CHAPTER 12

1675 Words
VICTORIA'S POINT OF VIEW UNANG ARAW na ng pasukan ngayon at maaga ako gumising. Hindi naman na naging problema sa akin ang maagang paggising sapagkat nasanay na ako. Suot-suot ko ang uniform ng school namin at katatapos lang din magsapatos. Kulay puti na hanggang siko ang haba ng manggas at ang necktie ay kulay dark green na may stripe na puti at itim. Ang palda naman ay parang pencil skirt din ang istilo pero below the knee at fit. Ang tela, kulay at stripe ng palda ay pareho lamang din sa necktie. Ang itim kong sapatos ay one inch ang takong dahil iyon daw ang allowed sa school. Ready na rin ang mga gamit ko at kakain na lang ng breakfast. “Kakayanin ko kahit alam ko na ang maaaring mangyari mamaya. Kaya hangga't pwede ay iiwas na lang ako kila Prince kahit mahirap lalo na magkakapareho rin kaming lima ng section,” bulong ko at saka huminga nang malalim. Naalala ko noong mayroong orientation pagkatapos ilabas ang section namin, hindi ako dumalo muna sapagkat natatakot ako. Wala mang sinabi sa akin si Prince kung ano ang reaksyon ng ibang tao noong makita o narinig ang pangalang Victoria Kim, alam kong baka ako agad nasa isip nila. Na baka nagsalita na ang iba ng mga negatibo, paano pa kaya ngayong pasukan na? “Victoria, halika na at kumain na! Mamaya papasok na kayo ni Prince,” sambit bigla ni Tiya Christine sa labas matapos kumatok. “Palabas na po!” tugon ko sabay tumayo at nag-enhale at exhale nang limang beses saka lumabas na nga sa aking silid. Saglit kong nilingon ang kuwarto ni Prince at tila napansin iyon ni tiya. “Nasa baba na si Prince kung siya ang nais mo hintayin. Halika na at baka ma-late ka rin,” ani niya at tumango na lang ako bilang sagot. PAGKABABA nga namin ay naroon si Prince at humihigop ng bagong timplang kape. Nilingon niya ako pagkatapos ilapag ang coffee cup at ito ang pangalawang beses na nakita ko siyang suot ang uniform. Long sleeve ang istilo ng pantaas sa lalaki at may necktie din na pareho halos sa necktie ko. Ang pants naman ay dark green lang. Napangiti ako ng ngitian niya rin ako. Inaamin ko namang sobrang guwapo niya, araw-araw guwapo siya! Kumalma ka muna Victoria, huwag ipahalatang kinikilig dahil titig na titig sa'yo ang crush mo! “You're beautiful . . .” bulong nito nang makaupo ako matapos niyang ipaghila ng upuan. Lalo akong kinilig at mas lumawak ang ngiti. Siguradong namumula na rin ako ngayon. “Salamat, ikaw, g-gwapo ka pa rin Prinsipe,” tugon ko na may kahinaan lang at assuming na kung assuming pero hindi naman siguro masama kung umasang pareho kami ng nararamdaman ngayon. Kinikilig din ba siya dahil medyo namumula ang pisngi niya? Tama, assuming lang ako ngayon, kumalma ka talaga Victoria. “Ngayon mo lang ako sinabihan niyan Ria, salamat din,” aniya at pinaglagyan pa ako ng sinangag sa plato pati bacon, hotdog at sunny-side up egg. Nagpasalamat ulit ako sa kaniya dahil doon at saka nagsimulang kumain kasama siya. Mamaya na raw sila Tiya Christine kakain, mauna na raw kami ni Prince kaya kaming dalawa lang halos ang nasa hapag kainan. Nag-uusap kaming dalawa paminsan-minsan kung anong balak namin sa first day of school. As usual, mag-pra-practice daw sila Prince dahil bukas daw ay may gig sila. Pinapasama nga nila ako pero sabi ko huwag na muna dahil sa isang dahilan lang ulit, ang baka mapahamak pa sila dahil sa akin. Hindi na rin nila ako napilit kahit sinubukan nila na kumbinsihin ako. “Goodmorning, my sunshine, lovely Christine!” Sabay kaming napalingon ni Prince sa pintuan ng dining room at papasok pa lang si Uncle Ren. Natawa naman kami noong may tumamang isang rolyo ng tissue sa kaniya at sunod ay spatula na nasalo naman agad ni uncle. “Tigil-tigilan mo ako Ren, umagang-umaga,” wika ni Tiya Christine at nanlaki ang mga mata namin ni Prince saglit. “Did you just call me by my name, my sunshine?” tanong ni uncle at mukhang nabigla rin ito pero mas nangibabaw ang eskpresyon niyang kinikilig. Namumula rin ang magkabilang pisngi ngayon at 'di mapuknat ang ngiti. Matalim ang tingin ni tiya nang lingunin niya si uncle pero parang umamo rin noong makita niya kung gaano ito kasaya. “Tss.” Nagkatinginan kami muli ni Prince at napa-appear. “Mukhang effective ang date nila nitong nakaraang mga araw ah?” ani ni Prinsipe. “Mukha nga, hindi naman ganiyan si tiya noon kay uncle. Ngayon parang may kakaiba na,” saad ko rin at humigop ng mainit na tsokolate. “Tama ka, effective ang pang-cha-charm kuno ni Uncle Ren kay Ate Christine.” Ipinagpatuloy namin ni Prince ang agahan habang si uncle ay sobrang cheesy kay tiya. Si Tiya naman ay pilit na pinapakitang seryoso lang siya subalit napapansin namin minsan ang kinukubli niyang matamis na ngiti kapag hindi nakatingin sa kaniya si uncle. PAGKATAPOS namin mag-breakfast ay