“Ilang presenter pa ba ang nakahanay?” Mahinang bumulong si Lean kay Arnold na nakaupo sa gawing likuran niya. Nasa Marco Polo sila kung saan idinaos ang annual convention ng civil engineering at architecture students. This convention was his brainchild. Inilaban niya sa lolo at ama niya, pati na sa board. Nasasayangan siyang masyado sa mga makabago at innovative na ideya sa pagpapatayo at disenyo ng bahay. “May apat pa,” pabulong na sagot din ni Arnold. Apat. Ang tagal. Habang nakikinig sa bawat presenter, panay naman ang tingin niya sa orasan. Gustong-gusto na niyang umuwi. He’d been glancing at his watch for the remaining hour. Ang ama niya na kasama niya bilang paannelist, napapasulyap na sa kanya. “Going somewhere?” Text nito sa kanya na sinagot niya naman ng hindi. Almost

