CHAPTER 14

1967 Words
VICTORIA'S POINT OF VIEW “Victoria.” Kaagad naman akong lumingon kay Tiya Christine na kapapasok lang sa kuwarto ko. Katatapos ko lang din magbihis at kakain lang kami ng meryenda bago mag-practice para sa gig namin sa isang restaurant bukas. Anniversary daw kasi roon ng restaurant bukas na hindi naman masyadong malayo sa hacienda. Medyo lagpas lang din ang pwesto niyon sa eskwelahan namin. Ngayon ay siguradong kakausapin ako ni Tiya tungkol sa aking desisyon. Sinara niya ang pinto saka lumapit sa akin. “Nasabi na sa akin nila Prince ang lahat. Uunahan na kita, hindi naman ako tumututol sa desisyon mo. Pero sigurado ka na ba talaga sa gusto mo? Pinag-isipan mo bang maiigi bago mo naisip na gawin ang pagsali sa banda?” ani ni Tiya Christine at marahang pinisil ang kamay kong hawak niya ngayon. Kasalukuyang nakaupo kami sa dulo ng kama. “Opo, Tiya. Sigurado na rin po ako sa desisyon kong ito. Huwag po kayong mag-alala masyado, pangakong gagawin ko lahat upang mag-ingat,” sagot ko at ngumiti. Bumaba ang tingin niya saka huminga nang malalim bago binalik sa akin. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko at ngumiti rin. “Oh sige, malaki ka na rin Victoria at siguro naman alam mo ang pinasok mo. Basta mag-ingat ka, 'di ko lang din maiwasang hindi mag-alala sa'yo. Kumusta nga pala ang first day?” tugon niya at nawala ang ngiti ko sa huling tanong dahil naalala ko kung gaano ka-negative sa paligid kanina. “Ayon po, as expected, pinagtitinginan at pinag-uusapan. Pero okay lang naman din Tiya lalo na 'di ganoon ang teachers namin. Mostly mga students lang din saka mga tao sa canteen pero may isa akong kaklaseng ang bait. Siya lang talaga nakita ko na hindi ako plinaplastik sa pagiging mabait sa akin. Si Loave, mukha nga ring matagal na silang magkakakilala nila Prince na hindi ko na rin masyadong ipinagtaka,” sambit ko at nagpakawala ng malalim na hininga. “Mabuti naman kung ganoon na maayos naman ang trato sa'yo ng teachers lalo na mga guro sila. At si Loave, medyo close nga sila ni Prince. Nagagawi iyon dito dati tuwing may group project sila Prince. Saka napansin ko na agad na may paghanga siya kay Novheille,” wika ni Tiya at natuwa ako sa huling narinig. “Napansin ko nga rin po na may something talaga sa dalawang iyon kanina,” saad ko at pagkatapos ng aming munting pag-uusap ay lumabas na kami sa silid. Tumungo ako sa sala habang si Tiya ay sa garden daw pupunta. Natawa na lang ako noong sinundan agad ni Uncle Ren si Tiya Christine. Ako naman ay naupo sa tabi ni Prince saka kumuha ng banana chips sa malaking mangkok. “Kinausap ka ni Ate Christine?” pabulong na tanong ni Prince at inilapit din sa akin ang tuna sandwich na agad ko namang kinuha. “Hmm-Hmm, s-salamat pala,” tugon ko saka medyo tinaas ang sandwich bago ito sinimulang kainin. “So, while eating, ayusin na rin natin ang plano kung ano ang gagawin,” sambit ni Ismael at sumang-ayon naman kami. Iyon ay patungkol sa kung ano ang gagawin at mga kakailanganin upang walang makakilala sa akin bilang Victoria. Makilala dapat ako bilang River. “Unang plano, iba ang istilo dapat ng pananamit ni Victoria at ni River, I mean magkaiba ang sa personal at iba rin pagdating sa entablado. Pero kung mangyayari man, dapat magiging komportable pa rin ito suotin. Then, Victoria is not kind of woman who wears makeup, but River, maybe we should put some makeup on her face. May kilala akong make-up artist na pwede makatulong para maging iba kahit paano ang hitsura ni Victoria para kapag siya na si River, walang makakahalata kung sino ba talaga siya. I mean, sandali, gets n'yo ba kasi parang medyo magulo ako?” Natawa naman kami kay Kellix at tumango ako sa kaniya. “Nauunawaan namin, Kellix. Maganda rin ang suggestion mo, ayos sa akin