bc

I Married a Hallyu Star (TAGALOG)

book_age18+
41
FOLLOW
1K
READ
billionaire
possessive
sex
age gap
single mother
sweet
bxg
realistic earth
sassy
actor
like
intro-logo
Blurb

Kim Tae-bin, also known as Abraham Kim to his family and close friends, is a half-Korean and half-Filipino businessman. Sa edad niyang 35, isa siya sa mga tinaguriang youngest multi-billionaire in his era. Maliban sa pagiging abala nito sa kaniyang mga negosyo, he is also regarded as Hallyu Star due to his popularity in Korea. He fell in love with Johanna Louise Saavedra Alcantara, isang babaeng separada na nakilala niya sa Singapore habang nakabakasyon ito doon.

Johanna Louise, maliban sa pagiging isang student sa isang Open University sa Singapore, she also manages a 3-star hotel & restaurant with her bestfriend as her co-owner. She was married to Kian Sandoval, who is 6 years younger than her, for almost 7 years.

After 3 years of being separated from her young ex-husband, hindi na muling ninais ni Louise na magkaroon ng anumang kaugnayan pa sa ibang lalaki. Dahil para sa kaniya, mas gugustuhin na lang niyang gugulin ang oras para kaniyang mga anak na, sa kaniyang mga naumpisahang negosyo, at ang pagtatapos sa pag-aaral, bagay na hindi niya nagawa noong halos walang wala siya at mga panahong nakatali pa siya sa buhay may-asawa.

Ngunit papano niya iiiwas ang kaniyang sarili sa nakatadhanang kapalaran niya---ang maging isang asawa ulit and this time ay sa taong hindi niya lubos-akalain na isa palang sikat na Halyu star?

Papaano niya iha-handle ang mga pagkakataon na hindi dapat sila makitang magkasama sa publiko dahil ayaw niyang magulo ang tahimik na buhay niya lalong lalo na ang buhay ng kaniyang mga anak?

--0--

"You're mine now," bulong sa kaniya ni Tae-bin matapos siya nitong siilin ng halik sa labi.

"I can never be yours, Kim Tae-bin! Besides, it's a just a kiss and it won't give you enough power to own a girl just like that?!" singhal ni Louise na halos mangiyak ngiyak ngunit ayaw lang magpadala sa inis at galit na nararamdaman.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
FIRST ENCOUNTER.             "Best, tingnan mo 'yung guy sa cubicle na iyon oh! Trip ka yata?!" natatawang tukso ng bestfriend niya sa kaniya. Nakanguso ito sa lalaki na kanina pa nga naman nila napapansin na nakatingin sa direksyon nilang magkaibigan habang siya naman ay tila parang walang naririnig sa sinasabi ng kaibigan while she carefully scrutinizes the documents her assistant handed over to her earlier.             Nasa Rendezvouz Hotel and Restaurant sila. Isang three-star hotel na pag-aari nilang magkaibigan, situated ito sa Changi, Singapore, at minamanehar ng kaniyang bestfriend na si Gelai bilang Operations Manager.               "Tigilan mo nga ako, Brigilda!" Pagalit kunwari na sinabi ni Louise sa kaibigan. Pero lingid dito ay pasimple niyang sinulyapan ang sinasabi nitong lalaki na kanina pa nakamasid sa gawi nila.               Kahit medyo may kadiliman sa kinaroroonan ng grupo ng tatlong mga lalaki ay kapansin pansin ang taglay nitong kagwapuhan. Singkit ang mga mata at nawawala ang kapag ngumingiti at lalo na kung ito'y tumatawa na lalong nagpalitaw ng hindi maipagkakailang kagandahang lalaki nito. Matipuno ang pangangatawan, obviously ay alaga ito sa pagwo-workout sa gym. May kahabaan sa normal na dapat na buhok ng isang lalaki. Sa tantiya niya ay may tangkad itong anim na talampakan.               "Tsaka sigurado ka bang sa akin nakatingin niyan? Baka nga sa'yo nagnanasa 'yan eh. Subukan lang niya na lapitan ka nang makatikim 'yan ng kamao de leche ng jowa mong walang kasing seloso!" ika ni Louise kay Gelai na hindi matigil tigil ang pang-aasar nito sa kaniya na paminsan ay napapakanta pa ng awit na may lirikong 'pasulyap sulyap ka kunwari, patingin tingin sa akin' na ang kasunod ay nagha-humming na lang dahil hindi na nito alam ang kasunod na lyrics. Sa sinabi ni Louise ay nagkatawanan na sila nang tuluyan.               "Seriously dude?!" Halos pasigaw na sambit ni Paul kay Tae-bin o Abraham para sa malalapit niyang mga kabigan at kamag-anak.               "Are you sure you wanna date that chick? Ha! ha!" dagdag naman ni Chen na hindi mawari kung nang-aasar ba ito o binabalaan na huwag nang ituloy dahil kay Lee Hye-ri.               Nasa VIP cubicle ang magkakaibigan na sina Tae-bin, Paul at Chen at kasalukuyang nag-iinuman sa bar ng Rendezvouz Hotel and Restaurant Pangatlong araw na nila sa Changi, Singapore at sa hotel na iyong napili ni Chen na mag check-in para sa five-day vacation break nila ni Tae-bin.               Si Chen ay manager at matagal nang kabigan ni Kim Tae-bin hindi pa man din siya nagsisimula sa industriya. Kaya naman kilalang kilala na niya ang kaibigan mula ulo hanggang paa. At ramdam niyang hindi nagbibiro si Tae-bin nang sabihin niya sa mga kaibigan na gusto niyang makilala ang babaeng nakasalubong niya sa lobby ng hotel noong unang araw pa lamang na sila ay mag-check in sa hotel. At sa ikinikilos nito ngayon ay alam niyang in any moment ay lalapitan na niya ang babaeng kanina pa nito tinititigan.               "She was never out of my mind since the day I saw her at the lobby and she completely occupied my thinking," wika ni Tae-bin sa mga kaibigan na ikinagitla ng mga ito. Napanganga si Chen at umiiling na pumapalakpak si Paul sa tinuran ni Tae-bin dahil ngayon lang nila ito nakitang tila nahumaling sa isang babae na hindi pa naman niya nakakausap o nakikilala at lalong alam nilang hindi niya ito ka-level ng estado sa buhay.               Naka-shorts na puti at white sneakers na tinernohan ng black polo shirt na may naka print sa likod ang Rendezvouz Hotel and Restaurant at sa harap naman nito ay naka embroider ang logo ng hotel. Kapareho ng design ng polo shirt na suot nila ng babaeng kasama nito sa suot na black tee-shirt ng ibang service crew ng bar at restaurant ng hotel. Ah malamang mga office staff sila. Malamang accounting officer siya. Purchase officer kaya? Hmmmm.               Simpleng simple lang ang ayos ng babae na nakatali ang color ash brown nitong wavy hair. Halos hindi pansin na naka make-up ito sa nipis ng blush on na nag-blend lang sa 'di kaputiang skin tone nito. Ang mga labi ay dinampian ng manipis na matte lip tint na kakulay ng cherry. Pero bakit parang ang lakas ng impact nito sa kaniya? Ang lakas ng appeal.               "So you are working in this hotel," nangingiti ngiting sambit ni Tae-bin sa sarili.               Naagaw kasi ng pansin nito sa babae nang 'tinulungan' silang makakuha ng isa pang extra bedroom sa hotel na iyon dahil sa peak season at maraming turistang dumagsa sa Singapore kaya pati na ang di-kalakihan na hotel na napili nilang 'pagtaguan' ay jampak na rin.               "You can give them the room I am occupying now," narinig niyang sinabi ng babae sa receptionist ng hotel.               Kaya naman hindi magkamayaw sa paghingi ng thank you si Chen dahil hindi na niya kailangan pang magmakaawa at kausapin ang manager ng hotel. Ayaw na ayaw kasi ni Tae-bin na may kasama sa kwarto kahit pa magkaibang kama ang hihigaan nila ng makakasama.               Sa sinabi ng babae ay napalingon sa kaniya si Tae-bin at sa hindi maipaliwanag ay nakatitig na lang ito dito at napakalayo na ng narating ng kaniyang isip. Iniisip niya kung papaano ba niya makukuha ang pangalan ng babae nang hindi siya nito pag-iisipan ng masama. Kung sa receptionist naman niya itatanong ay paniguradong hindi ito ibibigay basta na lang sa kaniya dahil sa kailangan din nilang sumunod sa patakaran ng keeping the privacy of their customers. Bahala na.               "Hi! May I..." hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil wala na ito sa reception area. Sa sobrang abala ng kaniyang isip ay hindi na niya namalayan na nakaalis na pala ito sa area.               Lalo tuloy siyang nawala sa focus dahil abala ang kaniyang mga mata sa paglilibot sa buong kapaligiran ng lobby area ng hotel. Hinahanap ang babae na kanina lang ay nasa tabi nila. Ang babaeng pumukaw sa atensyon niya. Nasa harap na niya, napakawalan pa.               "Nag check out na kaya siya?"               Sumunod na lang din siya kay Chen na nasa loob na ng elevator paakyat na sila sa kanilang magiging kwarto.               Nang sumunod na araw. Maagang bumangon si Tae-bin para mag-jogging. Everyday routine na niya ito kahit pa nasa sariling bansa sila ito. Kaya naman kahit saang lupalop siya ng mundo mapunta ay sinisiguro niyang makapag-jogging, maliban na lang kung may ulan o may makapal ang snow kung nasaan man siyang lugar na nagbabakasyon o naka business trip.               Lulan ng elevator pababa. May lumabas sa 5th floor. Pasarado na ang kanilang elevator nang may palabas din sa katapat nilang elevator. Wait lang...lulan sa elevator na 'yun ang babaeng 'tumulong' sa kanila sa lobby kahapon. Paakyat ito.               Pagkalapag sa ground floor ay dali daling lumabas si Tae-bin at inabangan kung saang saang floor tumigil ang elevator na kinaluluan ng babae. Napasapo siya sa kaniyang noo dahil nakailang stop over sa ibang floor ang elevator hanggang sa makarating ito sa Penthouse na siyang huling tinigilan nito bago bumalik pababa.               "She's still here!" nasambit nito sa sarili. May bahid ng ngiti ang kaniyang mga labi. At least nasa hotel pa rin pala ang babae.               At tuluyan na siyang lumabas ng hotel patungo sa pinakamalapit na park kung saan siya tatakbo.               Medyo madilim dilim pa kaya kaunti pa lang ang tao sa park. Safe pa siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

Love Donor

read
86.7K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

The Secret Wife (Filipino)

read
629.2K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook