Carlo Basco's POV
May 15, 18**
Alas dos pa lamang ng madaling araw ay nagising na ako dahil hindi ako makatulog ng maayos, para bang merong bumabagabag sa akin na hindi ko malaman kung ano.
Dahil hindi naman na ako inaantok kaya minabuti ko na munang lumabas ng bahay para lumanghap ng sariwang hangin.
Sa likod kasi ng bahay namin ay makikita ang napakalawak na dagat, kaya tuwing madaling araw ay napakahangin dito dala ng mga hampas ng alon sa dalampasigan.
Pagkarating ko sa likod ng bahay namin ay agad akong umupo sa upuang kahoy na pahaba roon at nakaharap sa dagat, iniisip ko pa rin kung bakit hindi ako makatulog ng maayos na hindi naman talaga nangyari sa akin.
Na para bang may mangyayari na hindi ko maipaliwanag. Sa aking malalim na pag-iisip ay hindi ko namalayang sumunod pala sa'kin si Gab.
"Kuya, bakit ka gumising, ang aga pa po ah?" wika nya habang papungas-pungas na lumapit sa'kin.
"Wala, hindi lang ako makatulog ng maayos. "
"Bakit naman?"
"Wala, baka 'di lang talaga ako ina-antok."
Pagkatapos nun ay hindi na kami nagsalita pa, diretso lang ang tingin namin sa dagat, tinitingnan ang mga alon na para bang mga batang naglalaro sa mapatag na damuhan, at nilalasap ang napaka preskong simoy ng hangin. Matapos ang ilang minutong katahimikan ay nagsalita ako kaya bigla syang napatingin sa'kin.
"Lagi mo sanang tatandaan na mahal na mahal ka ng Kuya mo ah, pati na rin nina Mama at Papa, kung meron mang mangyaring hindi kaaya-aya ay sana lagi mong tatandaan yun, ikaw lang ang nag-iisang Kapatid ko kaya hanggang sa huli ay ako pa rin ang Kuya mo na handa kang protektahan sa ano mang sitwasyon."
Pagkatapos kong sabihin iyon ay bigla ko na lamang naramdaman na may luhang kumawala sa aking mga mata, hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi ang mga bagay na iyon.
"Ano ba yang pinagsasabi mo, Kuya? para namang mawawala ka o ako eh, nandito lang naman ako palagi sa tabi mo hindi ako aalis at lalong hindi ako mawawala, bakit ka ba umiiyak jan, dapat ako yung iyakin sa'ting dalawa eh, Ang pangit mo ngayon kuya, alam mo ba yun?" mahabang salaysay nya. Ngumiti lang naman ako.
"Basta lagi mo yung tatandaan, na mahal na mahal kita at hindi magbabago yun kahit kailan. "
"Asus, si Kuya talaga, opo mahal din po kita kaya itigil mo na yang pagiyak-iyak mo, " sabi nya saka niya ako niyakap, niyakap ko na rin sya pabalik.
Nanatili muna kaming dalawa roon ng ilang oras saka namin naisipang bumalik sa loob ng bahay dahil nagsisimula ng sumikat ang araw, pagkapasok namin sa loob ay naabutan namin doon si Nanay na nagluluto na ng aming agahan.
Tinanong ko naman siya kung gising na ba si Tatay, ang sabi lang nya ay naliligo na raw ito kaya dumiretso na lamang kami ni Gab sa mesa para umupo na, ilang minuto lang naman ang aming hinintay at natapos ng maligo si Tatay kaya sabay-sabay na kaming apat na kumain.
"Pagkatapos nyong kumain jan ay sumabay na kayo sa'king umalis papuntang paaralan para bawas pamasahi na rin, " sabi sa amin ni Itay nung nasa kalagitnaan na kami ng pagkain.
"Oho," sabay naming sagot ni Gab.
Pagkatapos naming kumain ay dali-dali na kaming naligo ni Gab saka nagbihis at lumabas na ng bahay para puntahan si Papa na nasa loob na ng sasakyan namin. Nagpaalam muna kami kay Mama ng maayos bago kami tumuloy sa paglarga.
Unang hinatid ni Papa si Gab sunod naman ay ako.
Pagdating ko sa eskwelahan ay maliit pa ang estudyanteng nakikita ko, siguro ay dahil medyo maaga pa kaya hindi pa dumarating yung iba.
Kaya tumuloy na lamang ako sa paglalakad hanggang marating ko ang silid na pag-eensayohan namin ng aming pagtatapos.
