“Nag-enjoy din ang baby mo sa view,” sabi ni Ex. Behave si baby Elle na karga nito. Nakikitanaw rin sa bundok na tinatanaw nila. “Inaantok na yata kaya nag-behave.” Inilipat nito sa isang braso si Elle, sunod sunod ang turo ng kung ano ano sa paligid. Parang nakakaintindi naman na nakinig ang baby. Naaliw si Yarra. Mas na-appreciate niya ang ganda ng view ngayong hindi siya mag-isa. “Yarra?” “Hmn?” “Hindi mo nabanggit kung nasaan ang Mommy ni Elle?” Napa-exhale siya. “Wala na siya, Ex. Car accident. No’ng umalis kami ni Elle sa Maynila—sa bahay ni Ate Shalani to be exact, halos mahigit dalawang linggo pa lang `yon mula nang ilibing siya. Umalis kami ng bahay kasi dumating `yong biological father ni Ate Sha at kinukuha lahat ng naiwan niy