iyon,” ani ko kaya napalakpak naman siya at pinuri ang sarili na muli naming ikinatawa. “Next, mayroon dapat na masquerade at hindi dapat mahahalata ng ibang tao na singkit ang mata niya. Baka maging dahilan pa para ungkatin nila lalo kung sino talaga si River lalo na kilala rin ang banda natin sa school. About masquerade, secured na iyon kanina pa dahil naisip ko na iyon agad na baka magamit. Bukas makakarating na iyon bago pa magsimula ang gig natin sa Daisy Restaurant. Bukod diyan, kailangan din natin ng wig,” sambit ni Novheille at si Ismael naman ang nag-boluntaryo para roon. Nahihiya na nga ako at walang ibang magawa kung 'di magpasalamat dahil grabe ang suporta nila sa nais ko. Habang si Prince naman ang bahala kung paano walang makakapansing magkasama kaming dalawa. Dahil sa oras na umingay daw lalo na sa school ang tungkol sa akin dahil 'di daw iyon maiiwasan balang araw, walang makakaalam na nakatira ako rito. Kapag nalaman na at kumalat iyon na hindi posible mangyari, pwede sila magkaroon ng ideya na ako si Victoria Kim lalo na napansin na nilang malapit kami nila Prince sa first day pa lamang. Syempre maaaring kumalat din ang aking current address which is dito sa hacienda. “Magkaibang sasakyan ang gagamitin namin ni Victoria, ako roon sa usual na ginagamit sa paghatid at pagsundo sa akin. Si Victoria naman ay ang—” Napatigil si Prinsipe sa pagsasalita noong makarinig kami ng palakpak at si Uncle Ren iyon na nagtatago lang pala malapit sa sala kanina. Kapapasok lang din ni Tiya Christine na mukhang nagtataka sa kilos ni Uncle. “Ako na ang bahala kay Victoria sa paghatid saka sundo sa kaniya bilang si River. Ngayon, kailangan ninyong isipin paano kapag sa school event kayo tutugtog. Ano gagawin n'yo para 'di magtaka ang iba na wala ang isang Victoria Kim sa paligid?” Napaisip ako bigla sa tanong ni Uncle saka may unti-unting nabubuo sa isipan ko. Tila nahalata rin nila iyon base sa ekspresyon ko. Kaya naman ngayon ay nakatingin sila sa akin at mukhang hinihintay lang akong magsalita. “Any idea, Ria?” tanong ni Prince at nag-aalangan pa akong tumango bago nagsimulang magsalita. “Dahil kilala naman nila akong Victoria Kim na anak ng kriminal, hindi naman siguro sila magtataka kapag umiiwas ako sa mga mataong lugar. Kailangan makita lang nila na umiiwas ako sa maraming tao siguro na mukhang 'di naman ako mahihirapan. Pero ang inaalala ko, paano kung sakaling may event nga na pupuntahan ang banda natin tapos pupunta rin si Loave at yayain ako?” wika ko at napaisip din sila bigla. “Si Loave, wala namang problema. Pwede naman natin siyang sabihan patungkol dito. Well, maaasahan din naman siya pagdating sa pagtatago ng sekreto lalo na muntik na rin namin siyang maging kasama sa bandang ito. Ayaw lang ng parents niya dahil puro daw kami lalaki at siya lang magiging babae sa banda,” sambit ni Novheille at medyo nabigla rin ako. So, mukha lang talaga siyang snob umakto katulad ng sabi ni Loave. Ngayon alam ko na talagang mukhang ganoon lang si Novheille, subalit nag-oobserba rin siya sa paligid, o sabihin na natin kay Loave. Medyo nag-aalala ako kahit paano kung ipapaalam agad kay Loave iyon ngunit tama naman sila. Dahil mas matagal naman nilang nakasama si Loave dahil maging si Prinsipe ay sumang-ayon. “Sige, maayos naman na siguro ang plano natin. Pero maganda rin kung iisip tayo ng back up plan kapag dumating na kailangan natin iyon para 'di nila ako makilala,” ani ko at iyon nga ang aming ginawa habang nagmemeryenda. PAGKATAPOS ay tumungo na kami sa music room at nag-practice na sa awiting ni-request ng may ari ng Daisy Restaurant na kantahin bukas. Gabi halos ang event, si Uncle Ren ang magsisilbing guardian naming lima dahil kailangan iyon lalo na menor de edad pa lang kami. Apat na oras ang tinagal ng aming pagsasanay at umuwi na sila Kellix dahil gabi na rin. Habang kami ni Prinsipe ay nagpahinga lamang saka dumating na ang oras para sa hapunan. Masaya kaming nagsalo-salo sa hapag kainan. Medyo nakakalungkot lang dahil wala ngayong araw sina Tita Prescila at Tiyo Rohan dahil sa inaasikasong negosyo sa ibang lugar. Nasa coffee farm si Tita habang si Tiyo ay nasa lungsod ng Maharlika. Sunod bukas pa raw ang uwi nila. PAGKAKAIN ng aming hapunan ay tumambay kami ni Prince sa swimming pool. Nakaupo kami sa gilid habang nakalubog ang paa't binti sa tubig. “Nga pala, Prinsipe, pinagawa mo ba ang bracelet na iyon noong mismong araw na nag-usap tayo. Ang ibig kong sabihin noong tinanong mo ako kung anong gusto ko na stage name,” sambit ko at ginalaw-galaw ang paa. “Kinaumagahan pagkatapos natin mag-usap ay dahil aalis noon si Uncle Ren, pinasuyo ko sa kaniya na ipagawa ka ng bracelet. Alam naman ni Uncle kung saan namin pinapagawa ang porselas bilang palatandaan na member ka ng Eternal Band. Siya rin kasi nag-recommend na roon kami dahil quality daw talaga ang gawa. Nasubukan kasi niya noon sa Florence Jewelry ipagawa ang bracelet na niregalo niya kay mom noong birthday nito,” sagot niya at napatango-tango naman ako. “Puwede ko itong basain, 'di ba? Oo nga pala, kailangan ko muna itong hubarin at isuot na lang ulit kapag tutugtog tayo, para mas safe ang secret natin—ko pala,” wika ko at nakangiting bumaling sa kaniya. Tiningnan niya rin ako at akala ko guguluhin niya na naman ang aking buhok pero nagkamali ako. Pinisil niya ang kanang pisngi ko at natampal ko ang kamay niya dahil medyo masakit na. “Prinsipe! Masakit ah?” Akmang tatampalin ko ulit ang kamay niyang papalapit sa aking mukha pero napigilan niya iyon. Ang sunod niyang ginawa ay naging rason upang huminto ang paghinga ko. Dahan-dahan niyang hinaplos ang kanang pisngi ko at mukhang bumabawi sa dinulot na sakit dito. “Sorry, Ria,” saad niya at imbis na sagutin siya ay may naisip akong kalokohan. Ngumiti muli ako at maya-maya lang ay tinalsikan ko siya ng tubig sa pool gamit ang kaliwang kamay ko. Tila nagulat pa siya subalit nakabawi rin agad at ginaya ang ginawa ko. Hanggang sa naglalaro na kami halos saka biglang nahulog sa mismong pool. Basang-basa na tuloy kami ngayon at nakaramdam na ako ng lamig sapagkat gabi ngayon. Natawa na lang kami sa isa't isa at dahil wala pa namang assignment o requirements na kailangan namin dalhin bukas sa bawat subject, nanatili muna kami sa swimming pool hanggang sa nagdesisyong umahon na. Napailing na lang din kami sa reaksyon nina Tiya at Uncle nang makita kaming dalawa na basang-basa. May kaunting sermon pa silang dalawa bago kami pumasok sa kaniya-kaniyang banyo upang magbanlaw at magpalit ng kasuotan. KINAUMAGAHAN ay tila nasasanay na ako sa ginagawa ng karamihan sa paaralan kapag nakikita ako. Pero may time pa ring nakakailang din talaga pero sinikap kong kumalma at gawin ang plano. Plano na maaaring maging dahilan upang 'di nila isiping si Victoria ay si River. Lalo na kahit saan ako pumunta ay may nanonood sa akin, ang mga mata ng mga tao rito sa 'king paligid. Hanggang sa sumapit muli ang uwian ay umuwi muna kami sa hacienda upang maghanda. Kasama namin si Loave at may inabot ito kay Novheille. Nakabalot iyon at parang may ideya na ako kung ano ngunit 'di ako sigurado. Pagkatapos ng saglit nilang pag-uusap, lumapit sa akin si Loave. “Goodluck, Miss River,” bulong ni Loave at nanlaki ang mga mata ko. Bago pa ako makabawi ay nakalayo na siya habang nagpapalam saka kumakaway sa amin bago lumabas ng mansion at pumasok sa kotse. Bumaba rin ang bintana sa pinto papasok sa passenger seat sabay nag-fighting sign si Loave hanggang sa tuluyan na siyang nakalayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD