Five

1031 Words
“HELLO!” Mula sa pagtitig kay Elle na dumedede sa feeding bottle, nag-angat ng tingin si Yarra. Si Ex naka-light brown na t-shirt at white shorts ang palapit. Nasa garden sila ni Elle nang sandaling iyon, sunset time.             Masarap mag-stay sa bakuran ng guest house nang ganoong oras. Nakaka-relax ang mga halaman at flowers ni Lolo Dolf na nakapalibot sa lugar. Sinilip muna ni Yarra kung walang tao, saka siya bumaba.             Mga ilang minuto nang tahimik niyang pinapanood na dumede si Elle. Aantok-antok na rin ang baby niya.             “Ex,” at ngumiti siya. “Akala ko wala kayo ni Lolo Dolf.”             “Akala mo lang `yon.”             “Oo nga, eh.”             Nagkangitian sila. “Busy ang baby.”             Bumalik ang tingin ni Yarra kay Ex. “Nagutom.”             Hinila ni Ex ang isa sa mga upuan, dinala sa tabi niya. Pagkaupo, pinanood pa rin si Elle. “Baka ngalay na ang braso mo. Akin na muna ang baby.”             “Sure ka? Baka busy ka. Nakakahiya naman—”             “Wala akong gagawin,” ang sinabi nito. “Tambay lang ako maghapon. Walang silbi sa mundo.”             Natawa si Yarra. “Sobra `yon. Parang hindi naman, eh.” Tumayo na siya para ilipat sa mga braso ni Ex si baby Elle. “Thanks…”             “Ayos lang,” ang sinabi ni Ex. “Gusto `tong little angel na `to.”             Bumalik si Yarra sa kinauupuan. Pinanood na niya si Ex na titigan si baby Elle. Parang aliw na aliw ang lalaki sa baby. Hindi na nito inalis ang mga mata sa baby. Nagka-chance tuloy siyang titigan rin ito.             Napansin tuloy ni Yarra na mas guwapo sa malapitan si Ex. Grabe din ang muscles, ang perfect. Ano kaya ang trabaho ni Ex? Model? Gym instructor? Kargador? Pulis or Army? Ang build kasi ng katawan, iba. `Yong parang dumaan sa hindi birong training or work out kaya perfect fit?             “Mag-girlfriend ka na kasi,” hindi namalayan ni Yarra na nasabi niya. “Para magka-wife ka na, tapos may baby na kayo.”             Saka lang nag-angat ng tingin si Ex, deretsong tumitig sa mga mata niya.             “Para kasing gusto mo nang iuwi si baby Elle sa titig ko kanina,” sabi ni Yarra at ngumiti.             “Mahirap mag-baby,” ang sinabi nito. “Hindi biro ang responsibilidad. Kung hiramin ko na lang kaya kayong dalawa?” dugtong nito at lumapad ang ngiti. “Kanino ba ako magpaaalam?”             Natawa na naman si Yarra. “For rent mother and child kami, gano’n?”             “Kung puwede lang naman,” si Ex uli, ibinalik na ang mga mata. “Para may may baby akong kalaro.”             “Parang gusto ka na nga agad ni Elle. Naghahanap yata ng muscles ng Daddy,” at magaang tumawa si Yarra. “Nagsawa na siya sa payat kong arms.”             “Nakakapagod mag-alaga ng baby, tama?”             “Sobra…”             “Pero masaya naman?”             Tumango si Yarra. “At fulfilling. Priceless `yong makikita mong naggo-grow siya. `Yong unang smile, unang hawak, unang tawa, `yong kalikutan niya, `yong pabago bagong oras ng tulog at laro. And dami ko rin natutunan…”              “Kung may chance na ibalik ang oras, gagawin mo pa rin ba ang ginawa mo?”             “Oo naman,” sagot niyang hindi nag-isip man lang. “Ako or si Elle, si Elle pa rin ang choice ko. Wala kasi siyang malay. Wala siyang laban sa mga gusto siyang saktan. Kailangan niya ng magpo-protect sa kanya—ako lang `yon,” huminga siya nang malalim. “Kaya wala akong regrets. `Yong life ko naman, puwede kong i-reset ulit `pag medyo malaki na siya. Ngayon, hindi pa talaga. Kailangan pa niya ako—kaya siya muna.”             “Ang tapang mo, Yarra.”             “Ang totoo, hindi,” sabi naman niya. “Pinipilit ko lang talaga na maging okay—kasi kailangan.”             “Magiging okay ka, sigurado `yan.”             “Sana talaga.”             “Kung kailangan mo ng tulong, tawag ka lang. Kung hindi kami gumagala ni Dolf, nasa kuwarto lang ako. Puwede mong iwan sa akin si Elle.”             Na-touch si Yarra. Masaya ang naging ngiti niya. “Thank you, Ex.”             “Maliit na bagay.”             Sabay lang silang tumingin kay baby Elle—na nakatulog na.             “`Hatid ko na ba kayo?”             “`Wag na muna. `Pag malalim na ang tulog niya. Baka magising agad, eh—kung okay lang sa `yo na mag-stay muna dito?”             “Walang problema.”             “Baka mangalay ka, Ex.”             “Sing-gaan lang ng papel `to,” sabi ni Ex, nakangiti. “Gusto mo, buhatin pa kita?” at nginisihan siya. “Sabay mo pa si Dolf.”             “Grabe,” natatawang reaksiyon ni Yarra. “Si Hercules ka ba?”             “`Di ko lang pinagkakalat.”             Nagkatawanan sila—na sabay din huminto agad nang ma-realize na magigising si Elle sa mga boses nila.  HINDI na nagawang bumalik ni Yarra sa pagtulog. Nagising nang madaling araw si baby Elle. Kailangan na niyang bantayan ito. Inabala na lang niya ang sarili sa pagtitig sa paglalaro nito habang pinalilipas niya ang oras. Gustuhin man niyang bumalik uli sa pagtulog, hindi na puwede. Ganoon pala kahirap ang mag-alaga ng anak.             Pagsilip pa lang ng araw, naisip na ni Yarra na sa rooftop na lang mag-stay. Hihintayin nila ni baby Elle ang pagtaas ng araw para sa regular na pagbibilad nila. Karga si Elle, nagpunta siya sa rooftop—naestatwa nga lang si Yarra sa unang hakbang palang niya papagitna sa rooftop. Hindi niya inaasahan ang ‘view’ na inabutan.             Si Ex na walang damit pang-itaas, puting manipis na soft pants lang ang suot, tumatagaktak ang pawis sa hubad na itaas habang animo ay mandirigmang nagsasanay gamit ang dalawang matalas na patalim at laban sa isang invisible na kaaway.             Ang huling stance kung saan nag-freeze ito ay nakatuon sa direksiyon niya ang dulo ng patalim na hawak ng kaliwang kamay nito, habang ang sa kanan ay sa anyong ibabato nito sa kalaban. Natulala si Yarra. Napakurap naman si Ex, bumakas ang gulat sa mga mata nang makita siya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD