"Binigyan na ako ng mundo ng pangalawang pagkakataon, at sa panahong ito ay hindi ko na sasayangin pa ang bawat segundong dadaan. Ipagkait ka man ng tadhana'y hindi ko ito hahayaan, sapagkat ang puso kong nagsusumamo ay ikaw lamang ang tanging gusto."
****
Axezyl Lian Montemayor:
Napabalikwas ako sa aking higaan dahil napanaginipan ko na naman ang mga bagay na iyon, isang taon na akong binabagabag ng bangungot kong 'yon, hindi ko alam kung bakit, pero pabalik-balik lamang ang mga pangyayari sa aking panaginip, hindi ko naman maaninag ang bawat mukha ng mga taong' yon dahil puro malabo lamang ang kanilang mga mukha, parang natatakpan ang bawat mukha nito ng napakakapal na hamog.
Noong una ay madalang lamang akong binabangungot pero lately, yung pananaginip ko ng masama ay dumadalas na ang pagdalaw sa pagtulog ko, tapos ang malala pa ay parang may ginagawa itong kwento dahil konektado lahat , pero sa lahat ng mga napapanaginipan ko talaga ay ang puntong iyon, ang pagkamatay ng pamilyang iyon ng dalawang lalaking hindi ko rin maaninag ang mga mukha.
Kapag 'yon na talaga ang napapanaginipan ko ay hindi ko talaga maiwasang hindi mapamulat bigla at maghabol ng hininga, takot pa naman ako sa dugo kaya mas lalo lamang akong natatakot dahil nagkalat talaga ang dugo sa sahig sa pangyayaring iyon.
Huminga ako ng malalim para e.relax ang sarili ko , hinimas ko pa ang pisngi ko at doon ko nalaman na lumuha pala ako dahil sa naramdaman kong malapit ng matuyong mga butil ng luha sa palad ko. Inikot ko ang tingin ko sa may kalakihan kong kwarto hanggang sa nakita ko ang aking digital clock sa gilid ng kama.
3:34 am
Maaga pa pala, pero dahil sa panaginip na 'yon ay nagising pa talaga ako ng wala sa oras, hindi ko naman na kayang bumalik pa sa pagtulog dahil gising na gising na talaga ang diwa ko, at baka kapag bumalik ako sa pagtulog bumalik na naman yung panaginip ko at bangungutin na naman ako ng sobra.
Kaya minabuti ko na lamang na bumangon at pumunta sa study table ko, naalala kong may kailangan pa pala akong tapusing paper works na natulugan ko na kagabi dahil antok na antok na talaga ako, dalawang araw na kasi akong walang tulog dahil sa pangamba kong mapanaginipan ko na naman yung pagpatay sa isang pamilya at hindi na talaga ako magising dahil sa pagkakabangungot sa'kin.
Tiningnan ko ang sandamakmak na papeles na nasa ibabaw ng study table ko, karamihan lang naman sa mga ito ay mga application form at resume ng mga I.T specialist na nag-apply sa department namin at kailangan ko pang isa-isahin para masiguro kong tama talaga ang makukuhang bagong empleyado sa department namin, baka kung sino pang pocho-pocho ang makuha ko, buong kompanya pa ni Dad yung maaagrabyado.
Bandang alas singko na siguro 'yon ng umaga bago ako natapos sa pagbabasa ng mga papeles na iyon, pagtingin ko sa bintana ng kwarto ay nakita kong hindi pa sumisikat si haring-araw kaya minabuti ko na munang magpalit ng pangjogging na outfit dahil magjojogging na muna ako ngayon.
Simpleng short na hanggang hita at T-shirt lang yung sinuot ko saka pinaresan ng running shoes. Pagkatapos kong makapaghanda ay sinuot ko na yung running relo ko para mag monitor sa heart rate ko, hindi kasi ako pwedeng masobrahan sa pagod dahil baka mahirapan akong huminga, may butas kasi ako sa puso, hindi naman sya malalim pero nakaka-apekto pa rin sya sakin.
Nang matapos ko na ang lahat ng paghahanda ay kaagad na akong bumaba at nagwarm-up sa harap ng gate nitong bahay. Madali lang naman akong natapos sa pagwawarm-up kaya nagsimula na akong tumakbo, tulad ng nakasanayan may iilang kapitbahay rin akong nakikitang tumatakbo. May bata, matanda at meron ding mag-kasintahang magkahawak kamay na tumatakbo. Ibang ruta yung tinahak ko keysa sa iba, ayaw ko kasi ng napapaligiran ng maraming tao at hindi ko rin gusto yung may maingay na paligid.
Ewan ko ba kung bakit ang daming kong ayaw at kinatatakutan, sa katunayan nga ay simula pagkabata ay isa lang talaga ang naging kaibigan ko, 'di talaga ako pala-kaibigan eh, siguro nagiging defense mechanism ko na siguro 'yon, may kung ano kasi sa loob ko na nagsasabing umiwas sa maraming taong nakapaligid sa'kin dahil baka saktan nila ako. Praning na kung praning pero 'yon talaga dinidikta ng instinct ko kaya 'yon yung sinusunod ko.
Isang ikot lang ang ginawa ko, pagkatapos non ay bumalik na kaagad ako sa bahay. Dahil nga para akong pagong kung tumakbo kanina, pagtingin ko sa relo ko 6:30 na pala, kaya tumuloy na ako sa loob ng bahay saka dumiretso sa kusina. Naabutan ko doon sina Ate Elle, at yung pamangkin kong anak nya na si Velvet pati na rin si Mama, na kumakain na sa mesa agad naman nila akong tinawag .
"Oh, Lian, nandyan ka na pala, halika na dito nakahanda na ang mga pagkain," tawag sa'kin ni Mommy, actually sila lang talagang pamilya ko yung tumatawag sa second name ko, medyo pambabae kasi kaya ayaw kong tinatawag ako sa labas ng ganyan.
"Ahm , sige po? Ma, inom muna ako ng tubig sa ref, " pagpapa-alam ko sa kanila tumango lang naman sila bilang pagsang-ayon.
Pagbalik ko sa mesa ay kumakain na sila pero napansin kong wala pa yung isa kong kapatid.
"Asan nga pala si ate Sophia, ba't wala pa sya rito?" tanong ko pagkaupo ko.
"I'm here!" sigaw ng ate ko na pababa na ngayon sa hagdan, siguro ay kaliligo lang niya at pa-alis na sya dahil bihis na bihis na.
"Ikaw naman bunso, miss mo agad ako, nagbihis lang po ako, " dugtong pa nya.
"Neknek mo, porket nagtatanong lang miss na agad. Pwee, " pambabara ko sa kanya na ikinasimangot ng mukha nya.
"Harsh mo talaga sa'kin, Lian no, o sya, alis na 'ko, may trabaho pa akong dapat tapusin sa kompanya."
"Hindi ka na kakain?" tanong sa kanya ni Mama nung akmang hahakbang na sana sya paalis.
"Ahm, hindi na Ma, sa pantry na lang ako ng kompanya kakain."
"Ganon ba, o sige mag-ingat sa pagmamaneho."
"Yes po, bye," huling wika ni Ate Sophia bago niya hinalikan si Mama sa pisngi pati na rin sina Ate Elle saka si Velvet pero nung ako na, hinarang ko lang yung kamay ko sa harap naming dalawa, kaya wala na syang nagawa kundi umalis na lang.
Mayaman kami pero yung mga galaw namin ay hindi talaga yung medyo luhong-luho sa pera, hindi kasi in-born na mayaman yung pamilya namin, nagsimula rin sina Mom at Dad sa pagiging simple at yung mga panahong 'yon hindi pa kami ipinapanganak tatlo kaya sina Mama lang yung nakaranas ng ganoong buhay, pero sinigurado naman nilang madadala pa rin namin yung kasimplehan kahit na nakaka-angat na kami sa buhay na magkakapamilya.
"Nga pala, nakakita na ba kayo ng bagong I.T specialist sa department nyo, Lian?" pagtatanong ni Ate Elle sa'kin habang sinusubuan niya ng pagkain si Velvet kahit 4 years old na ito.
"Ahm hindi pa, pero we still in the process of choosing the right one na kaya talagang ayosin yung aberya sa department namin. Actually, madami ng nag-pass ng application letter pero ni isa sa kanila wala akong natipuhang kunin, hindi pasok sa standard ko, " pagpapaliwanag ko pa.
"Ehh, bakit naman kasi napaka-mapili mo sa mga empleyado mo, anak? Baka wala kang makuha nyan sige ka, " sabat naman mama.
"Natural po 'yon, Ma, buong kompanya yung nakasalaylay rito kaya dapat magaling talaga yung kukunin kong I.T specialist. Department ko pa naman yung pinaka sentro ng kompanya kaya dapat lahat ng mga empleyado doon ay highly equipped at hindi pocho-pocho lang, saka ayaw ko ring ma-disapoint si Dad, " mahaba kong paliwanag.
"Ma-disappoint si Dad, o ang sarili mo? Sa ating tatlo ikaw talaga yung napaka-workaholic, umiikot na lang buhay mo sa kompanya eh, maghanap ka na rin kaya ng lovelife para naman mabawasan yang pagiging seryoso mo sa trabaho, " medyo nailang naman ako sa huling sinabi ni Ate.