inayos lang namin ni Prince ang sarili at dala ang mga gamit, lumabas na kami ng mansion saka sumakay sa kotseng maghahatid sa amin sa paaralan. Kung kanina ay nakakangiti pa ako, ngayon naman ay nanlalamig ako sa kaba at takot. Sana walang makapansin na magkasama kami ni Prince sa iisang kotse para paglabas ko hihiwalay ako kaagad sa kaniya. Baka ano pang kumalat na tsismis kung makikita talaga kaming magkasama ngayon. “Ang lalim yata ng iniisip mo?” Nilingon ko si Prince nang tanungin niya ako. Inalis ko saglit ang tingin sa labas habang umaandar na ang sasakyan palabas ng hacienda. Mabuti na lang din tinted ang sasakyan. “Gusto ko lang sanang tanungin kung ano ang daang tatahakin ko papunta sa building natin, I mean sa room. Para hindi ko na kailangang sumabay sa'yo,” sagot ko saka bumuntonghininga. “How many times I will tell you Ria that you don't need to think and worry about what will people say if they see us together?” Mukhang naiinis siya sa akin sa paraan ng pagtanong niya. Pero mainis man siya, iyon pa rin ang laman ng isipan ko. “Ayoko lang naman na mahusgahan din kayo dahil sa background ko, Prinsipe. Paulit-ulit man pero totoo namang baka maapektuhan ang banda ninyo at negosyo dahil sa akin. Kaya hangga't maaari, magpanggap na lang tayong hindi magkakilala o hindi close,” wika ko at malungkot siyang tiningnan. “Ria, please, you don't need to worry about us. Just please?” “I can't stop it, Prinsipe,” tugon ko at narinig ko rin siyang nagpakawala ng malalim na hininga. Natahimik ulit kami sa byahe. Pinagpatuloy ko ang panonood sa labas hanggang sa sabihin ni Mang Troy na narito na kami sa school. Pumasok ang kotse sa loob ng gate at dumiretso sa parking lot. Pagkahinto pa lang ay tumingin ako sa paligid at mabilis na lumabas ng kotse para walang makapansin na magkasama kami ni Prince. Subalit mabilis niya rin akong nahabol at hinawakan ang kamay. Doon din may sunod-sunod na nag-parking na sasakyan at lumabas sina Kellix, Ismael at Novheille. “Let's go, may flag ceremony muna bago pumunta sa kaniya-kaniyang room. Medyo mahaba ang lalakarin natin papunta sa linya,” saad ni Ismael at sumang-ayon sila. Kinakabahan akong tumingin-tingin sa paligid at yumuko. Sa palagay ko wala ring balak si Prince na pakawalan ako rito ngayon para makalayo sa kanilang apat. “Ria, just remember that we don't care about them and I—I mean we just care about you right now. Wala kaming pakialam sa sasabihin ng iba, so please don't stress and hurt yourself,” bulong ni Prince at napatitig ako sa kaniya habang naglalakad kami. “Ayaw mo ba talagang sumama sa amin Victoria bukas, o kahit mamaya sa practice namin?” tanong ulit ni Novheille. “Sorry talaga, h-hindi ako makakasama,” sagot ko at muling natahimik kami. Hanggang sa habang tumatagal ay mas dumadami na rin ang nga estudyante. Habang papalapit na rin kami sa linya ay pinilit kong mabitiwan ako ni Prince. Pinangako ko sa kaniyang 'di lalayo basta huwag lang kaming mag-holding hands. Doon ko na rin unti-unting napapansin na pinagtitinginan ako ng iba sabay bulungan. Napalunok na lamang ako saka mariing napapikit sa loob ng ilang segundo. Kahit nanatili akong nakayuko ay napapansin ko pa rin ang iba na tila ako ang pinag-uusapan na siyang inaasahan ko na noon pa man. “Siya ba 'yon?” “Oo, siya 'yong Victoria Kim. Anak ng naibalitang may ilegal na business dati. Anak ng kriminal na mag-asawang Kim.” “Ang sabi-sabi may pagka-bully rin daw noon. Tingnan mo tuloy ngayon, minalas siya. Karma na lang talaga niya ang lahat ng mga nangyari sa kanila ng pamilya.” “Tama ka riyan, karma na talaga ang kusang lalapit kapag gumawa ka rin ng mali.” “Saka, my gosh, ang kakapalan ng mukha na sumabay kila Prince! Anong pampalakas ng loob ang mayroon siya at nagagawa niya iyan.” “Sa totoo lang, bad image siya sa apat na pinakasikat na heartthrob dito sa school!” “Huwag mo silang pansinin, Victoria. Hayaan mo na lang muna. Pero kapag paulit-ulit pa ring nangyari ito puwede natin sila ireklamo. Huwag ka mag-alala, back up mo kami palagi,” ani ni Ismael at nag-thumbs up pa bago nagpatuloy sa paglalakad. “Just focus on yourself, Ria. Don't let them affect you,” saad ni Prince at medyo ginulo ulit ang buhok ko kaya sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan niya lang muli ako. Kahit paano gumaan ang pakiramdam ko. HANGGANG sa narating na rin namin ang pila para sa flag ceremony at pinilit kong mag-focus nga sa sarili. Sinusubukan nga lang talaga ako dahil lalo kong naramdaman ang mga tingin at bulungan ng mga nakapaligid sa akin. Tumahimik lang sila noong magsimula na ang flag ceremony pero may iilan pa ring tinitingnan ako na sobrang hindi na ako nagiging komportable. First hell day of school.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD