Inabot naman iyon ni Paula at tiningan. "How much is this?" tanong ni Paula sa babae. "Two million, Ma'am." Hindi naman napigilan ni Beatrice ang manlaki ng mga mata ng marinig niya kung magkano ang presyon ng relo. Two million? Sa isang relo lang? Eh, iyong relo niya ay isang daan lang. Mayamaya ay humarap sa kanya si Paula. "What do you think of this watch, Beatrice?" wika nito sa kanya sabay abot sa hawak. Binalik naman niya sa normal ang mga mata. At sa halip na hawakan ang relo ay tiningnan lang iyon ni Beatrice. Natatakot niyang hawakan baka masira niya. Wala siyang ibabayad. "Maganda," sagot niya kay Paula ng i-alis niya ang tingin sa relo. "Pero hindi ba masyadong mahal?" “Brandon deserves this, Beatrice. And Brandon never wears cheap things," nakangiting sagot nito. In