"Wala akong oras para jan ate, kung si ate Sophia pa, pwede 'yon pero ako sa trabaho lang talaga."
"Hay, bahala ka, sinasabi ko sa'yo baka tumanda kang binata nyan."
Hindi ko na siya sinagot kaya nagpatuloy na lang kami sa pagkain, and by the way hindi pala ako nakapagpapakilala sa inyo.
Axezyl Lian Montemayor, 21 years old. Dalawang taon pa simula nung nagraduate ako sa kurso kong Business Ad. Pero pagkatapos na pagkatapos kong grumaduate ay diretso na kaagad ako sa pagtratrabaho sa kompanya namin, 'yong kompanya namin ay hindi lang isa yung hinahawakang industry, sa'kin is yung Computer at Telecommunication Industry. Nasabi ko kanina na ito talaga yung sentro ng business ng pamilya namin at oo totoo yun, dito kasi nagsimula lahat hanggang sa napalago nang napalago ni Dad ang kompanya kaya naging apat na sya.
Yung department ni Ate Elle is yung Manufacturing Department na yung asawa nya na ngayon ang nagpapatakbo dahil nga ulirang ina na si Ate, yung asawa ni Ate ay nasa States ngayon dahil may kailangang ayosin doon about sa department nila, tapos kay Ate Sophia naman ay yung Entertainment Industry, bago lang yan mga 3 years pa siguro at siya talaga yung nagpropose nyan kay Papa, at ang panghuli ay ang pinamamahalaan ni Papa ngayon ang Financial Industry.
Lahat ng 'yon ay nasa iisang building lang dahil na rin sa kagustuhan ni Papa na iisang building lang talaga lahat pero syempre, main office lang yung nasa iisang building tapos ang mga branches non ay nagkalat na sa buong Pilipinas, pati na rin sa ibang panig ng Mundo.
Dahil na rin sa kahilingan ni Mama na wag kaming maghiwa-hiwalay ay kahit may sariling pamilya na si Ate Elle ay hindi pa rin sya umaalis sa bahay at dito lang talaga sila nakatirang magpamilya. Malaki naman ang bahay namin at siguradong maliligaw ka talaga kapag bago ka palang pumasok dito at dahil nga rito ay pwedeng-pwede pa ring manatili sina Ate Elle.
Tungkol naman sa lovelife ko, tama ang nabasa nyo kanina na pinapahanap na ako ng lovelife ng ate ko kahit 21 pa lang naman ako, dahil wala talaga akong naging nobyo simula pagmulat ko dito sa mundo. Hindi ako lalake hindi din ako babae, kumbaga nasa gitna ako, pero pamilya ko lang nakaka-alam nun dahil hindi ko naman pinapahalata sa labas, normal pa rin yung kilos ko na parang bang straight talaga, hindi ako nagco.crossdress kaya hindi mo talaga mahahalata na hindi ako tunay, maliban na lamang sa kulay ko at sa kinis ng balat ko, kaya dahil doon napaghahalataan pa rin ng iba, pero hindi ko na lang pinapansin iyon.
Hindi ko kinakahiya ang kasarian ko ayaw ko lang talagang mag-share sa iba, hahayaan ko silang, sila yung magtanong sa'kin saka ko sila sasagutin ng maayos at totoo.
Pagkatapos naming kumain ay niligpit na ni Mama yung pinagkainan kasama yung apat naming kasambahay, tutulong pa sana ako kaso naalala ko may trabaho pa pala ako sa kompanya kaya agad na akong tumalima papuntang kwarto ko, pagdating ko doon ay pumasok kaagad ako sa banyo para maligo, ilang minuto pa ay lumabas na rin ako sa banyo na nakatapis lang ng tuwalya sa ibabang bahagi ko.
Hinarap ko ang sarili ko sa whole view mirror dito sa kwarto, kapansin-pansin talaga ang makinis at maputi kong balat pati na rin ang medyo lean abs ko, hindi naman kasi ako nag-g.gym kaya lean lang yung mga abs ko, resulta lang ng daily routine ko sa pagjojogging. Pero ang pinaka nakakaagaw pansin talaga sa katawan ko ay yung napakalaki kong balat sa bandang kanan ng dibdib ko, mukha lang naman syang normal na balat pero ang kaibahan lang talaga niya ay may kaharap din syang balat sa likod ko na eksakto pa rin ang pwesto nitong nasa bandang kanan.
Tumigil na ako sa pag-iisip ng tungkol doon dahil baka malate pa ako ng tuluyan. Pumunta ako sa cabinet ko saka kinuha yung suit na nakahungger doon pati na rin yung slacks ko.
Bumalik ako sa harap ng salamin pagkatapos kong maisuot lahat ng 'yon, Turtle nick, tan colored long sleeve na pinatungan ng dark blue suit tsaka sa ibabang bahagi naman ay slacks na color dark blue rin tsaka color black leather shoes.
Napangiti na lang ako dahil sa napakaelegante kong suot ngayon, palagi naman akong elegante tuwing pupunta ako ng kompanya pero hindi ko pa rin maiwasang humanga saking sarili hanggang ngayon.
Nagpabango na ako saka inayos ng maigi yung suot ko saka ko kinuha yung suit case na naglalaman ng lahat ng kakailaganin ko sa office ngayong araw at pagkatapos ay bumaba na ako. Nakita ko sa leaving room si Mama na naglilinis kaya lumapit ako sa kanya para magpaalam.
"Ma, alis na ako," sabi ko saka ko sya hinalikan sa pisngi.
"Sige anak, mag-iingat ka sa byahe ah wag kang magpapakapagod."
"Opo ma."
"Tito Lian! You're leaving?" sigaw ni Velvet na kalalabas lang ng kusina at patakbong lumapit sa'kin saka ako niyakap sa binti ko, tumunghod naman ako para maabot ko siya.
"Yes baby, Tito will come to office na, take care of your mommy and mama La okay? 'Wag pasaway, " sabi ko sa pamangkin ko at tumango tango lang naman ito. Hinalikan ko na lang siya sa pisngi at nagpatuloy na sa paglabas ng bahay saka tinungo yung van namin na maghahatid sa'kin sa kompanya.
Pagkadating ko sa department namin, as usual wala talagang kaingay-ingay doon maliban na lamang sa iilang bumabati sa akin na nakakasalubong ko sa daan patungo sa office ko, alam naman na kasi nilang hindi ko talaga tinotolerate ang mga maiingay rito sa department ko, kapag may narinig akong nag-iingay ay ililipat ko sa ibang department o di kaya ay sisesantihin ko, cruel na kung cruel pero napag-usapan na namin 'yon at part iyon ng contrata nila.
Hindi naman ako ganoon ka sama sa kanila, namamansin pa rin naman ako 'yon nga lang hindi talaga ako nakikihalubilo sa kanila o di kaya ay ngumingiti, ibang-iba ang pinapakita ko sa harap nila dito sa kompanya kumpara sa bahay, iwan ko ba nasanay na siguro akong ang bilis magpalit ng mood, kapag nandito sa opesina seryoso ako lagi kapag nasa bahay naman easy-easy lang para nga akong high school sa bahay kung minsan eh, dinaig ko pa yung pamangkin ko sa pagkachildish.
Pagkarating ko sa harap ng opesina ko, unang bumungad sa'kin ay yung sekretarya ko.
"Good morning po, sir? " —bungad nya na tinanguan ko lang— "Natapos ko na po pala yung pinapagawa nyo kahapon."
"Good. What about doon sa paghahanap ng bagong I.T specialist, may nag-apply pa bang bago?"
"I'm very sorry sir, pero yung binigay ko pong mga application forms and resumes ay 'yon na po talaga yung last batch ng mga applicants natin." Sabi nya na mababanaagan mo ng kunting kaba.
"Maghanap ka pa rin nang maghanap, I'm very sure may makikita pa tayong iba jan, pero siguraduhin mo na ngayon na dapat pasok talaga sya sa standard ko as an I.T specialist ah, maliwanag?!" sabi ko.
"O-ok po sir, copy po, " sabi niya bago siya umalis sa harap ko at pumunta na dun sa table nya saka humarap sa computer, ako naman ay nagpatuloy sa pagpasok sa office ko.
Kaya kami naghahanap ng bagong I.T specialist ngayon dahil yung last I.T specialist kasi namin ay imbes na ayusin yung issue sa department ay pinalala pa nya lalo, malay ko bang uminom pala sya ng gabing 'yun dahil daw hiniwalayan sya ng girlfriend nya, muntikan pang maputulan yung telecommunication site namin at kapag nagkataon milyon-milyon yung mawawala sa'min dahil magiging free lahat sa subscriber namin yung internet nila. Kaya ayon sinisanti ko agad, dinala ba naman pagkabroken sa trabaho at mandadamay pa talaga.
Napangalumbaba na lang ako sa table ko dahil sa matinding frustration na dala ng paghahanap namin ng bagong I.T specialist.
"Kung bakit ba kasi sinama ni Kuya Steven yung isa pa naming I.T specialist, edi sana tapos na tong problema ko ngayon. hayst! "
______________________