Sino ba ang mag-aakala na sa isang pitik lang ng mga daliri, mabilis na magbabago ang takbo ng buhay ni Romina. Left with no choice, nagawa niyang pumayag sa gusto ni Sir Leandro. Ititira siya nito sa bahay nito sa Quezon. Malayo sa Makati. Ayos na rin sa kanya. At least, walang makakakilala, walang makakaalam kung saan siya nakatira. Higit sa lahat, mas lalong convenient sa parte ni Sir Leandro. Hindi malalaman ng mga tao na may buntis na babae itong ibinabahay. Gusto niyang tawanan ang ideya na pumasok sa utak niya. Para lang sa mga may mga relasyon ang salitang ibinabahay at 'di akma sa kanya dahil wala namang namamagitan sa kanila ni Sir Leandro. They just happened. Kung nagkataon, hindi sila aabot sa ganitong sitwasyon. Malakas siyang napabuntong-hininga at nilaro-laro ang palawi

