Mula Davao International Airport naghiwa- hiwalay sila ng kanyang mga tropa. May mga uuwi ng Visayas Region at karamihan sa kanila ay uuwi ng Luzon. Kagaya niya na uuwi ng Manila kung nasaan ang kanyang mag-ina. Ang ilan naman ay sa Bicol Region. May mga uuwi ng Ilocos, Cagayan Valley at Cordillera province. "Bok, hindi ka mapakali diyan ah." nasa loob pa lamang sila ng eroplano ay ganoon na lamang ang kasabikan niya na mayakap at makita ang kanyang mag-ina. "Excited lang ako bok—whoaw.. Makikita ko na ang inaanak mo. At si Misis syempre," natatawang saad niya sa kaibigan niyang si Anton na kasamahan din niya serbisyo. "Mahal na mahal mo talaga si Phoebe ano bok?" ngumiti naman siya. Si Phoebe ang kauna-unahang babaeng minahal niya at ipinangakong siya lamang at wala ng iba. "Sobra pa

