Episode 9

2158 Words
You're Not My Brother Episode 9 Gael Naiinis pa rin ako habang tinatahi ko ang mga butas ng uniform ko. Hindi naman maikakaila na si Red ang may kagagawan nito. Naramdaman ko ang kamay niya kanina. Pero para wala na lang mahabang usapan ay minabuti ko na hayaan na lang siya. Gawin niya kung ano ang gusto niya. Kung masaya siya sa ginagawa niyang pambubuwisit sa buhay ko ay pababayaan ko siya. Pero may hangganan din ang pasensya ko. Sana ay hindi na umabot sa punto na talagang mapipikon na ako sa kanya. Napahinga na lang ako ng malalim saka ko na sinikap na tapusin ang pagtatahi ng mga butas na parte. Hindi ko pa kayang bumukod sa mga sandaling ito dahil hindi pa ako nakakahanap ng trabaho. Sa ngayon ay kailangan ko lang munang tiisin ang pagka-childish ni Red kung gusto ko na manatili sa unit na ito. Pero sa oras na kaya ko na ay lalayasan ko ang siraulong lalaki na iyon. Habang tinatahi ko ang huling butas ay bigla na lamang pumasok sa isip ko ang nakangising anyo ng demonyito kong stepbrother. Natusok ko tuloy ng karayom ang daliri ko dahilan upang mapadaing at mapamura ako. Nagulat pa ako nang bigla na lang may humawak sa kamay ko. Mabilis niyang inilagay sa bibig niya ang daliri ko saka niya bahagyang kinagat upang lumabas ang dugo. Para naman akong tinamaan ng malakas na boltahe ng kuryente kaya mabilis kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Red. "Haist! Bakit ba kasi tinatahi mo pa yan?" tila frustrated na sermon niya. Tiningala ko siya saka ko sinalubong ang makahulugang tingin niya habang nakakunot ang noo niya. "Kagagawan mo to diba? Kung di mo ginupit hindi sana ako magtatahi." inis na sagot ko. "Uhh! Isa lang ba ang uniform mo? Bakit mo ba pinagtiyatiyagahan pa na tahiin yan?" muli ay parang nanenermon na sambit niya. Nailing na lang ako saka ko na ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Ilang sandali ang lumipas na nakatingin lang siya sa akin bago siya muling nagsalita. "Seryoso?" tila hindi makapaniwala na tanong niya. Hindi ko na lang siya pinansin. Ilang sandali pa siyang nanatili na nakatayo doon at pinagmamasdan lang ako bago siya nagpasya na pumasok na lang sa silid niya. Makalipas ang halos dalawang minuto ay muli siyang lumabas saka niya inilapag sa mesa ang tatlong polo niya. Napatingin ako sa mga iyon bago ako nag-angat ng tingin sa kanya. "Sayo na lang yan. Bago pa yan ah. Hindi ko pa naisusuot." tila maamong tupa na sabi niya pero nararamdaman ko pa rin ang kaangasan niya. Tumayo ako saka ko dinampot ang mga uniform na inilapag niya sa mesa. Kinuha ko ang isa saka ko siya sinulyapan. "Kukunin ko to. Ibalik mo na sa closet mo yung iba. Hindi ko kailangan yan." masungit na sabi ko. Dinampot ko ang lumang polo ko na puno ng tahi saka ko inihagis sa mukha niya. "Sayo na yan. Suotin mo kung gusto mo." sabi ko. Hindi ko na siya hinintay pa na makasagot. Naglakad na ako patungo sa silid ko bitbit ang bagong polo na galing kay Red. Isinabit ko iyon sa hanger sako ko ipinasok sa cabinet. Napalingon pa ako nang bigla na lang pumasok si Red. Dumiretso siya sa kama saka niya ibinagsak ang katawan niya doon. "Hindi ka ba kakain?" nakalabi na tanong niya saka siya nag-angat ng ulo upang sulyapan ako. Hinawakan niya ang tiyan niya saka niya iyon hinimas. "Nagugutom na ako." "Kumain ka sa labas. Marami ka namang pera diba?" sarkastiko na sagot ko saka na ako nagtungo sa kabilang dulo ng kama upang ayusin ang gamit ko na nakakalat doon. "Haist! Tinatamad ako na lumabas. Isa pa nakakasawa na ang pagkain sa doon." tinatamad na sambit niya. "Teka, marunong ka bang magluto?" tanong niya saka siya mabilis na bumangon at naramdaman ko na lang na nasa may bandang likuran ko na siya. Sinulyapan ko siya at ang seryosong anyo niya ang bumungad sa akin habang hinihintay ang isasagot ko. Hindi ko alam kung paano ako nauto ng lalaking ito pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na nagluluto na ako ng pagkain namin sa kusina. Nakaupo lang sa gilid ng mesa si Red at matiyaga niya akong pinapanood sa ginagawa ko. Dahil kulang na sa oras ay adobong manok na lang ang niluto ko para sa hapunan namin. Marunong akong magluto