bc

CODY HOFFMAN

book_age18+
15.3K
FOLLOW
65.4K
READ
comedy
sweet
lighthearted
office/work place
secrets
like
intro-logo
Blurb

Cody Hoffman

Nagsimulang mag-bago ang buhay ni Elizabeth ng ipag-utos sakanya ng kanyang ama na kailangan niyang akitin ang nag-iisang lalakeng anak ng kaibigan nito sa negosyo upang palawigin pa ang kanilang kayamanan. Kailangan niyang masakatuparan na maikasal sa binatang ito sa lalong madaling panahon

Dahil ayaw niyang biguin ang kanyang ama at nais niyang mahalin rin siya nito katulad ng pagmamahal nito sa kanyang kapatid ay napa-sunod siya nito sa nais at mga plano nito

Ngunit hindi niya inaasahan na ang lalakeng aakitin at kailangan niyang maging asawa ay ang sikat na lalakeng si Cody Hoffman!

Kamakailan lamang ay umamin ito sa buong Pilipinas na isa itong bakla! Kaya naman nagulantang ang buong mundo lalong lalo na ang fans club nito. Kilala kasi itong matinik sa mga kababaehan. Ngunit bigla nalang itong nagladlad sa publiko na may pusong babae ito.

Paano naman niya aakitin ang isang bakla na sobrang gwapo? Kung parehong lalake ang tipo nila! Nakakaloka! Nanghinayang siya ng husto sa pagkalalake nito.

Ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay nagpapangap lamang itong bakla dahil sa isang malalim na dahilan. Kaya pala madalas niya itong nahuhuling napapalunok sa tuwing inaakit niya ito.

Umusbong kaya ang pag-ibig sa pagitan nila kung nagpapangap itong bakla?

Paano kung malaman nito ang dahilan kung bakit siya nagpursige maging asawa ito sa mismong araw pa na hindi na niya kayang mabuhay ng wala ito dahil hulog na hulog na siya sa binata

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 "Tita Lora nandiyan pa po ba sila daddy?" Tanong ni Elizabeth sa kanyang step mother pagkasagot nito sa kanyang tawag She's back in the Philippines! Labis ang sayang nararamdaman ni Elizabeth ngayong araw na ito. Kahit pa masakit ang kanyang ulo dahil sa jetlag ay nanatili siyang masaya. She is Elizabeth Villaflorez. Twenty four years old. Her beauty is one of a kind. Maganda ang kanyang lahing pinag-mulan. Isang italian super model ang kanyang ina at nakuha niya ang lahat ng magagandang assets nito sa balingkinitang katawan, kabilang na roon ang katamtaman ngunit may kalakihang hinaharap at maumbok na pang-upo idagdag pa ang mala-italian actress niyang kagandahan. Sabi ng karamihan ay nahahawig raw siya kay Thalia ang mexikanang babaeng sumikat sa buong Pilipinas noon bilang si marimar. Tinatawanan niya lamang ang bagay na iyon. Para sakanya ang kanyang ina lamang ang kanyang kamukha. Marami ngang nag-ooffer sakanya sa Italia na magmodelo katulad ng namayapa niyang ina ngunit wala siyang balak pasukin ang pagmomodelo dahil mas gusto niyang mag sulat ng mga nobela. She's a full time romance writer. Iyon rin ang dahilan kung bakit nadismaya ang kanyang ama. Ang kanyang ama ay isang half-Italiano and Half-Filipino. Isa itong mayamang negosyante sa Pilipinas at mas matanda ito ng sampung taon sa kanyang ina. Ito ay walang iba kundi si Isagani Villaflorez. "P-Papunta na diyan si Taylor. Baka nasa biyahe na iyon hija. Alam mo naman ang daddy mo sobrang busy sa negosyo anak" Mahinahon na sambit ng step mother niya. Naging asawa ito ng kanyang daddy isang taon pagkatapos mamatay ng kanyang ina. May anak na pala noon pa man ang daddy niya sa ibang babae at hindi na iyon nalaman ng kanyang mommy bago ito namatay. Si Taylor ang kanyang kapatid. Mas matanda ito sakanya ng dalawang taon. Anak ito ng step mother niya at ng kanyang daddy. Natangap niya rin naman ito bilang kapatid dahil likas itong malambing at mapagmahal. Nakuha naman nito ang kagwapuhan ng kanilang ama Napakurap siya sa kanyang narinig. Katulad ng kanyang inaasahang mangyari ay hindi siya sinundo ng kanyang ama kundi pinasundo lamang siya kay Taylor "G-Ganoon ba tita. It's okay. See you later po" Itinago niya ang kanyang pagkadismaya Bakit ba kasi umaasa pa siyang bibigyan siya ng importansiya ng kanyang ama? All those years ang kuya Taylor lang niya ang minahal nito at ito ang ginawa nitong tagapagmana ng mga negosyo nila. Simula ng mamatay ang mommy niya ay nagbago na rin ang pakitungo ng kanyang daddy sakanya. Naging mas malamig pa ang pakikitungo nito sakanya kaysa sa yelo. "Alright hija. See you later. Naihanda ko na ang kwarto mo hija para makapagpahinga kana.." Napangiti siya. Kahit pa wala na siyang ina ay narito naman ang step mother niya. Mabait ito at mapagmahal. Itinuring rin siya nito bilang tunay na anak "Salamat po tita. Marami po akong pasalubong sainyo" "Oh. Salamat hija nag-abala ka pa at nagbuhat ng mga pasalubong. Makita lamang kita ay ayos na sa akin." Limang taon kasi siyang nanirahan sa Italy. Sa bahay ng kanyang lolo at lola. Mas gusto niya kasi doon dahil nakakapagsulat siya ng maayos. Umuwi lamang siya sa Pilipinas dahil sa unang pag-kakataon ay kinausap siya ng kanyang daddy sa telepono. Sinabi nitong may importante itong sasabihin sakanya. Nangako pa nga ito na susunduin siya sa airport ngunit hindi naman nito ginawa ngayon Pagkatapos niyang makausap ang kanyang step mother ay napabuntong hininga siya. Bumigat ng husto ang kanyang puso. Naghanap siya ng mauupuan pansamantala habang hinihintay niya ang kanyang step brother. Dalawa lamang silang magkapatid. "Ely!" Maya-maya pa ay narinig na niya ang pamilyar na boses ng kanyang kuya Taylor. Tumili pa ito ng makita siya "Kuya!" Napatayo siya at sinalubong ito ng mahigpit na yakap. Miss na miss na niya ang kanyang kuya Taylor. Palagi naman silang nag-vivideo call kaya hindi na siya nagulat sa itsura nito ngayon "Bruha ka sabunutan kita eh! Kung maka-kuya ka diyan wagas!" Kinurot ng kanyang kuya Taylor ang kanyang tagiliran habang yakap yakap siya nito Sa unang tingin ay hindi ito mapaghihinalaang bakla dahil lalakeng lalake ito kung manamit. Silang dalawa lamang ng kanyang tita Lora ang nakaka-alam na baklita ito. Dahil panigurado kapag nalaman iyon ng kanyang ama ay malilintikan ito "I miss you sissy!" Tili pa rin nito habang yakap siya. "I miss you too sissy!" Sambit niya habang kayakap ang kapatid "Kapag walang victoria secret na underware dito sa maleta mo magtatampo talaga ako!" Biro nito sakanya ng kunin na nito ang maletang dala-dala niya May mga napapatingin sakanya dahil inaakala ng mga tao na isa siyang artista. Napakaganda naman kasi talaga niya "Oo naman meron no. Makakalimutan ko ba naman iyon?" "Ay! Bonga! I love you talaga sissy!" "I love you too sissy. Bakit hindi sumama si papa sayo?" Napabuntong hininga ang kuya Taylor niya. "Hay naku alam mo naman ang matandang iyon. Adik na adik sa salapi kaya malapit ng mategi yun eh" Pinalo niya ang kuya niya sa braso nito. "Sira ka talaga kuya!" "Sasampalin na kita isang kuya pa.." Humalakhak ito "Sorry na sissy. Anyway tara na nga at nagugutom na ako. Namimis ko na ang adobong manok ni tita Lora" "Ay bonga kaya pala si mudra nagluto ng adobong manok eh naalala niyang paborito mo iyon sissy!" Sumakay sila sa kotse ng kanyang kuya Taylor. Kulay itim iyon at isa iyon sa mga sikat na bagong modelo ng kotse. Mayaman naman kasi ang kanilang pamilya kaya nakukuha nila ang bawat naisin nila mula pa noong bata sila. Pagdating nila sa kanilang mansiyon ay sinalubong agad siya ng mahigpit na yakap ng kanyang step mother na si tita Lora Sabi nila ang mga step morther daw ay mga demonyitang babae na kahit kailan ay hindi magagawang magmahal ng anak sa iba ng mga asawa nito. Ngunit para kay Elizabeth ay naiiba si tita Lora sa mga iyon. Isa itong mabuting ina mula pa noon sakanya "I miss you tita.." "I miss you more anak.. How's your flight? Mukhang hindi ka naman napagod dahil napakaganda mo parin!" Ngumiti siya at muli silang nagyakapan "Bolera ka parin tita Lora kaya loves na love kita eh.." "Love na love rin kita anak. Tara na at maka-kain na tayo." Inalalayan pa siya ng tita Lora niya papasok sa kanilang mansiyon habang tahimik naman ang kuya Taylor niya sa likod nila. Ganito ito kapag may ibang tao sa paligid. Lalo na't mga kakilala nila katulad nalang ng kanilang mga kasambahay. Itinatago kasi nito ang pagkabakla nito. Masaya silang naghapunan. Napakasarap talagang magluto ng tita Lora niya. Busog na busog tuloy siya. "Ang daya hindi ka naman tumataba pero ang lakas lakas mong kumain!" Napangisi siya sa binulong ni Taylor sakanya. Sasagot sana siya ngunit umalingawngaw ang baritonong boses ng kanilang ama "Elizabeth" Seryoso itong nakatingin sakanya "D-Dad!" Hindi niya maitago ang pananabik sa kanyang ama. Tumayo siya upang salubungin ito ng yakap ngunit tumalikod ito "In my office right now" Seryoso nitong sabi sakanya kaya napatigil siya sa paglapit dito. Derederetso na itong umakyat sa kanilang napakalawak na hagdanan. Nagsisipagyukuan ang mga kasambahay nila bilang pag-galang sa kanyang ama. Napabuntong hininga rin ang tita Lora niya pati na rin ang kuya Taylor niya. Nakaramdam siya ng kaunting kirot sa kanyang puso ngunit ayaw niyang ipakita iyon sa tita lora at kuya Taylor niya. "D-Don't worry guys. It's okay." Pigil niya sa mga ito ng akmang tatayo ang mga ito upang yakapin at lapitan siya Muli lamang napabuntong hininga ang mag-ina "Puntahan ko lang si daddy dahil baka magalit pa lalo kapag hindi agad ako pumunta sa office room niya--" "Pero anak hindi ka pa tapos kumain--" "Itutuloy ko po ang pagkain ko mamaya tita Lora. Unahin ko po muna si daddy." Uminom muna siya ng tubig bago niya sinundan ang kanyang ama sa pribadong opisina nito sa loob ng kanilang mansiyon Kumatok muna siya bago niya pinihit ang doorknob ng dahan dahan. Kinakabahan siya at pakiramdam niya ay may hindi magandang sasabihin ang kanyang ama Naabutan niya itong nakaupo sa upuan nito sa bandang gitna. Seryoso ang mukha ng kanyang daddy kaya lalo siyang natakot "Umupo ka at may ipag-uutos ako sayo"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
70.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook