"No. I'm not!" mabilis kong sagot sa tanong ni Rivas. Mabilis na ang paghinga ko dahil may nakikita akong pagdududa sa mga mata nito. "Isang bote lang ang ininom ko kanina dahil hindi ko planong maglasing. A-At—tss!" Agad kong iniwas ang aking tingin. Bakit ba ako nagpapaliwanag sa kaniya? Bakit ako na ang sumasagot ngayon? Hindi ba, ako ang nagtatanong kanina? Hindi ba galit ako sa kaniya?! At hindi ba iiwasan ko dapat siya?! "Kung hindi ka lasing, bakit matutumba kanina?" malamig ang boses niyang tanong. Tiningala ko siyang muli, may galit na ang aking mukha. Ramdam ang pag-angat ng init sa aking mukha dahil doon. Hindi matanggap ng ego ko na pinagdududahan ako ng isang 'to. Mukha ba akong sinungaling? Sa ganda kong 'to, magsisinungaling pa ako! "Medyo nahilo ako dahil sa ilaw. Sa