dahil bata pa lang ako ay madalas na akong tumutulong sa pagluluto ni Lola. Nagbukas din ng maliit na kainan si Tatay at ako ang katulong niya sa pagluluto at pag-aasikaso sa mga customers niya. Bigla ko tuloy siyang naalala. Ngayon na wala na ako doon, nakakaya niya kaya na mag-isa ang mga trabaho niya? Napahinga na lang ako ng malalim saka ko na inilapag sa mesa ang pagkain. Nakita ko naman ang tuwa sa mukha ni Red habang nakatingin doon. "Nagluluto ka ba lagi sa inyo? Nakakatakam ang amoy." aniya saka siya tumusok ng isang hiwa ng manok gamit ang tinidor. Nilantakan niya iyon saka siya natutuwa na tumingin sa akin. "Hmm! Sarap nito ah." Hindi ko na lang siya pinansin. Naupo na rin ako sa tapat niya at nagsimula na akong sumandok ng pagkain. Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang bigla akong tawagin ni Red. "Uh, Gael!" sabi niya. "Umm?" sagot ko naman habang patuloy ako sa pagkain. "Naisip ko lang. Let's make a deal. Ako na ang gagastos sa lahat ng kakainin natin dito pero ikaw lagi ang magluluto." Napahinto ako sa pagsubo saka ko siya pinagmasdan nang mataman. Napakurap pa siya bago siya muling nagsalita. "Naisip ko lang naman. Pwede ka naman tumanggi pero sana pumayag ka." Ilang sandali ko pa siyang pinagmasdan. Pinag-aaralan kung seryoso ba talaga siya. Tumango na lang ako saka na ako nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko na tatanggihan iyon dahil malaki rin ang maibabawas ng deal na ito sa mga gastusin ko. Saka para na rin makabawi ako sa mga kagaguhan sa akin ng mokong na to. "Ibig sabihin ba niyan, pumapayag ka na sa deal?" tanong niya. Hinarap ko siya saka ako sumagot. "Oo. Pero ikaw din ang mamimili. Magluluto lang ako." sabi ko. Matamis na ngiti naman ang isinagot niya sa akin. "Ikaw din ang maghuhugas ng mga pinagkainan natin" dugtong ko pa. Napangisi naman ako sa naging reaksyon ng mukha niya. ****** Nakahiga na ako sa kama nang bigla ay maisip ko si Red na nasa kabilang silid lang. Hindi naman pala talaga siya mahirap pakisamahan kagaya ng naiisip ko noon. Problema ko lang talaga sa kanya ay ang pagka-childish niya. Dahil sa pag-iisip ko sa kanya ay bigla na lamang sumagi sa isip ko ang pagkakataon na nagdala siya ng babae dito. Hindi ako nakatulog sa buong magdamag na iyon dahil sa nakita ko sa kabilang silid. Hindi ko inasahan na magdadala ng babae dito ang anak ng stepfather ko. Bumalik sa isip ko ang mga eksena na nabungaran ko dahil hindi naisara nang maayos ang pinto. Nakahiga sa ibabaw ng kama ang babae habang si Tor ay walang pang-itaas at nakadapa sa ibabaw ng babaeng halos litaw na litaw na ang mga dibdib. Hindi maikakaila na maganda ang babae. Sa ganda rin ng katawan nito ay hindi ko naiwasan na hindi humanga. Kahit na sinong lalaki ay maakit sa kanya. Pero hindi ako mahilig sa mga ganitong uri ng babae. Sa nakikita ko ay nasa isang dibdib na niya ang isang palad ng stepbrother ko habang nasa kabila naman ang mga labi nito. Napasulyap ako sa lalaking nasa ibabaw. Maputi si Tor. Malapad ang mga balikat at makinis ang balat. Hindi siya maskulado pero maganda ang hubog ng likod niya. Ilang sandali pa ang lumipas. Napako na ako sa kinatatayuan ko. Kung sa ibang pagkakataon lang ay kanina pa ako umalis. Pero napuno ako ng curiousity sa mga sandaling ito. Hanggang sa mapasulyap sa gawi ko ang babae. Malakas siyang napasinghap kasabay ng marahas na pagtulak niya sa lalaking nagpapala sa mga dibdib niya. Nataranta naman ako saka ko mabilis na isinara ang pinto. Napangiwi pa ako nang mapalakas ang pagsara ko. Mabilis akong tumakbo sa kabilang silid at ini-lock ko iyon. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang hinihintay ko ang marahas na pagkatok ni Tor. Ngunit lumipas na ang halos kalahating oras ay hindi pa rin nangyayari ang inaasahan ko kaya nakahinga ako ng maluwag. Gayunpaman ay nagpasya ako na huwag na munang lumabas ng silid hanggang sa nakatulog ako. Kinabukasan ay nagising ako sa tunog ng alarm clock. Pinatay ko iyon saka ako nag-unat ng katawan. Bumangon ako mula sa kama saka ko na hinablot ang tuwalya ko mula sa rack. Pinakiramdaman ko muna kung may tao sa labas bago ako lumabas. Napako ang tingin ko sa saradong pintuan ng kabilang silid. Nasa loob pa rin kaya si Tor at yung babaeng kasama niya? Kapag bigla siyang lumabas at naabutan ako dito ano ang sasabihin ko? Muli na naman akong nailing saka na ako mabilis na pumasok sa banyo. May klase ako ngayong umaga pero hindi ko kailangan magmadali dahil kahit puyat ako ay maaga akong nagising. Hanggang sa makapagbihis ako ay panay pa rin ang sulyap ko sa pintuan ng kabilang silid. Lumapit pa ako doon saka ko idinikit ang tenga ko ngunit wala na akong marinig na kahit na anong ingay sa loob. Napailing na lang ako dahil sa itinakbo ng isip ko. Hinila ko ang unan saka ko itinakip sa mukha ko. Sinikap ko na makatulog hindi ko naalala na may quiz pala kami kinabukasan. ****** Nagrereview ako para sa quiz nang bigla na lamang may umupo sa harapan ko. Nag-angat ako ng tingin at ang nakangiting mukha ni Kevin ang bumungad sa akin. "Maaga ka ngayon ah." sabi niya. "May quiz kami ngayon.," sagot ko naman saka ako nagpatuloy sa pagbabasa. Kahit papaano ay nakapagreview naman ako kahapon. Binabalikan ko lang ngayon dahil baka makalimutan ko mamaya. Naramdaman ko na may inilapag si Kevin sa mesa malapit sa kamay ko. Napatingin ako doon. Isang plastic container iyon na naglalaman ng fried rice at ulam. "Hindi ka mabubusog diyan sa kinakain mo." sabi niya. Napangiti naman ako. Hindi pa rin talaga nagbabago si Kevin. Kahit noong senior high kami ay palagi na niya akong hinahatian sa baon niya. Kaya malaki ang naging pasasalamat ko dahil dito rin siya sa university na ito nag-aral. Dahil hindi naman ganun kayaman ang pamilya nila ay nagpasya siya na magtrabaho para matustusan niya ang mga personal na luho niya. "Baka naman pwede pa ako doon sa pinapasukan mo ngayon?" bigla ay naisip ko na itanong sa kanya. "Kailangan ko ng trabaho." "Umm.." aniya saka siya sumulyap sa akin. "Aalis na ako doon. Masyadong late na ako nakakauwi. Sa coffee shop ako nag-apply. Sasabihan kaagad kita kapag nakapasok na ako doon. Tatapusin ko lang itong cut off sa bar na pinapasukan ko. Nung nakaraan pa dapat ako nakaalis doon. Kaya lang ay nagkasakit yung kasamahan ko kaya na-extend ako." Tumango na lang ako saka ko na kinain ang pagkain niya. Dahil mas maaga ang pasok niya ay nauna na siya sa classroom niya. Naiwan ako na abala pa rin sa pagrereview nang lapitan ako ng tatlong lalaki. Kilala ko sila. Classmate ko sila. Si Jojo at ang mga kaibigan niya. Umupo sila sa mismong kinaroroonan ko. Inakbayan pa ako ni Jojo saka siya bumulong. "Bakit ka mag-isa? Wala yata yung boyfriend mo?" tanong niya. Alam ko na anh tinutukoy niya ay si Kevin. Dahil wala naman akong ibang kinakausap at nakakasama dito sa school kundi siya. "Hindi ko siya boyfriend. Gusto mo ba siya? Irereto kita sa kanya?" sarkastikong sagot ko dahil hindi ko nagugustuhan ang tabil ng dila niya. Kahit sa classroom ay puro katarantaduhan ang mga lumalabas sa bibig nila. "Gago, ano ako bakla?" mayabang na tanggi niya. Nagtawanan ang mga kasama niya. Napailing na lang ako saka ko na iniligpit ang mga gamit ko. Tumayo ako at akma nang aalis nang hawakan niya ako sa braso. "Pakopyahin mo kami sa quiz. Kundi babasagin namin yang matigas mong pagmumuka." banta niya sa akin. Marahas kong binawi ang braso ko saka ko siya sinagot. "Kung gusto mong pumasa, magreview ka. Hindi ako nagpapakopya." Tinalikuran ko na sila pero isang malakas na tadyak ang tumama sa likod ko dahilan upang bumagsak ako sa damuhan. Kung hindi ko naiharang ang mga braso ko ay ang mukha ko ang sasadsad doon. "Yabang mo ah. Kaya mo na ba ha?" maangas na banat niya saka nila ako pinagtatadyakan. Hinaharang ko ang mga braso ko upang hindi tamaan ang katawan ko pero tatlo sila. Ilang sipa at tadyak pa ang inabot ko bago ko naramdaman na may mga sumasapak na sa kanila. Masakit ang katawan ko pero sinimulan ko nang bumangon at nakita ko na lang na duguan na sina Jojo. Ginulpi sila ni Red at ng kasama niya. Si Kazu naman ay inalalayan ako na makatayo kasunod ng malakas na pagpito. Dinala kaagad ako ni Kazu sa clinic samantalang si Red at ang iba pa ay dinala sa office of the prefect of discipline.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD