Ayokong ipilit ang sarili ko sa kanya. Kailangan niyang magpahinga, at kailangan ko ring magpahinga. I knew I had to set things straight, but how could I face her tomorrow?
Muling nagpaikot-ikot ang mga paa ko sa loob ng opisina, parang ayaw ng katawan kong umupo ng matagal. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Analyn bukas. Magiging awkward ba kami? O mas masama pa, baka mawala siya sa buhay ko.
I pressed my hands on my face, trying to shake off the feeling. “Mali ito,” sabi ko ulit sa sarili ko. Pero, sh*t, bakit parang hindi ko kayang magsisi? Bakit parang ang bawat oras na kasama ko siya ay isang bagay na hindi ko kayang bitawan? I’ve never felt this way about anyone—hindi sa kahit na sinong naging karelasyon ko noon.
May parte sa akin na gusto ko siyang tawagin at sabihin sa kanya ang lahat ng nasa isip ko. “Analyn, I’m sorry, pero hindi kita kayang itago sa sarili ko. Gusto kita. Hindi ko lang alam kung paano natin ito gagawin nang tama.” Pero parang napaka-selfish kong ipilit iyon sa kanya, lalo na’t alam kong pareho kaming naguguluhan pa.
Tumayo ulit ako at naglakad papunta sa bintana. Napatingin ako sa mga ilaw ng lungsod. Dati, ang tanawing ito ay nagbibigay sa akin ng katahimikan, pero ngayon, parang wala itong epekto. Walang saysay ang lahat kapag magulo ang isip ko.
I had to calm myself. Naisip ko na baka kailangan ko na siyang pauwiin. Kinuha ko ang phone at muling tinawagan siya. This time, sinagot niya.
“Sir?” Narinig ko ang boses ni Analyn sa kabilang linya, halata ang kaba.
“Analyn…” Hinawakan ko ang sariling boses ko, sinubukang magpakalmado. “Uhm… you can go home na. It's getting late. Rest up. I’ll see you tomorrow.”
“Okay, sir. Salamat po,” sagot niya. Pero sa tono niya, alam kong pareho kaming nag-iisip pa rin tungkol sa nangyari. Pareho kaming hindi mapakali.
Pagkatapos niyang ibaba ang tawag, naupo ako muli sa upuan at inilibing ang mukha ko sa mga palad ko. What the hell do I do now?
Mula sa labas ng opisina, narinig ko ang pagbukas ng pinto. Si Analyn iyon. Tumayo siya sa pinto at sandaling tumingin sa akin.
“Sir, aalis na po ako,” sabi niya, malumanay ang boses, pero may halong tensyon.
Tumayo ako mula sa upuan at tumango. "Okay, ingat ka, Analyn."
Bago siya umalis, nagkatitigan kami. May gusto akong sabihin, pero hindi ko alam kung paano sisimulan. Wala akong ginawa kundi ang magpakawala ng malalim na hininga.
"Analyn," tawag ko, bago siya makalabas nang tuluyan. Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako.
"Yes, Sir?"
Napatitig ako sa kanya, nag-aalangan kung itutuloy ko ang sasabihin ko. Pero kailangan kong malaman, kailangan kong magpakatotoo. “About earlier… I just… I’m sorry if I crossed the line. Hindi ko balak na mangyari ‘yon.”
Bumuntong-hininga siya, halatang nag-iisip ng sasabihin. “It’s okay, Sir. I understand. Pareho lang tayong nagulat.”
Tumango ako, pero ramdam ko na hindi pa sapat iyon. “I don’t want this to ruin anything between us. You’re important to me, Analyn. As my assistant… and as someone I respect.”
Umiling siya at bahagyang ngumiti, pero halatang may pag-aalinlangan. “Hindi po natin alam kung ano ang mangyayari, Sir. Pero salamat po sa pagiging honest. Let's just… take it one day at a time, okay?”
Huminga ako ng malalim at tumango. "Yeah, one day at a time."