Ilang minuto pa, dahan-dahan ng napuno ang silid na iyon ng mga estudyante, at ilang sandali lang ay dumating na rin ang guro na magtuturo sa'min.
Mga ilang araw mula ngayon ay magtatapos na ako at ang una kong plano ay tutulungan ko na si Tatay sa pamahalaan, pag-aaralan ko ang bawat gawain nya roon para nang sa ganon ay mapadali ang mga trabaho niya.
...
Mag-aalas singko na ng tuluyang matapos ang aming pag-eensayo, kumpara kahapon ay mas maaga kami ngayong natapos.
"Pre, sama ka sa'min, " wika nung kamag-aral kong lalaki kasama yung apat pa nyang barkada.
"Saan?"
"Dyan lang, tutal malapit na naman tayong magtapos kaya sulitin na muna natin, iinom tayo, ano sama ka?"
"Hindi na, susunduin ko pa kasi kapatid ko, may usapan kasi kami kanina, tsaka hindi ko rin hilig ang uminom kaya kayo na lang, " sagot ko.
"O sige, ikaw bahala, " huli nyang sabi bago niya tinawag yung iba pa nyang kasamahan para umalis na, sumabay na rin naman ako sa pag-alis nila hanggang sa b****a ng paaralan, bago ako lumihis ng daan patungo sa direksyon ng paaralan ni Gab.
Pagdating ko roon ay nakita ko syang naghihintay sa labas ng paaralan nila, agad naman syang ngumiti at lumapit sa'kin nang makita na nya ako.
Saka kami sabay na umuwi ng bahay.
Nang marating na namin ang bahay ay alam na naming dumating na rin si Tatay dahil nasa labas na yung sasakyan niya.
Ngunit agad din kaming nagtaka kung bakit wala sya sa labas at nagpapahangin na kadalasan nya ng ginagawa tuwing hapon, pati na rin kung bakit ala singko pa lamang ay sarado na lahat ng bintana namin.
Kaya agad na kaming sumugod papuntang pintuan ng bahay, dahan-dahan ko itong pinihit at sa aking pagbukas ay kalunos-lunos na bagay ang aking nakita.
Ang ama ko ay nakahandusay sa sahig habang puno ng dugo ang ulohang bahagi nya at dilat ang mga mata.
Bigla akong nakarinig ng isang putok ng baril. Paglingon ko ay nakita ko na si Gab na umaagos na ang masaganang dugo galing sa dibdib nya.
Napako ako ng ilang minuto sa aking kinatatayuan, saka na lamang ako nahimasmasan ng tuluyan nang bumagsak ang katawan nya sa sahig. Agad naman akong lumuhod saka ko sya hinawakan sa kamay at pilit tinatabunan ang dibdib nyang kanina pa nagsisilabasan ang napakaraming dugo.
Pati sa kanyang bibig ay may dugo na ring lumalabas.
Kahit nahihirapan man sa pagbigkas ay pilit nya pa ring sinabi sakin ang mga katagang ito.
"M-maha na M-mahal K-k-kita Kuya—" pagkatapos nun ay naramdaman ko na lamang na lumuluwag na ang pagkakakapit ng kamay nya sa kamay ko.
Agad ko naman syang niyugyog at umaasang hindi pa sya patay at kaya ko pa syang buhayin sa pamamagitan ng pagyugyog sa kanya.
"Wag Gab, 'wag, hindi... Hindi ka pa patay, 'wag mong iwan si Kuya, mahal na mahal ka rin ni Kuya, 'di ba sabi mo sa'kin kanina hindi mo ko iiwan kaya Gab— lumaban ka, sige na! " sabi ko sa kanyang katawan habang niyuyogyog at niyayakap ko sya, at kasabay rin nito ang pagdaloy ng masaganang luha sa aking mata.
Pero nadinig ko ulit ang isa na namang putok ng baril.
Huli na nang malaman kong sa akin pala yun tumama, at kagaya ni Gab ay sa dibdib ko rin iyon tumagos. Ilang sandali lamang ay natumba na rin ako sa tabi ng katawan nya.
Bago ako mawalan ng hininga ay nakita ko pa ang dalawang lalaki na may hawak na baril at nakangiting nilisan ang bahay namin.
Pagkatapos nun ay pinilit ko ang aking sarili na lingonin ang katawang nasa aking gilid.
Ang katawan ng aking pinakamamahal na kapatid at hinawakan ang isa nyang kamay saka ko sinabi sa aking isip ang mga katagang...
"Hindi man ngayon ngunit pangako, hanggang sa susunod na ating buhay ay ipapadama ko sa'yo ang aking pagmamahal sa kahit na anong paraan, mahal na mahal kita aking kapatid, at ipinapangako kong mamahalin kita habang buhay."
Kasabay ng pagbitiw ko ng mga salitang iyon ay sya ring pagsarado ng aking paningin.
Present Times ~
Pinaniniwalaaang ang isang aspeto ng tao ay hindi nagtatapos sa iisang buhay lamang, ito'y magpapatuloy hanggang sa pakay ng aspetong ito ay naisakatuparan na.
Bawat buhay na nakatalaga sa mundong ibabaw ay magpapatuloy sa kanyang walang-hanggang pag-ikot tungo sa nakaraan at magpa sa kasalukuyan.
Ganesha, isang bathalang sinasamba sa bansang India, isang bathalang may kakayahan at siyang dahilan ng muling pag-ikot ng buhay ng isang nilalang.
Ngunit ang papapasya ng buhay nito ay hindi ang kanyang gampanin, kundi ito'y responsibilidad ng aspetong iyon. Siya ang siyang magdidikta kung anong uri ng buhay ang kanyang gustong tahakin.
Ngunit ang tadhana ay hindi basta-basta mababali, ito'y patuloy na sasagabal at mananatiling isang pagsubok para sa isang nilalang.
Possible nga bang ang naiukit na sa karimlan ng kinabukasan ay mawasak kung iyo itong pagsisikapan? O siyang mananatiling matatag at uukit sa kasaysayan?
…
Dahan-dahang isinarado ang librong basa-basa ng guro namin at sa isang iglap lamang ay napuno ng bulongan at tanungan ang apat na sulok ng silid-aralang kinalulugaran ko ngayon.
"Maam, ano po mangyayari kung ang aspeto ng isang tao ay nahawakan ng bathalang si Ganesha, mapapasa-ilalim din po ba ito sa walang-hanggang pag-ikot ng buhay?" tanong ng isa kong kaklase.
Nasa ika-limang baitang pa lamang ako at oras namin ngayon para sa isang homeroom class, maigi ko lamang pinakikinggan ang bawat batuhan ng mga tanong ng aking mga kamag-aral habang ang aming guro ay hindi magkamayaw kung sino nga ba ang siyang unang sasagutin.
"Class, quiet muna tayo, masasagot ko rin iyang mga katanungan niyo paisa-isa," wika ng aming guro na siyang ikinatahimik naman ng buong klase.
Nagpatuloy sa pagsasalita ang aming guro.
"Isang palaisipan pa rin para sa ating lahat kumbakit nga ba patuloy ang pagdaloy ng buhay ng isang nilalang, ito'y hindi angkop para sa inyo dahil lubhang malalim ang nakaugnay nitong kahulugan, subalit upang inyong maunawaan...
Wala mang konkretong ebedesya ay pinaniniwalaang ang isang tao ay may kakayahang mabuhay at magsimulang muli kung siya ay natipuhan ng bathalang si Ganesha, isang mapaghamong tadhana ang kanyang haharapin at posibleng sa unang buhay nito ay mayroon itong hindi pa natatapos na misyon kaya ito desperadong nagbalik sa kasalukuyan," pagpapaliwanag niya.
Patuloy lamang siya sa pagpapaliwanag habang ako, pati na rin ang buong klase ay taimtim na nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig.
…
Natapos ang klaseng iyon nang hindi pa nasasagot ang lahat ng katanungang bumabalot sa buong silid, ngunit magkaganon man ay medyo nabawasan naman ito.
Kuntento na rin kaming lahat sa aming nalaman at ipagpapabukas na lamang ang iba pa.
Masaya akong lumabas ng silid na iyon at tinungo ang daan pa-uwi sa bahay namin.
"Andito na po ako!" bungad ko nang makarating na kami sa aming mumunting tahanan.
"O andyan ka na pala, kanina ka pa namin hinihintay, halika't manananghalian na tayo," wika sa akin ng aking ina na ngayon ay sinasalubong ako at iginigiya papuntang kusina.
Kasama ang aking apat na kapatid ay masaya kaming kumain sa hapag kainang iyon...
Hindi man naipaliwanag ng maayos ng aking guro kung ano nga ba ang totoong kahulugan ng patuloy na pag-ikot ng buhay ay mananatili pa rin sa aking isip ang mga katagang...
Sa paglipas ng panahon ay may sisibol na bagong pag-asa, na siyang haharap sa tadhanang pilit sumasagabal sa pagmamahalang pilit na ipaglalaban upang ang nag-iisang pakay ay maisakatuparan.
Itutuloy...