Mabilis ang aking pagtakbo habang ang mga luha ay lumalandas sa pisngi. Nanlalabo ang aking mga mata. Pinupunasan ko ito gamit ang likod ng aking kamay. Humikbi ako. Nanghihina ang tuhod sa sobrang takot sa mangyayari. Ni walang iniindang sakit noon si Daddy at kahit noong malayo kami sa isa't isa ay wala akong nababalitaan na may sakit siya. Pinindot ko ang elevator ng hospital gamit ang nanginginig at basa kong kamay. Mabilis akong pumasok nang bumukas ito. Agad na pinindot ang sinabing number ng receptionist kanina. Hindi mapakali habang pinapanood ang pagdagdag ng bilang ng number sa may itaas. Hindi ko na maramdaman ang pagsakit ng ulo ko sa labis na kaba. Kung kanina inaantok pa ako, ngayon gising na gising ang aking diwa dahil sa balita. Ilang segundong napatigil pa ako nang m

