"H-Hindi nga ako umiiyak, e." Tinabig ko ang kaniyang kamay sa aking pisngi. Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Kita sa gilid ng aking kamay ang paglagay niya ng kaniyang kamay sa magkabilang gilid ko. Kaya nakakulong na ako sa pagitan ng kaniyang mga braso. Pinagtabi ko ang aking mga paa. Maging ang aking mata ay tinataksil ako. Muling may lumandas na mga luha sa aking pisngi. Pilit ko itong ibinabalik sa aking mga mata ngunit naging sunod-sunod na ang pagpatak ng luha ko. Bakit pinipilit ko pang hindi ako umiiyak? Ganoong kitang kita niya naman na tumatangis na ako?! Napasinghap ako nang maramdaman ang pagdulas ng kamay ni Rivas sa aking binti. Marahan niya iyong pinisil. Tumingin ako sa kaniya. Nakatingin siya roon. Itinaas-baba niya ang pagpisil sa aking binti na parang iyon ang dahil