Lumabas siya ng opisina, at iniwan ako na parang may kulang. Hindi ko alam kung paano ito magtatapos, pero alam kong hindi ko kayang bitawan si Analyn. Ang tanong lang—kaya ba naming harapin ang mga susunod na araw nang hindi nasasaktan?
Pagkaalis ni Analyn, halos sabay na bumukas ang pintuan ng building at pumasok ang matalik kong kaibigan, si Jake. Ibinaba niya ang shades niya at ngumisi ng parang may alam. Bumaba siya mula sa sports car niya na laging pinagmamalaki, at agad akong pinagtatawanan.
“O, pare, bakit parang litong-lito ka diyan?” tanong niya habang umaakto ng exaggerated na pagkakandarapa. Nakita ko ang pilyong ngiti sa mukha niya. Alam ko na kung saan ito papunta.
“Tumigil ka nga, Jake,” sagot ko, sinusubukang itago ang inis. Pero hindi pa rin ako nakatakas sa masamang pakiramdam ng nangyari kanina kay Analyn. Nakangiti si Jake, hindi pa rin tumitigil sa pangungutya habang naglalakad papalapit sa akin.
“Hahaha! Pare, seryoso ba ‘yan? Secretary mo ‘yan, di ba?” Natatawa niyang dagdag, akbay-akbay pa ako habang naglalakad kami papunta sa elevator. “Ano, may nangyari no? Sabi ko na nga ba eh! Huli ka sa akto, dude!”
Napailing na lang ako at pinilit na ngumiti. “Jake, seryoso ka ba? Wala kang alam,” sabi ko, sabay iwas sa tingin niya. Pero alam kong hindi siya titigil.
Tumigil kami sa harap ng elevator, at habang hinihintay namin itong bumukas, patuloy ang bunganga ni Jake. “So ano, hindi mo nakain ‘yung tahong ni Miss Analyn? Hahaha!” Tawa siya ng tawa, halos maghiyawan ang mga empleyado sa gilid ng hallway na mukhang naririnig ang pang-aasar niya. Hindi ko alam kung paano ko itatago ang namumulang mukha ko, pero talagang inis na inis ako sa kanya.
“P*tangina, Jake, tumigil ka nga!” Sabay irap at paglakad palayo nang pumasok na sa elevator.
Sumunod siya, bitbit pa rin ang mga pang-asar na komento. “Ahhh, nag-alangan ka, ano? Hindi mo kinaya. O baka naman nabitin si Miss Analyn, at ikaw naman, pare, left hanging!”
Bumuntong-hininga ako, alam kong hindi siya titigil hanggang hindi ko sinasagot. “Jake, wala talagang nangyari, okay? It was just… a moment. Pero hindi dapat nangyari.” Pagkaamin ko nito, sumeryoso si Jake kahit papaano, pero alam kong nakahanda pa rin siyang mang-asar.
Nag-ring ang elevator at bumukas, at sabay kaming pumasok. Nakatitig lang siya sa akin, pero alam kong naghihintay siya ng karagdagan pang detalye.
“Oo nga, sure, sure. Pero seriously, Neaj, ang awkward mo kanina. Parang nahulog ka na yata sa secretary mo, pare.” Tumingin siya sa akin, nakataas ang kilay. “Hindi na to basta trabaho, diba?”
Tumingin ako sa harap, pilit na iniiwasan ang tanong. Pero hindi ako makaiwas sa nararamdaman ko. Tama si Jake. It wasn’t just about work anymore. Hindi ko lang alam kung paano ko haharapin ito.
Pagdating sa floor ng opisina ko, naglakad kami palabas, pero si Jake hindi talaga nagpasindak. “Alam mo, Neaj, kung gusto mo talaga ‘yang si Analyn, eh bakit hindi mo na lang subukan? Ang tagal mo nang single, pare. Baka naman ito na ‘yung sign na kailangan mo.”
Pagtulak ko sa pintuan ng opisina ko, hindi ko na napigilan ang paglabas ng mga salita. “It’s complicated, Jake. She’s my assistant. Alam mo ‘yun? Kapag may nangyari na hindi maganda, hindi lang trabaho ang mawawala. Pwede akong masaktan… pwede rin siyang masaktan.”
Tumahimik si Jake, pero saglit lang iyon. “Tama ka, bro. Pero minsan, kailangan mong tanggapin ‘yung risk, lalo na kung sa tingin mo worth it siya. Eh ano ba talaga gusto mo, Neaj? Klaruhin mo nga sa sarili mo.”
Naupo ako sa swivel chair ko, sumandal at pinag-isipan ang mga sinabi niya. Alam ko naman kung saan patungo ‘to. There’s no denying the chemistry. It was there, obvious, and intense. Pero ang problema ay ang mga implikasyon ng desisyong iyon. Gusto ko si Analyn—more than I should. Pero paano kung hindi ito tama? Paano kung masaktan lang siya sa huli?
Naglakad si Jake papunta sa mini bar ng opisina ko at kinuha ang isang bote ng whiskey. “Neaj, relax. Kung ‘di mo kayang isugal ‘yung pakiramdam na ‘yan, baka hindi mo dapat habulin si Analyn. Pero pare, ikaw ang nakakakilala sa sarili mo. Kung sa tingin mo totoo ‘yang nararamdaman mo, ano pang hinihintay mo?”
Bumuntong-hininga ako at tumingin sa kanya. “Hindi ko alam, Jake. Hindi ko alam kung handa ako. Kasi kapag pumasok ako dito, walang balikan.”
“Walang balikan, ha?” Tumawa siya ng mahina at nilagok ang baso ng whiskey. “E di walang balikan, bro. Kaya nga exciting, diba? Hindi lahat may certainty. Pero minsan, ‘yung mga hindi mo inaasahan, ‘yun pa ‘yung may pinakamagandang kalalabasan.”
Tumayo ako at pumunta sa tabi ng bintana, tinitingnan ang mga ilaw ng lungsod sa ibaba. Gusto ko si Analyn, pero ang tanong—kaya ko bang harapin ang posibleng gulo na darating kung hahabulin ko siya? Kaya ko bang isugal lahat?
Tumawa si Jake mula sa likod. “Tingnan mo ‘yung sarili mo, pare. Ikaw na yata ang pinakamalakas na negosyante sa city na ‘to, pero isang babae lang ang nagpapalito sa’yo ng ganito. Ibig sabihin, malaki ang epekto niya sa’yo. And honestly? Bihira ‘yan, bro. Hindi lahat ng tao may ganitong chance. Kaya kung ako sa’yo, make the most of it. Sayang naman.”
Tahimik akong nakatayo sa harap ng bintana, pilit na hinihimas ang sentido ko. “Hindi ito ganun kasimple, Jake. Gusto ko siyang protektahan. Gusto ko na hindi siya masaktan.”
Naupo si Jake sa sofa, hawak ang baso ng whiskey at ngumiti. “That’s what makes you different, bro. Gusto mo siya, pero iniisip mo pa rin ang kapakanan niya. Kung totoo ‘yan, then maybe you should give it a chance. Basta sigurado ka na hindi ka lang natatangay ng init ng moment.”
Paglingon ko sa kanya, alam kong may tama siya. “Sige, Jake. Kailangan ko lang mag-isip.”
Tumango si Jake. “Ayos ‘yan, bro. Basta, kapag natuloy ‘yan, reserve mo ko ng slot sa kasal niyo. Hahaha!”
Tumawa na lang ako, kahit na alam kong seryoso ang usapan namin. “T*nga ka talaga, Jake.”
“Lagi naman,” sabay ngisi niyang muli. “Pero alam mo, bro, kailangan mo lang sundin ‘yung puso mo. Mahirap ‘yan, pero worth it.”
Pagkatapos ng usapan namin, naiwan akong nag-iisip pa rin. Si Analyn, si Jake, at ang buong sitwasyon—hindi ko alam kung saan ito patungo. Pero isang bagay ang sigurado: gusto kong alamin kung ano ang magiging resulta, kahit gaano pa ka-risky.