Inayos ko ang aking buhok habang nakatitig sa aking repleksiyon dito sa salamin. Nakahawak ako sa lababo upang hindi ako matumba kung sakali mang lumambot ang aking binti. Hinayaan lamang ako ni Rivas na kumuha ng damit sa aking closet kanina. Tahimik lang siyang nanonood sa'kin habang kumukuha ako. Halos hindi siya humiwalay sa akin, natatakot na baka matumba ako. Nahihiya akong kumuha ng underwear. Nagdadalawang-isip pa nga ako kung kukuha ako ng isa! Hindi naman puwedeng mag-pajama akong walang suot na panty, 'no! Nagsipilyo na rin ako. Mabilis lang ang pagligo ko dahil...nasa labas lang si Rivas, naghihintay sa akin. Mahina kong tinapik ang aking pisngi. Pinilig ang ulo nang bahagya. Ano naman kung naghihintay siya sa akin? Pauuwiin ko siya dahil wala naman na siyang kailangan para

